25/08/2026
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐๐๐๐ฅ๐ข ๐๐๐, ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฐ๐ผ๐ป๐๐๐น๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฑ๐ถ๐ฎ๐น๐ผ๐ด๐๐ฒ; ๐๐๐, ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ
Nagsagawa ang Commission on Higher Education Regional Office III (CHEDRO III) ng kauna-unahang "Consultation at Dialogue" kasama ang mga region-based student council leaders mula sa mga Higher Education Institutions (HEIs) na layunin palakasin ang mga boses, alamin ang mga pangangailangan, at rekomendasyon ng mga mag-aaral, via Zoom Meetings, ngayon, August 25, 2026.
Tinalakay rin sa meeting ang concerns patungkol sa scholarships at mga policies na nakatutulong sa mga organisasyon na pang-mag-aaral.
Nakiisa naman ang President ng Supreme Student Council, Jezrel Alyssa Campana, at ang Vice President for Student Affairs and Services (VPSAS), Jhon Kenneth San Jose, ng Gapan City College (GCC) na ibahagi ang kanilang concerns at insights.
Ayon kay Dr. Lyra Anne Lopez-Padrid,
Education Supervisor II, SAS Focal Person CHED Regional Office III, ang mga ibinahaging concerns ng mga dumalo ay inaasahang mabibigyan ng tugon.
"So, we cannot fix a problem if we do not know that it exists... Because of this awareness, all of the issues we discussed today, we are hoping as a commision we can be able to help you." Aniya.
Ang programa ay alinsunod sa Republic Act No. 7722 o Higher Education Act of 1994 na nag-uutos sa CHED na isulong ang dekalidad na edukasyon at protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga mag-aaral.
Bukod pa dito, nakabase din ito sa Memorandum from the Office of the Chairperson No. 350, s. 2026 na may titulong "Conduct of Consultation and Dialogue of CHED Regional Offices with Region-Based Student Council Leaders."
Samantala, ang nasabing programa ay inaasahan na isasagawa isang beses sa isang quarter ng taon.
Ulat ni Elexander Cariaga
Mga larawang galing kay Jezrel Campana