26/08/2026
𝐖𝐈𝐊𝐀alaman!
Kilala mo ba kung sino ang tinaguriang “𝑨𝑴𝑨 𝑵𝑮 𝑾𝑰𝑲𝑨𝑵𝑮 𝑷𝑨𝑴𝑩𝑨𝑵𝑺𝑨?”
Sa pagdiriwang ng 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮, nararapat lamang na ating balikan ang dakilang pamana ni 𝗠𝗮𝗻𝘂𝗲𝗹 𝗟𝘂𝗶𝘀 𝗤𝘂𝗲𝘇ó𝗻 𝘆 𝗠𝗼𝗹𝗶𝗻𝗮 (1878–1944), ang 𝙄𝙠𝙖𝙡𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙪𝙡𝙤 𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙖𝙨 at ang tinaguriang "𝘼𝙢𝙖 𝙣𝙜 𝙒𝙞𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙗𝙖𝙣𝙨𝙖" dahil sa kanyang malaking ambag sa pagtataguyod ng isang pambansang wika na magsisilbing simbolo ng pagkakaisa ng mga Pilipino. Naniniwala siya na hindi magiging ganap ang kalayaan ng Pilipinas mula sa kapangyarihan ng dayuhan kung mananatiling nakasandig ang mamamayan sa wika ng mga mananakop upang magkaunawaan.
Bunsod ng layuning ito, isinulong ni Quezon ang pagtatag ng 𝗦𝘂𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 noong 𝟭𝟵𝟯𝟲 upang magsagawa ng malalimang pag-aaral sa mga katutubong wika sa bansa. Pagkaraan ng masusing pagsusuri, opisyal niyang inilabas ang 𝗕𝗹𝗴. 𝟭𝟯𝟰 noong 𝗗𝗶𝘀𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟯𝟬, 𝟭𝟵𝟯𝟳, na nagpapahayag sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Para kay Quezon, ang hakbang na ito ay hindi lamang usaping pambalarila o pangwika, kundi isang mahalagang pundasyon ng ating pambansang soberanya at pagkakakilanlan.
𝑆𝐴𝑁𝐺𝐺𝑈𝑁𝐼𝐴𝑁:
🔗 Executive Order No. 134, s. 1937. https://lawphil.net/executive/execord/eo1937/eo_134_1937.html
🔗 Proclamation No. 1041, s. 1997 (Official Gazette). https://quezoncity.gov.ph/ama-ng-wikang-pambansa/
lawphil.net