DepEd TAYO Cynthia Village Elementary School

DepEd TAYO Cynthia Village Elementary School We Work in Unity and Harmony

24/11/2025
MASDAN | Gender and Development (GAD)/VAWC ADVOCACYNOBYEMBRE 6, 2025 Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral, School Club O...
08/11/2025

MASDAN | Gender and Development (GAD)/VAWC ADVOCACY
NOBYEMBRE 6, 2025

Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral, School Club Officers, SPTA Officers at mga g**o ng Cynthia Village Elementary School sa GAD/VAWC Advocacy na may temang "EmpowHER 2025: Strengthening Gender Equality and Ending Violence Against Women and Children"

Ang sesyon na ito ay pinangunahan ng ating mga magagaling na Resource Speaker:
- Ma’am Geraldine P. Lorilla (Teachers: Advocates of Gender Equality and Frontliners in ldentifying
and Reporting VAWC Cases)
- Ma'am Anariza B. Astoveza (Integrating Gender Sensitivity and Anti-VAWC Awareness in Classroom Activities)
- Sir Jay-ar B. Isidro (Roles of Men in Eliminating Violence Against Women and Children)
-Ma'am Jeanie Lyn F. Plastina (Anti-Bastos Law)

Naniniwala kami na ang pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili.

Sama-sama, kaya nating lumikha ng isang mas ligtas, mas pantay, at mas makatarungang mundo para sa ating mga anak. πŸ§‘πŸ’œ

Masdan | FOURTH QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILLNOVEMBER 6, 2025Matagumpay na isinagawa ng Cynthia Villa...
08/11/2025

Masdan | FOURTH QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL
NOVEMBER 6, 2025

Matagumpay na isinagawa ng Cynthia Village Elementary School ang Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa ganap na ika-2 ng hapon.

Isagawa ang 'Duck, Cover, and Hold'. Ang pag-eensayo ay nagliligtas ng buhay. Maging bahagi ng solusyon, hindi problema.

MENTAL HEALTH AWARENESS CAMPAIGN 2025 πŸ’šπŸ§ π“π‘πžπ¦πž: β€œLearn simple ways to care for Mental Health"This activity reminds us tha...
24/10/2025

MENTAL HEALTH AWARENESS CAMPAIGN 2025 πŸ’šπŸ§ 
π“π‘πžπ¦πž: β€œLearn simple ways to care for Mental Health"

This activity reminds us that caring for our mental health is just as important as taking care of our physical well-being. πŸ’š

Let’s continue to create a school community where everyone feels seen, heard, and valued. πŸ’™

Isang taos-pusong pagpupugay sa mga kahanga-hangang g**o ng Cynthia Village Elementary School! 🌟 Sa Buwan ng mga G**o, k...
05/10/2025

Isang taos-pusong pagpupugay sa mga kahanga-hangang g**o ng Cynthia Village Elementary School! 🌟

Sa Buwan ng mga G**o, kinikilala namin ang inyong mahalagang papel sa paghubog ng kinabukasan ng mga kabataan.

Salamat po sa pagiging inspirasyon at sa pagtitiyak na ang bawat bata ay may pagkakataong mangarap at magtagumpay.

HAPPY TEACHER'S DAY PONG MULI MGA MA'AM AT SIR πŸ’πŸ«‚

MASDAN | ARAL PROGRAM KICK-OFF SEPTEMBER 23, 2025 Isang makabuluhang araw para sa Cynthia Village Elementary School mata...
23/09/2025

MASDAN | ARAL PROGRAM KICK-OFF
SEPTEMBER 23, 2025

Isang makabuluhang araw para sa Cynthia Village Elementary School matapos matagumpay na isinagawa ang Kick-off Ceremony ng ARAL CEREMONY (Academic Recovery and Accessible Learning) na may temang, β€œBawat bata, may gabay. Bawat pangarap, abot-kamay.”

Ang programang ito ay isang inisyatibo ng DepEd na naglalayong magbigay ng academic recovery at suporta sa pag-aaral para sa ating mga mag-aaral.

