03/08/2026
Sama-sama nating ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa 2026!
Nakikiisa ang San Nicolas National High School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2026 na may temang:
"Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."
Sa pagharap natin sa makabagong panahon, patuloy nating pahalagahan ang ating wikang pambansa bilang sagisag ng ating pagkakakilanlan, kultura, at pagkakaisa.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang gamitin ang teknolohiya nang responsable at mapaunlad ang pananaliksik, pagkatuto, at pagpapayaman ng kaalaman sa pamamagitan ng Wikang Filipino.
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa! 🇵đź‡