DepEd Tayo Lumutan ES - Quezon

DepEd Tayo Lumutan ES - Quezon "Lumutan ES engages hearts, equipping minds."

“Kalinga ng Isang G**ong Ina”Hindi lamang aral ang iyong ibinibigay,Kundi kalingang sa puso’y tunay.Sa bata at g**o, ika...
25/09/2026

“Kalinga ng Isang G**ong Ina”

Hindi lamang aral ang iyong ibinibigay,
Kundi kalingang sa puso’y tunay.
Sa bata at g**o, ikaw ay kaagapay,
Sa bawat pangangailangan, laging nakaalalay.

Ma’am Efrelyn, salamat sa pusong wagas,
Pagmamahal mong sa lahat ay lumalagas.
Sa National Teachers Month, saludo at parangal,
Sa g**ong may pusong ina—aming minamahal.

23/09/2026

“Bakas ng Kabutihan, Alaala ng Paglilingkod”

Sa anim na buwang kayo’y nakasama,
Lumutan ay inyong tinuring na pamilya;
Sa bawat pagsubok, sa hirap at saya,
Kalinga’t paggabay, lagi naming nadama.

Hindi man mahaba ang panahong inilaan,
Bawat sandali’y aming pahahalagahan;
Mga payo’t aral na inyong iniwan,
Sa puso’t isipan ay aming iingatan.

Sa aming mga g**o, kayo’y naging gabay,
Sa bawat suliranin, kayo’y kaagapay;
Kapag may pangamba at pusong nanghihina,
Salita ninyong wagas ang aming pag-asa.

Sa mga magulang, kayo’y nakinig,
Sa bawat saloobin, kayo’y umunawa’t duminig;
Para sa kapakanan ng batang minamahal,
Inyong ipinakitang ang malasakit ay tunay.

At sa aming mga batang may munting pangarap,
Kayo’y nag-iwan ng aral na di kukupas;
Na ang edukasyon ay ilaw sa bukas,
At ang pangarap ay kayang abutin nang wagas.

Bilang District Supervisor, aming iginalang,
Bilang OIC, paaralan ay inyong inalagaan;
Sa bawat desisyon, kabutihan ang dahilan,
Sa bawat hakbang, bata ang inyong pinahalagahan.

Ngayon ay dumating ang araw ng pamamaalam,
May lungkot sa puso, may luhang nag-uunahan;
Sapagkat ang taong naging bahagi ng buhay,
Sa maikling panahon ay naging tunay na karamay.

Ma’am Maribel, salamat sa inyong puso,
Sa bawat pagtulong at bawat pagtuturo;
Ang inyong kabutihan, kailanma’y di maglalaho,
Sa puso ng Lumutan, mananatili ito.

Mula sa aming mga g**o, magulang, at mag-aaral,
Maraming salamat, Ma’am Maribel, sa inyong walang sawang paglingap.
Hindi lamang kayo naging pinuno ng aming paaralan,
Kayo’y naging bahagi ng aming puso at kasaysayan.

Paalam man ang sambit ng aming mga labi,
“Salamat po” ang mananatili sa aming sarili.
Saan man kayo dalhin ng inyong paglilingkod sa bayan,
Ang Lumutan Elementary School ay lagi kayong maaalala at mamahalin.

22/09/2026

Ang pag-indak ng ating muse sa production number na si Gng. Zarine D. Gutierrez.

No copyright infringement intended. Music belongs to its rightful owner. For entertainment purposes only.


“Sa Pusong G**o, Walang Malayo”Sa bawat aral na iyong itinuturo,May kasamang pangarap para sa bata mo.Lahing Bisaya man ...
21/09/2026

“Sa Pusong G**o, Walang Malayo”

Sa bawat aral na iyong itinuturo,
May kasamang pangarap para sa bata mo.
Lahing Bisaya man ang iyong pinagmulan,
Lumutan ang naging tahanan ng iyong pagmamahalan.

Ma’am Angelica, saludo at pasasalamat,
Sa pusong sa kabataan ay laging tapat.
Sa National Teachers Month, ikaw ay pararangalan,
G**o ng Ikapat na Baitang, inspirasyon ng kabataan!

