Darul E’lm / دار العلم

Darul E’lm / دار العلم

Share

A Beacon of Islamic knowledge in El Nido Palawan 📖💚

27/05/2026

Eid al-Adha Mubarak! Nawa'y ang pag-aalay ng inyong mga dasal at sakripisyo ay magdala ng kapayapaan at kalayaan sa ating mga puso. 🕌🕋📿🌙

- Darul E’lm / دار العلم

Photos from ‎Darul E’lm / دار العلم‎'s post 23/05/2026

DARUL E’LM 1st Batch SUMMER CLASS 2026 AWARDS! 🏅📚🕌

Ang pagbigay ng mga sertipiko at pagkilala sa inyong pagtatapos ay isang maliit na simbolo lamang ng inyong pagsisikap. Ang tunay na gantimpala ay nagmumula sa Allah, na walang katumbas at walang bilang na hasanat (mabuting gawa) ang naghihintay sa inyo dahil sa inyong pag-aaral at pagsisikap sa pag-unawa sa Agama ng Allah Subahanahu wa Taala. 💚

Tulad ng sinabi ng Allah sa Quran:

إِنَّمَا يَتَقَبَّلُ ٱللَّهُ مِنَ ٱلْمُتَّقِينَ

"Tangapin lamang ng Allah ang (mabuting gawa) mula sa mga may takot sa Kanya." (Al-Ma'idah 5:27)

Nawa'y tanggapin ng Allah ang inyong mga gawa at bigyan kayo ng mas maraming kaalaman at iman. 😇

Photos from ‎Darul E’lm / دار العلم‎'s post 23/05/2026

بسم الله الرّ حمن الرّ حيم... 📖
Alhamdulillah! 🎓🕌 Ngayong araw, ipinagmamalaki namin ang mga mureet namin sa Darul E’lm / دار العلم sa kanilang pagtatapos ng summer class! Ang inyong dedikasyon at sipag sa pag-aaral ng Quran at Islam ay tunay na kahanga-hanga, sa kabila kang ating pinag daanan, pagsubok, maging sa ating lugar kung saan mahirap e adjust ang kaugalin lalo na sa inyong mga kabataan, patuloy parin kayong nag sakripesyo nagkaroon ng lakas ubang mas maging ganado sa pag aaral ng agama ng Allah Subahanahu wa Taala. 😇💚

At sa Surah Al-Mujadila, ayah 11:

يَرْفَعِ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مِنكُمْ وَٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلْعِلْمَ دَرَجَٰتٍ ۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ

"Ang Allah ay magtataas sa antas ng mga mananampalataya sa inyo at sa mga pinagkalooban ng kaalaman. At ang Allah ay ganap na Kaalaman sa inyong mga ginagawa." (58:11)

Mula sa inyong mga asatidz, kami ay umaasa at nag dudu’a na ang lahat ng inyong natutunan sa loob ng (40days summer class) ay mag bibigay sainyo ng inspirasyon, dedekasyon upang patuloy pang mag aral ng Agama ng Allah subahanahu wa Taala. Naway bigyan ng barakah at patuloy nyong isabuhay mula sa isip at gawa ang lahat ng inyong natutunan. 😇

Isang hadith mula sa Propeta Muhammad (saw):

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "مَنْ يَدْعُ إِلَى هُدَىً كَانَ لَهُ مِنْ الْأَجْرِ مِثْلُ أُجُورِ مَنْ تَبِعَهُ لَا يَنْقُصُ ذَلِكَ مِنْ أُجُورِهِمْ شَيْئًا"

"Abu Hurairah (RA) ay nag-ulat na ang Sugo ng Allah (SAW) ay nagsabi: Sinuman ang mag-anyaya tungo sa patnubay, siya ay magkakaroon ng gantimpala na katulad ng gantimpala ng mga sumunod sa kanya, nang hindi nababawasan ang kanilang gantimpala." (Sahih Muslim)

Wala rin kaming sawang nag papasalamat sa lahat ng magulang sa inyong pag suporta sa inyong mga anak, sa pag hikayat sakanilang maka pasok sa ganitong pag aaral. Ano man ang natutunan ng inyong mga anak ay gantimpala ng Allah Subahanahu wa Taala sainyo.

Hanggang sa Muling hakbang ng ating pag aaral.
JAZAKUMULLAHU KHAYRAN WA BARAKALLAHU FEEKOM! 💚😇

Maa’salaaam....

Photos from ‎Darul E’lm / دار العلم‎'s post 12/05/2026

بسم الله الرّ حمن الرّ حيم ... 📖
Alhamdulillah! 📚💡 Our Darul Elm students are gearing up to showcase their knowledge on Sifatus Salah! 🤲️ May Allah bless them with success and understanding.

Teaching Sifatus Salah is crucial as it helps our moret (students) understand the proper way of performing salah, strengthening their connection with Allah Subahanahu Wa Ta’ala, By learning and applying Sifatus Salah, we can improve our daily prayers, make them more meaningful, and cultivate a deeper sense of spirituality.

