18/09/2026
“You teach more than skills—you teach confidence, creativity, and the courage to try. Through your guidance, every learner gains skills they can carry into life and the future.”
HAPPY TEACHERS DAY, Sir Erwin!
🧵🍳💻 HAPPY TEACHERS’ DAY, TLE TEACHER! 👩🏫❤️
Sa bawat tinuturong kasanayan—mula sa pagluluto, pananahi, pag-aalaga ng halaman, paggawa, paggamit ng teknolohiya, at iba pa—hindi lamang kaalaman ang naibibigay mo. Tinuturuan mo rin ang aming mga mag-aaral na maging masipag, malikhain, responsable, at may tiwala sa sariling kakayahan.
Salamat sa iyong tiyaga sa pagtuturo at sa walang sawang paggabay sa bawat batang nangangarap matuto at magkaroon ng magandang kinabukasan. Sa bawat gawaing kamay na iyong itinuturo, may mga pangarap kang tinutulungang mabuo. 🌱✨
Maraming salamat, Sir, sa pagiging g**o na nagtuturo hindi lamang ng kaalaman, kundi pati ng mga kasanayang magagamit sa buhay.
💛 “Nagtuturo ng Kasanayan, Humuhubog ng Kinabukasan.”