09/06/2026
✨"Real leadership is about transforming limitations into possibilities."✨
- Robin Sharma
Nagsimula sa impossible, hanggang naging possible. Sa pagsisimula ng taong panuruang 2026-2027, ang Paaralang Elementarya ng Gaspar ay niyakap ang mundo ng pagbabago. Ang limang 55" Samsung Smart TV mula sa Schools Division of Marinduque ay matagumpay na naikabit at sa kasalukuyan ay kaagapay ng mga g**o sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga batang Gaspareños. Dagdag pa rito ang heavy duty generator at limang portable power stations. Lahat ng ito ay naisakatuparan sa tulong at pamumuno ng katiwalang g**o na si G. Christian Merwyn M. Vitto. 👏🙋