Ipinagmamalaki ng Lumutan Elementary School, ang GANDANG PINAY 2026 Gng. Zarine D. Gutierrez. ✨👑Maraming maraming salama...
20/09/2026

Ipinagmamalaki ng Lumutan Elementary School, ang GANDANG PINAY 2026 Gng. Zarine D. Gutierrez. ✨👑

Maraming maraming salamat sa iyong pakikiisa at pagsuporta para sa gawaing pampaaralan. 💖



Isang taos-pusong pasasalamat at pagbati mula sa pamilya ng Lumutan Elementary School sa lahat ng mga g**o, FPTA Officer...
20/09/2026

Isang taos-pusong pasasalamat at pagbati mula sa pamilya ng Lumutan Elementary School sa lahat ng mga g**o, FPTA Officers, mga opisyal ng Barangay, mga magulang, at lahat ng mga kaibigan at katuwang ng paaralan na naglaan ng kanilang mahalagang oras, panahon, at presensya upang makiisa sa District Federation of Parents and Teachers Association Turn-over and Induction Ceremony na ginanap noong ika-18 ng Setyembre 2026 sa General Nakar Central School, Brgy. Poblacion, General Nakar, Quezon.

Ang inyong pakikiisa ay patunay ng matibay na bayanihan, pagkakaisa, at pagtutulungan para sa kapakanan at ikauunlad ng ating mga mag-aaral. Sa bawat presensya at suporta, mas nagiging makabuluhan ang mga gawaing naglalayong pag-isahin ang mga g**o, magulang, paaralan, at pamayanan.

Lalo't higiy, isang malaking pagbati na pinagmamalaki ng Lumutan Elementary School ang ating napakagandang muse na buong husay at kumpiyansang nakiisa sa Search for Mrs. FPTA 2026, si Gng. Zarine D. Gutierrez, na nagkamit ng espesyal na pagkilala bilang "GANDANG PINAY 2026 👑". Ang iyong kagandahan ay higit pa sa panlabas na anyo—ito ay nasasalamin sa iyong kumpiyansa, pakikiisa, kababaang-loob, at pagmamalaki bilang kinatawan ng paaralan. Tunay kang naging inspirasyon at karangalan ng ating paaralan!

Muli, maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang pagtitipong ito. Sama-sama nating ipagpatuloy ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa tungo sa mas maunlad at mas matatag na paaralan para sa ating mga anak. ❤️








"G**ong Tahimik, Pusong Umaakay"Mahinhin ang tinig, payapa ang kilos,Ngunit sa pagtuturo, puso’y buong lubos.Sa bawat ar...
16/09/2026

"G**ong Tahimik, Pusong Umaakay"

Mahinhin ang tinig, payapa ang kilos,
Ngunit sa pagtuturo, puso’y buong lubos.
Sa bawat aral na iyong ibinabahagi,
Pag-asa at pangarap sa bata’y iyong binubuklat.

Ma’am Rachelle, sa Teachers Month na ito,
Saludo kami sa pusong tapat at totoo.
Tahimik man ang iyong paraan ng paggabay,
Pangarap mo’y makita ang bawat batang magtagumpay.

“G**o Namin, Inspirasyon Namin”Sa Grade 6, kayo ang aming gabay,Sa bawat pagsubok, tungo sa tagumpay.G. Genmark Villegas...
14/09/2026

“G**o Namin, Inspirasyon Namin”

Sa Grade 6, kayo ang aming gabay,
Sa bawat pagsubok, tungo sa tagumpay.
G. Genmark Villegas, aming hinahangaan,
Sa inyong sipag at tiyaga, kami’y natutulungan.

Ngayong National Teachers Month, taos-puso ang pasasalamat,
Sa g**ong laging handang maglingkod nang tapat.
Mabuhay po kayo, G. Villegas, aming g**o!
Ang Grade 6 ng Lumutan Elementary School, saludo sa inyo!

Address

Lumutan
General Nakar
4338

Telephone

+639054887341

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Lumutan ES - Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tayo Lumutan ES - Quezon:

Shortcuts

Share

Category