17/06/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ฆ๐ข๐ ๐๐ฐ๐๐ซ๐๐๐๐ฌ | ๐๐ค๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐, ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฎ๐ซ๐ฎ๐๐ง ๐๐๐๐โ๐๐๐๐
๐ผ๐ฃ๐ค ๐ ๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ค๐ช๐๐๐ฉ ๐ฅ๐ง๐ค๐๐๐จ๐จ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐๐๐๐ข๐๐ ๐๐๐๐๐๐ซ๐๐ง๐จ? โ๏ธโจ
Mapapa-Neverending Midnight Sun ka sa ningning ng husay, sipag, at dedikasyong ipinamalas ng ating mga academic achievers ngayong semestre. Hindi lamang sila nagpawis sa init ng panahon, kundi higit sa lahat ay nagpursigi, nagsakripisyo, at naglaan ng walang sawang oras upang makamit ang karangalang ito.
Tulad ng araw na hindi basta-basta lumulubog, patuloy ding sumiklab ang kanilang dedikasyon sa pag-aaral at pagmamahal sa sining. Pagbati sa ating mga natatanging mag-aaral ng BA PhilArts!
๐๐ฅ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ , ๐๐ซ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง.
๐๐ฎ๐ & ๐๐๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฒ: Jillian Bea Garcia
13/06/2026
๐๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ ๐ช๐ก๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ง๐ โ ๐๐ฎ๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ผ๐ง๐ฃ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐ฌ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐๐๐ข๐ค๐ฉ ๐ฃ๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐ ๐จ๐ ๐ก๐๐๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐จ๐๐ข๐ ๐จ๐ ๐ก๐ค๐ค๐ ๐๐ฉ ๐ก๐๐๐๐จ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ๐๐จ๐๐ฃ. ๐ผ๐ฉ ๐จ๐ ๐ ๐๐ฃ๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ก๐๐จ๐๐ฃ, ๐๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐-๐๐๐ฃ๐๐ ๐ข๐๐ฅ๐ช๐ฅ๐ช๐จ๐ฎ๐๐ฌ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ก๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฃ๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐ฃ, ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ข๐๐ฃ. ๐
Lubos na nakikiramay ang UP Manila Salinlahi sa pagpanaw ng aming minamahal na si Arnel James Peralta.
Siya ay nagsilbing miyembro ng UP Manila Salinlahi sa loob ng apat na taon at sa loob ng kanyang pananatili, binigyang buhay niya ang bawat aktibidad na kanyang sinasalihan at malikhaing ipinapamalas ang kanyang talento. Mula sa pagsulat ng mga iskrip at magbibigay-konsepto sa mga produksyonโbuong puso niya itong pinaghusayan at pinaglaan ng dedikasyon.
Isang maalab na pagmamahal at pamamaalam, Arnel. ๐
13/06/2026
๐๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ญ๐ฌ ๐๐๐๐ค ๐๐๐๐ | ๐๐๐ซ๐ ๐๐๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐ ๐๐๐ซ๐ข๐๐ฌ: ๐๐ซ๐๐ฉ๐ก๐ข๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐ง ๐๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ
Bilang bahagi ng ๐๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ญ๐ฌ ๐๐๐๐ค ๐๐๐๐ at ng ๐๐๐ซ๐ ๐๐๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐ ๐๐๐ซ๐ข๐๐ฌ, matagumpay na naisagawa ang ๐๐ซ๐๐ฉ๐ก๐ข๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐ง ๐๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ, na nagbigay sa mga kalahok ng pagkakataong mapalalim ang kanilang kaalaman at pag-unawa sa larangan ng disenyo.
Taos-puso naming pinasasalamatan si ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฝ๐ต ๐ค๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ท๐ฒ๐ฟ๐ผ, isang graphic designer at photographer, sa kanyang oras, pagsisikap, at dedikasyon sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman at karanasan sa graphic design. Sa pamamagitan ng kanyang workshop, nabigyang-inspirasyon ang mga kalahok na paunlarin ang kanilang pagkamalikhain at higit pang paghusayin ang kanilang kakayahan sa biswal na komunikasyon at disenyo.
Higit pa sa mga teknik at kasanayang natutuhan, binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng malikhaing pag-iisip, disiplina sa proseso ng paglikha, at ang mahalagang papel ng disenyo sa epektibong paghahatid ng mensahe at pagbuo ng makabuluhang koneksyon sa mga tao.
Maraming salamat sa lahat ng nakilahok at nakiisa sa unang edisyon ng Obra Maestra Series: Graphic Design Workshop.
Hanggang sa muli!