Sa dedikasyon ng ating mga g**o/tutor, suporta ng mga magulang, at mga mag-aaral, bawat pagsisikap ay nagpapalakas sa ating nagkakaisang paninindigan na linangin ang pagmamahal sa pag-aaral at tiyakin na ang bawat bata ay may access sa de-kalidad na edukasyon.

Sama-sama tayong sumulong sa pagpapalakas ng mga kasanayan sa pagbasa at pagbilang habang pinapayabong ang kultura ng pagtitiyaga at kahusayan.

Ang Cynthia Village ES ay nananatiling nakatuon sa pagtiyak na walang mag-aaral na maiiwan.

MASDAN| FIRST QUARTER READING OF FORMSSEPTEMBER 4, 2025Ikalawang araw ng School-Based Reading of forms, pinangunahan nam...
04/09/2025

MASDAN| FIRST QUARTER READING OF FORMS
SEPTEMBER 4, 2025

Ikalawang araw ng School-Based Reading of forms, pinangunahan naman ito ng mga g**ong tagapayo buhat sa Kindergarten hanggang ika-tatlong baitang.

At dahil sa SFCR Team Leader at mga miyembro, naging maayos, mabilis, at matagumpay ang gawaing ito.

MARAMING SALAMAT PO!

Congratulations mga ma'am at sir!!!

MASDAN| FIRST QUARTER READING OF FORMSSEPTEMBER 3, 2025Ang unang araw ng School-Based Reading of forms ay pinangunahan n...
03/09/2025

MASDAN| FIRST QUARTER READING OF FORMS
SEPTEMBER 3, 2025

Ang unang araw ng School-Based Reading of forms ay pinangunahan ng mga g**ong tagapayo buhat sa ika-apat na baitang hanggang ika-anim na baitang.

At dahil sa SFCR Team Leader at mga miyembro, naging maayos, mabilis, at matagumpay ang gawaing ito.

MARAMING SALAMAT PO!

MASDAN | NUTRITION MONTH CELEBRATION 2025JULY 31, 2025Ang taunang selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon ay matagumpay na gin...
01/08/2025

MASDAN | NUTRITION MONTH CELEBRATION 2025
JULY 31, 2025

Ang taunang selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon ay matagumpay na ginanap na may tema ngayong taon - "Sa PPAN: Sama-Sama sa Nutrisyong Sapat para sa Lahat!" at ang sub-theme nito - β€œFood at Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!”

Sinimulan ang ikalawang bahagi ng selebrasyon sa isang "Coloring Contest" kung saan nakilahok ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 3.

Ang kanilang mga gawa ay nagpakita ng kanilang pag-unawa sa kahalagahan ng balanseng pagkain.

Samantala, kasabay ng aktibidad, ang mga mag-aaral naman mula sa Grade 4 hanggang Grade 6 ay nagpakita ng kanilang kasanayan sa pagluluto sa idinaos na "Cooking Contest."

Pinatunayan ng mga gawaing ito na ang kanilang kakayahan na maghanda ng masustansiyang pagkain ay para sa kanilang sarili gayon din para sa kanilang pamilya.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa mga maging hurado ng Cooking Contest - Ma'am Jeanie Lyn F. Plastina, Sir Jay-ar B. Isidro at Gng. Roselda L. Lopez.

Ang mga gawaing ito ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa dedikasyon ng ating Health Coordinator, Sir Kevin O. Mendoza at suporta ng mga kaguruan at magulang.

Ang mga ganitong programa ng ating paaralan ay naglalayong maitaguyod ang kamalayan sa wastong nutrisyon at maging isang malusog at masiglang komunidad.

MASDAN | NUTRITION MONTH CELEBRATION 2025JULY 30, 2025Ang taunang selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon ay matagumpay na gin...
31/07/2025

MASDAN | NUTRITION MONTH CELEBRATION 2025
JULY 30, 2025

Ang taunang selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon ay matagumpay na ginanap na may temang "Sa PPAN: Sama-Sama sa Nutrisyong Sapat para sa Lahat!"
Sub-theme: β€œFood at Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!”

