05/04/2023
Ang Malawakang paggamit ng Renewable Sources para sa kalikasan
Ang adbokasiya ay nag lalayong maghatid ng kaginhawahan sa kalikasan sa pamamagitan ng reduksyon ng mga bagay na madaragdag sa polusyon sa pamamagitan ng renewable sources.
Bagama't ginagamit na ang renewable sources, mayroong mga lugar at bansa ang hindi pa nakikilala masyado ang mga uri ng renewable sources gaya na rin sa ating bansa.
Ang renewable sources ay binubuo ng mga biofuel, bioplastic at biomass na galing sa salitang ugat na bio na "life".
Kung ang mga tao ay aasa sa kalikasan dapat itong pangalagaan. At kung hindi pa nakikilala at nagagawa ang paggamit ng renewable sources, marapat na ito ay ipaliwanag lalo na sa kabataan.
Ang malawakang paggamit ng renewable sources ay mainam lalo na at makokonsumo ng maayos ang kalikasan, mabawasan ang polusyon at magamit ng tama ang mga likas na yaman.
Kaysa manatili sa non-renewable source na nakaka-a-apekto sa ating kailakasan na nagiging sanhi ng climate change at iba pang pagkasira sa mundo.
Kung kaya naman nabuo ang konklusyon ng aming adbokasiya na ipaliwanag at ihalimbawa ang paggamit ng renewable sources sa social media upang makita at malaman ng lahat.