12/06/2026
Para sa ikalawang edisyon ng ๐๐๐ค๐๐๐ฒ ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ , isang makabuluhan at matagumpay na araw ng talakayan, pagbabahagi ng karanasan, at palihan ang naisakatuparan sa ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ถ๐ด๐ต ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ฟ๐๐.
Sa pangunguna ng mga faculty ng BA Philippine Arts Program na sina G. Ryan Machado at Bb. Yra Doroteo, naging daan ang programa upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa sining, edukasyon, at iba't ibang oportunidad sa larangan ng sining at kultura.
Isa sa mga tampok ng gawain ang directing workshop na pinangunahan ni ๐๐ฎ๐น๐ฒ๐ป ๐๐๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ๐ฎ, Filipino filmmaker, multimedia creative, at award-winning storyteller. Ibinahagi niya ang kanyang mahahalagang karanasan, proseso, at mga aral sa pagdidirehe ng pelikula, na nagsilbing inspirasyon sa mga kabataang nagnanais tuklasin ang proseso ng pelikula at malikhaing pagsulat.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat kina ๐๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ฒ๐น๐น๐ฎ ๐ฆ๐ผ๐ฝ๐ต๐ถ๐ฎ at ๐ง๐ถ๐ฎ ๐ง๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ผ sa kanilang pagbabahagi ng karanasan bilang mga freshman ng BA PhilArts sa UP Manila. Sa pamamagitan ng kanilang mga kwento, nabigyang-liwanag ang buhay-kolehiyo at ang mga oportunidad na naghihintay sa mga susunod na iskolar ng bayan.
Muli, taos-pusong pasasalamat sa ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ถ๐ด๐ต ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ฟ๐๐ sa mainit na pagtanggap at pakikiisa sa makabuluhang gawaing ito. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang higit pang yakapin ng mga kabataan ang sining, kultura, at edukasyon bilang mga instrumento ng pagkatuto at pagbabago.
20/05/2026
๐ ๐ผ๐ต๐ณ๐ถ๐ช๐ฒ๐ฌ๐ซ: ๐จ ๐ณ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐
Behind every locker is a story waiting to be opened.
The halls of Rizal Hall serve as space of growth for us. It depicts our story of life โ filled with memories of learning, friendships, struggles, and dreams that we will carry long after we leave.
In this digital exhibit, may you witness the growth behind every brushstroke, every design, every detail โ and the endless potential that continues to unlock itself with every act of creation through our lockers. โจ๐จ
Come, letโs ๐๐๐๐๐๐ our becoming! ๐ค
https://bit.ly/PA166UNLOCKED
https://bit.ly/PA166UNLOCKED
https://bit.ly/PA166UNLOCKED
โ
This exhibit is done in partial fulfillment of this semesterโs requirements for PA 166: Digital Arts Workshop under Asst. Prof. Jessalyn Basco, MA.
For more updates and announcements, make sure to follow our page.
Illustration by Gabby Rasay
Caption by Sherly Traifalgar and Jan Rodriguez
13/05/2026
Noong Mayo 6, 2026, muling namukadkad ang mga kuwento ng ating kultural, kalikasan, at pagkakakilanlan sa puso ng Ermita. ๐บโจNaging buhay na hardin ang UP Manila sa pagdiriwang ng ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ฒ๐๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐๐๐ , isang makulay na paglalakbay ng sining, pananampalataya, at pamanang biyokultural, na pinagyaman ng samuโt saring bulaklak, tradisyon, at mga kabataang may pusong naglilingkod sa bayan.
Ang mga arko ng bulaklak ay tila pag-alala sa ating mga ugat. Ang bawat hakbang at mga ngiti ay pagpupugay sa mayamang saribuhay na patuloy nating inaaruga at ipinapamana. ๐ฟ๐
Maraming salamat sa lahat ng lumahok, nakiisa, at naging bahagi ng pagdiriwang na ito. Sa mga naghandog ng oras, talento, at pagmamahal upang maisabuhay ang diwa ng Santacruzan, kayo ang mga talulot na nagbigay kulay at buhay sa makasaysayang pagdiriwang na ito.
Nawaโy patuloy nating baybayin ang landas ng kultura at kalikasan nang may paggalang, pagkakaisa, at pag-ibig sa ating pamana. ๐ธ
๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ง๐๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก
Motivo
Ang Tagamasid UPM
UP Manila Salinlahi
UPM CAS Freshmen, Shiftees, and Transferees Council
๐๐จ๐ฎ๐ ๐ก๐ญ ๐ญ๐จ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐๐ฒ
Museum of a History of Ideas
The Faura Project
06/05/2026
Dalawang araw ng luntiang likhaan, ano ang ating maaaring asahan?๐ฟ
Mula sa mga lektura ukol sa pandan bilang pamanang kultural, hanggang sa Pandan Brain Bites Game Show, inihahandog ng ๐๐๐๐๐๐ ๐๐'๐๐๐๐ ang isang programang nagbibigay-daan sa mas malalim na pag-unawa at pakikilahok.
