04/08/2026
๐ MATAGUMPAY NA NAIPAGDIWANG ANG FSTeM LAURELS 2026! ๐
Matagumpay na isinagawa ng Konseho ng mga Pangulo (Council of Presidents), katuwang ang Fakultad ng Agham, Teknolohiya, at Matematika (Faculty of Science, Technology, and Mathematics o FSTeM) ng Pamantasang Normal ng Pilipinas, ang FSTeM Laurels 2026 na may temang:
"Pagyabong: Matatag na Pagkakaisa, Paglinang ng Kahusayan, at Paghubog ng Kinabukasan."
Ang programa ay naging isang makabuluhang pagdiriwang ng kahusayan at dedikasyon ng mga mag-aaral ng FSTeM. Kinilala at pinarangalan ang kanilang natatanging tagumpay sa akademiko, pananaliksik, pamumuno, paglilingkod, at iba pang larangan na nagsisilbing inspirasyon sa buong pamayanan ng PNU.
Taos-puso naming binabati ang lahat ng mga awardees at nagpapasalamat sa mga panauhin, tagapag-organisa, mga g**o, kawani, at mag-aaral na naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang na ito.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang inyong mga tagumpay upang patuloy na magsikap, manguna, at maglingkod para sa bayan at sa edukasyon.
๐ Muli, pagbati sa lahat ng mga pinarangalan sa FSTeM Laurels 2026!