29/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐| ๐๐๐๐๐, ๐๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ข๐๐ข๐ง๐๐จ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฐ๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ค๐ญ๐ข๐๐ข๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ 2026๐ต๐ญ
Matagumpay na isinagawa ng paaralan ang Culminating Activity ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 na may temang โ๐พ๐๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐ฐ: ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐โ noong Agosto 28, 2026.
Bilang pagtatapos ng isang buwang pagdiriwang, nagsagawa ng isang makabuluhan at makulay na programa na sinimulan sa pamamagitan ng maikling parada ng mga mag-aaral na buong pagmamalaking nagsuot ng kanilang mga makukulay at tradisyunal na Kasuotang Pilipino. Ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino at ang patuloy na pagtataguyod sa ating pambansang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng wika at pananamit.
Isa sa mga tampok ng programa ang paggagawad ng mga sertipiko, medalya, at premyo sa mga kalahok at nagwagi sa iba't ibang patimpalak na isinagawa sa buong buwan ng Agosto, kabilang ang:
๐จ Kulay-Wika (Kinder hanggang Grade 1)
โ๏ธ Slogan Ko, Wika Ko (Grade 2 at Grade 3)
๐ AI-Assisted Filipino Writing Contest (Grade 3)
๐ผ๏ธ AI Image Challenge (Grade 4)
๐จ Filipino Poster Making Contest (Grade 4 hanggang Grade 6)
๐น Vlog: Resiping Pinoy (Grade 5)
๐ญ AI Digital Art Challenge (Grade 6)
Ang mga gawaing ito ay nagbigay-daan upang higit na mapaunlad ang kasanayan, pagkamalikhain, at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa Wikang Filipino, kasabay ng responsableng paggamit ng makabagong teknolohiya gaya ng Artificial Intelligence bilang katuwang sa pagkatuto at pananaliksik.
Ang tagumpay ng pagdiriwang na ito ay naisakatuparan sa pangunguna ng Filipino Coordinator na si Gng. Maybelyn C. Rey, sa patnubay ng ating Punungg**o, at sa walang sawang suporta at pakikiisa ng mga g**o, magulang, at iba pang mga stakeholder ng paaralan.
Taos-pusong pasasalamat din ang ipinaaabot sa pamunuan ng SPTA para sa kanilang pinansyal na suporta na naging daan upang makapagbigay ng mga insentibo at premyo sa mga mag-aaral na lumahok at nagpakita ng kahusayan sa iba't ibang patimpalak.
Muli, binabati namin ang lahat ng mga nagwagi, kalahok, at mga mag-aaral na nakiisa sa pagdiriwang na ito. Nawa'y patuloy nating pagyamanin, mahalin, at gamitin ang Wikang Filipino bilang daluyan ng kaalaman, pagkakaisa, at pag-unlad sa makabagong panahon.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang kabataang Pilipino! ๐ต๐ญ