Kasabay nito, ang Exhibit at Market๐งบ ay bukas mula 9 N.U. hanggang 4 N.H., kung saan matutunghayan ang ibaโt ibang likhang sining at produktong may ugnay sa kalikasan at komunidad.
๐ 9 N.U. - 4 N.H.
๐ Mayo 7-8 2026
๐ UP Manila Museum of a History of Ideas
05/05/2026
Sa likod ng bawat parangal ay may mga matang marunong kumilala.
Ipinapakilala namin ang mga ๐ก๐ฎ๐ซ๐๐๐จ ng UP Manila Santacruzan 2026, na magbibigay-pansin sa detalye, presentasyon, at diwang ipinapahayag ng bawat kalahok sa prusisyon.
Kilalanin sila:
๐ธ Dr. Honey Achanzar-Labor
๐ธ Dr. Johanna Patricia Adevoso-Caรฑal
๐ธ Prof. Jose Velando Ogatis I
Sama-sama nating ipagdiwang ang ganda at kahulugan ng Santacruzan!
02/05/2026
Saan man dumaan, may kwento ang bawat hakbang. Sa bawat hintuan, may saysay ang paglalakbay.
Narito ang mechanics at ruta para sa papalapit na UP Manila Santacruzan 2026!
๐ Assembly Area: PGH Oblation Plaza
๐ Call Time: 2:00 PM
๐ถ Procession Route:
โข [Point A] PGH Oblation Plaza
โข [Point B] Taft Avenue
โข [Point C] Padre Faura
โข [Final Destination] Museum of a History of Ideas
๐ Mga Paalala:
โข Siguraduhing komportable ang inyong kasuotan at sapatos para sa paglalakad, sapagkat tatahakin natin ang mga kalsada ng Taft at Padre Faura.
โข Sundin ang flow ng prusisyon at ang mga marshal
โข Panatilihin ang kaayusan at igalang ang kapwa kalahok at mga manonood
Inaanyayahan namin kayong makiisa, dala ang inyong presensya, pananampalataya, at pakikiisa sa tradisyong patuloy nating binibigyang-buhay.
Magkita-kita tayo sa Mayo 6, 2026! ๐ธ
28/04/2026
๐ผ๏ธ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ญ๐ฌ ๐๐๐๐ค ๐๐๐๐ | ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐พ๐๐พ-๐๐พ๐๐พ-๐๐พ๐๐พ-๐๐พ๐๐พ- ๐๐ช๐๐๐ข! ๐ถ๐ช๐ฐ ๐ต๐ฎ-๐ต๐ช๐๐ธ๐พ๐ฝ ๐ฝ๐ช๐๐ธ. ๐ป
Paano nga ba nagsisimula ang isang disenyo, at paano ito nabubuo hanggang sa final output?
Alamin โyan kasama ang ating speaker na si โ๐๐จ๐ฌ๐๐ฉ๐ก ๐๐ฎ๐๐ซ๐ข๐ฃ๐๐ซ๐จ
Siya ay isang ๐๐ง๐๐ฅ๐๐๐ ๐๐๐จ๐๐๐ฃ๐๐ง at ๐ฅ๐๐ค๐ฉ๐ค๐๐ง๐๐ฅ๐๐๐ง, at kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Fine Arts in Information Design, na may minor sa Data Science and Analytics. Aktibo rin siya sa ibaโt ibang organisasyonal na inisyatiba, kabilang ang XChange 2026, COA-M Awards 2026, Ateneo Blue Rose 2026, at Ateneo Fine Arts Festival 2026.
Sa workshop na ito, ibabahagi niya ang kanyang proseso sa pagbuo ng disenyoโmula konsepto hanggang executionโat kung paano ito nagiging makabuluhang kasangkapan para sa komunikasyon at social action.
๐
Abril 29, 2026
๐ 1:30 N.H. - 4:00 N.H.
๐ RH 201
๐ ๐ฎ๐ด-๐ฟ๐ฒ๐ต๐ถ๐๐๐ฟ๐ผ ๐ป๐ฎ! โฌโฌโฌ
https://forms.gle/e7grwJnhzBgDKmEm6
https://forms.gle/e7grwJnhzBgDKmEm6
https://forms.gle/e7grwJnhzBgDKmEm6
๐๐ฎ๐ ๐๐ฒ: Aira Isabella Ama
๐๐๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฒ: Linn Ashley Faith Sison & Jillian Bea Garcia