04/08/2026
๐๐๐ฆ๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ฎ๐ซ๐ฎ๐ ๐ญ๐จ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ค๐๐ซ๐๐๐ง
May mga pamana na hindi nahahawakan, ngunit kailanman ay hindi nawawala.
Nabubuhay ito sa bawat kuwentong ipinapasa, sa mga awiting kinakanta, sa mga pangarap na binibigkas, at sa mga damdaming tanging ang ating pagkatao ang makakapagpaliwanag. Ang mundo ay palaging nagbabago, ngunit kailangang magtayo ng tulay mula sa nakaraan patungo sa kasalukuyan at hinaharapโisang pamana na hindi kumukupas kahit mahabang panahon pa ang lumipas.
Tuwing Agosto, ipinagdiriwang ng bansa ang Buwan ng Wika upang gunitain ang kaarawan ng dating Pangulong Manuel L. Quezon na itinuturing na โAma ng Wikang Pambansa.โ Nagsisikap itong hindi lamang magtampok ng mga paligsahan, pagtatanghal, at pagsusuot ng Filipiniana, kundi bilang isang paraan upang pagyamanin ang pag-unawa sa wikang Filipino bilang isang instrumento ng kultura at kasaysayan.
Sa gunita ng maraming Pilipino, ang pagdiriwang na ito ay nagbabalik ng masasayang alaala ng sabayang pagbigkas, mga tulang isinapuso, at mga pagtatanghal na minsang nagbigay-buhay sa diwang makabayan. Sa panahong mas mabilis nang kumalat ang mga banyagang impluwensiya, lalo ring tumitibay ang paalala na ang wikang Filipino ay hindi lamang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, kundi salamin ng ating pinagmulan.
Ipinakikita nito na kapag iningatan natin ang pamanang nagdurugtong sa atin sa nakaraan, hindi kailanman mapuputol ang pagmamahal sa ating bayan.
Isinulat ni Princess Mikee B. Jose