18/08/2026
INDUCTION AND OATH-TAKING CEREMONY S.Y. 2026-2027
Matagumpay na isinagawa kagabi Hulyo 18, 2026 ang Induction and Oath-Taking Ceremony ng mga halal na Opisyal ng SPTA at HPTA ng Pesa Elementary School, na pinangunahan ng ating Halig-Punong Bayan, Kgg. Rodel A. Avellaneda.
Ang makabuluhang seremonyang ito ay dinaluhan din ng ating Tagamasid Pampurok ng General Nakar District 1, Dr. Maribel M. Santelices, kasama ang mga masisipag na Ulong G**o, na patuloy na nagbibigay ng suporta at gabay sa ating paaralan. ππ
Nakibahagi rin sa mahalagang okasyong ito ang Punong Barangay, Kapitan Naldy B. Aumentado, kasama ang kanyang mga kagalang-galang na Kagawad na sina Alvin Sabiduria, Lerna Leynes, at Roshel Moises. Ang kanilang presensya ay patunay ng matibay na ugnayan at pakikiisa ng paaralan at pamayanan para sa kapakanan at pag-unlad ng ating mga mag-aaral. π€
Kasabay ng seremonya ang Search for Mrs. SPTA 2026, na nagbigay ng pagkakataon upang maipamalas ng mga kalahok ang kanilang kumpiyansa, talino, ganda at kagandahang-loob. πΈπ
At sa huli, kinoronahan si Gng. Regine Aumentado bilang Mrs. SPTA 2026! ππ
Congratulations, Mrs. SPTA 2026, Gng. Regine Aumentado! π Nawa'y maging inspirasyon ang iyong tagumpay sa patuloy na pakikiisa, paglilingkod at pagsuporta sa ating paaralan at komunidad.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga opisyal, g**o, magulang, barangay officials at stakeholders na nakiisa at naging bahagi ng matagumpay na Induction and Oath-Taking Ceremony.
Mabuhay ang mga bagong halal na opisyal ng SPTA at HPTA ng Pesa Elementary School! Mabuhay ang pagkakaisa at sama-samang paglilingkod para sa ating mga mag-aaral! ππ