21/08/2026
Maligayang Kaarawan, Ginoong Martin Brutas Jr. . 🎉
Isang malaking biyaya ang araw na ito dahil ipinagdiriwang natin ang buhay ng isang huwarang g**o at mabuting tao. Si Ginoong Martin ay hindi lamang naging tagapagturo sa PAMHI, kundi naging haligi rin ng inspirasyon at paggabay sa bawat mag-aaral na kanyang nahubog. Sa kanyang mga aral, hindi lamang kaalaman ang naibahagi niya kundi pati na rin ang mga pagpapahalaga sa buhay-disiplina, determinasyon at malasakit sa kapwa. 👨🏫📚
Bagamat hindi na siya pormal na nagtuturo sa ating paaralan, ramdam pa rin ang kanyang presensya at walang sawang pagmamahal sa PAMHI. Ipinapakita niya na ang pagiging g**o ay hindi natatapos sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan, sapagkat ito ay isang habambuhay na bokasyon ng paglilingkod at pagkalinga. 🙏💙
Sir Martin, maraming salamat sa lahat ng alaala, kaalaman at pagmamahal na iyong iniwan at patuloy na pinapadama. Nawa’y pagpalain ka pa ng mas marami pang taon ng mabuting kalusugan, kasayahan at mga biyayang magbibigay saysay sa iyong paglalakbay.
Sa bawat estudyanteng na-inspire mo, sa bawat g**ong nakasama mo at sa bawat proyektong sinuportahan mo-ang lahat ng ito ay patunay na ang iyong pamana bilang isang g**o ay mananatiling buhay at maningning.
✨
Muli, isang masaya at pinagpalang kaarawan sa iyo, Ginoong Martin Brutas Jr. .🫶🏻🎉