Nagsimula ang unang bahagi ng programa sa isang masiglang costume parade, kung saan kapansin-pansin ang pagiging malikhain ng mga mag-aaral sa tulong ng kanilang mga magulang.

Sinundan ito ng isang costume contest, kung saan pinili ang mga pinakamalikhain na kasuotan mula sa Kinder hanggang Grade 3.

Samantala, ang mga mag-aaral mula Grade 4 hanggang Grade 6 ay nagpakita ng kanilang talento at karunungan sa Mr. & Ms. NUTRI KID 2025 Competition.

Ang mga mag-aaral ay nagpamalas ng kanilang kaalaman sa nutrisyon sa pamamagitan ng Q & A portion.

Ang gawaing ito ay hindi magiging possible kung hindi dahil sa dedikasyon ng ating Health Coordinator, Sir Kevin O. Mendoza at suporta ng mga kaguruan at magulang.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa mga hurado para sa programang ito, Konsehala Jennifer Aranzamendez, Konsehala Alma Astrera at GPTA Pres. Gng. Emelita Borreo.

Ang mga ganitong programa ng ating paaralan ay naglalayong maitaguyod ang kamalayan sa wastong nutrisyon at maging isang malusog at masiglang komunidad.

MASDAN | ANTI-BULLYING CAMPAIGNJULY 28, 2025Ang mga g**o at mag-aaral ng Cynthia Village Elementary School ay nagsagawa ...
28/07/2025

MASDAN | ANTI-BULLYING CAMPAIGN
JULY 28, 2025

Ang mga g**o at mag-aaral ng Cynthia Village Elementary School ay nagsagawa ng Anti-bullying Campaign, layunin nito na maitaguyod ang isang ligtas at mapayapa na kapaligiran sa paaralan kung saan ang bawat mag-aaral ay nararamdaman ang pagpapahalaga at respeto.

Sinimulan ang gawaing ito sa isang talakayan buhat sa mga g**o, ipinaliwanag nila ang mga sumusunod:

* Scope and Definition of Bullying
* Procedure
* Intervention Programs
* The 4Ws on Bullying
* Jurisdiction on Bullying
* CPC as the Bullying Committee
* Authority to Impose Sanction

Ang mga mag-aaral ay nagkaroon ng "Anti-bullying Pledge" na kung saan nangako ang mga mag-aaral na magiging mabuting halimbawa sa kanilang mga kapwa.

Sinundan ito ng isang Break and Kindness Activity, ang bawat mag-aaral ay binigyan ng mga dahon at nagsulat sila ng mga words of affirmation at dinikit ito sa Kindness Tree.

Ang matagumpay na pagdiriwang ng Anti-bullying Campaign ay nagpapakita ng dedikasyon ng Cynthia Village Elementary School sa paglikha ng isang ligtas at positibong kapaligiran sa pag-aaral para sa lahat ng mga mag-aaral.

MASDAN | SCHOOL CLUB CAMPAIGN & ELECTIONJULY 15, 2025Ang Cynthia Village Elementary School ay nagkaroon ng School Campai...
27/07/2025

MASDAN | SCHOOL CLUB CAMPAIGN & ELECTION
JULY 15, 2025

Ang Cynthia Village Elementary School ay nagkaroon ng School Campaign & Election para sa mga sumusunod na Youth Organization:

-YECs (Youth Entrepreneurship and Cooperativism in Schools Program)
-YES-O (Youth for Environment in Schools Organization)
-BKD (Brigada Kontra Droga)
-RCYC (Red Cross Youth Council)

Ang gawaing ito ay pinangunahan ng School Youth Organization Adviser na si Sir John Jayvee S. Azul katuwang sina Sir Jay-Ar B. Isidro, Sir Romnick A. Cecillano, Sir Kevin O. Mendoza at SELG OFFICERS.

Taos-pusong binabati namin ang ating mga bagong Lider!!!

Nawa'y maging inspirasyon kayo sa inyong mga kaklase at gabayan ninyo ang ating paaralan tungo sa mas matagumpay na kinabukasan.

Address

Sitio Pulang Lupa, Brgy. Umiray
General Nakar

Telephone

+639512169668

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd TAYO Cynthia Village Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share