15/07/2026
💚 Feeding Program | Anon Elementary School 💚
“Ang bawat kabutihang ipinapakita sa mga bata ay isang binhing itinatanim para sa mas magandang kinabukasan.”
Taos-pusong pasasalamat po kay Tatay B**g Pineda sa kanyang patuloy na pagmamalasakit at mapagkalingang suporta para sa Feeding Program ng mga mag-aaral ng Anon Elementary School. Ang inyong kabutihan at malasakit ay malaking tulong upang mapanatiling malusog, masigla, at handang matuto ang ating mga mag-aaral.
Lubos din po kaming nagpapasalamat kay Hon. Jocelyn Ong sa kanyang walang sawang suporta at pakikiisa sa mga programang naglalayong mapabuti ang kapakanan ng ating mga kabataan.
Maraming salamat po sa inyong kabutihan at pagmamahal sa edukasyon. Nawa’y patuloy kayong pagpalain at maging inspirasyon sa marami.
**gPineda
PSDS: Sir Donfermin Mercado
Principal: Dr. Alvin R. Ang