Mga hakbang ng Sifatus Salah:
1. Takbiratul Ihram (Allahu Akbar)
2. Qiyam (tindig)
3. Ruku (yuko)
4. Iktidal (tindig muli)
5. Sujud (sujud)
6. Ddua sa pagitan ng sujud
7. Tashahhud
8. Salam

(Kasama lahat ng mga binabasa rito sa bawat hakbang)

Ano ang Salah? Ang Salah ay ang paraan ng mga Muslim na magdasal at makipag-usap sa Allah Subahanahu wa Ta’ala sa isang partikular na paraan. Hindi ito basta-basta gawa lang, ito ay isang masayang gawa ng pasasalamat, pagninilay, at pag-ibig na nararanasan ng mga Muslim. Sa pag-aaral tungkol sa Salah, natutunan ng mga bata kung gaano kahalaga ang pagsasalah (pagsasambayang) bilang isang pinagmumulan ng kapayapaan, gabay na makakamit nila sa kanilang buhay araw-araw. 📚

Nawa'y gabayan tayo ng Allah, tanggapin ang ating mga dasal, at bigyan tayo ng kakayahan na maisabuhay ang Sifatus Salah sa ating pang-araw-araw na buhay. ALLAHUMMA AMEEN 😇🤲🏻

- Darul E’lm / دار العلم

Photos from ‎Darul E’lm / دار العلم‎'s post 08/05/2026

بسم الله الرّ حمن الرّ حيم...
ALHAMDULILLAH ALHAMDULILLAH 💚
Nagkaroon ulit ng masayang salo salo ang mga muret ng Darul E’lm / دار العلم taos puso po kaming nagpapasalamat sa taong nagpa abot ng kanyang sadaqa (pakain) sa mga bata. Ibigay nawa saiyo ng Allah Subahanahu wa Ta’ala ang kaniyang gatimpala dito sa mundo at kabilang buhay. ALLAHUMMA AMEEN 🤲🏻

Shukran katheeran.

Photos from ‎Darul E’lm / دار العلم‎'s post 30/04/2026

بسم الله الرّ حمن الرّ حيم...
Alhamdulillah! Mula sa rahmat ng Allah Subahanahu wa Ta’ala nabigyan kami ng pagkakataong ipag luto ang mga muret (students) kahit sa simpling paraan lang. 😇

May Allah bless that person who made this happened.🤲🏻

Ang pagkakaroon ng munting salo-salo ng mga muret ay isang napakagandang paraan upang mapanatili ang samahan at pagkakaisa sa pagitan nila. Sa Islam, ang pagkakaroon ng mabuting samahan ay isang mahalagang aspeto ng buhay.

Ang Propeta Muhammad (SAW) ay nagsabi;

Ang isang Muslim ay tulad ng isang gusali, kung saan ang bawat bahagi ay sumusuporta sa iba (Bukhari at Muslim).
Ito ay nagpapakita na ang pagkakaroon ng samahan at pagkakaisa ay isang mahalagang bahagi ng ating pananampalataya. 😇☝🏻

Kaya't patuloy tayong magkaroon ng mga gawaing tulad nito upang mapanatili ang samahan at pagkakaisa sa pagitan ng mga muret at mga asatidz.

Jazakumullahu khair wa Barakallahu feekum! 😊💚

Photos from ‎Darul E’lm / دار العلم‎'s post 29/04/2026

A foreign brother visited our House of Knowledge Darul E’lm / دار العلم, spreading blessing and joy to the our dear muret (students). Alhamdulillah. May Allah bless you and your family, grant you a safe journey, and accept your kindness. Allahumaa Ameen 🤲🏻

Your visit brought smiles to our kids. 💚 SEE YOU AGAIN

Jazakallahu akhair 😊

Photos from ‎Darul E’lm / دار العلم‎'s post 21/04/2026

بسم الله الرّ حمن الرّ حيم.....🕌
Alhamdulillah, patuloy kaming nagpapasalamat sa Allah Subahanahu wa Ta’ala sa pagkakataon na makapagturo sa mga bata ng mga mahalagang aral sa buhay, lalo na sa mga ibang etiquette at paglilinis.

Sa Islam, ang pagtuturo ng mga bata ng mga tamang asal at pag-uugali ay isang mahalagang tungkulin ng mga magulang at g**o. Ang Propeta Muhammad (Sallallahu alaihi wassalam) ay nagsabi,

"Ang pagtuturo ng mga bata ng mga tamang asal ay isang tungkulin ng mga magulang." (Bukhari) 📖📿

patuloy kaming nagpupursigi na ituro sa mga bata ang mga sumusunod:

• Ang kahalagahan ng paglilinis at pag-aalaga sa kalikasan.
• Ang paggalang at pag-sunod sa mga nakatatanda.
• Ang pagiging mabuti at mapagkumbaba sa mga kapwa.
• Ang pag-iwas sa mga masasamang ugali at asal.
• At iba pa.... 😇📚

Nawa'y gabayan tayo ng Allah na maging mabuting halimbawa sa mga bata at nawa'y bigyan tayo ng lakas at tiyaga upang ipagpatuloy ang pagtuturo sa kanila ng mga mahalagang aral sa buhay. 🤲🏻

Jazakumullahu Khair. Wa Barakallahu Feekum! 🕌💚

Darul E’lm / دار العلم

Photos from ‎Darul E’lm / دار العلم‎'s post 19/04/2026

بسم الله الرّ حمن الرّ حيم ...🕌📖
ALHAMDULILLAH FOR OUR SUCCESSFUL PARENT MEETING! 😇

Nawa'y patuloy tayong gabayan ng Allah Subahanahu wa Taala sa landas ng katotohanan at nawa'y bigyan tayo ng lakas at tiyaga upang ipagpatuloy ang pagtutulungan para sa ikakabuti ng ating mga estudyante. Ang inyong suporta at pakikipag-cooperate ay isang malaking tulong sa kanilang pag-aaral sa agama ng Allah.

Taos puso naming pinasasalamatan ang lahat ng mga magulang na dumalo at nakipag-cooperate sa meeting na ito. Ang inyong presensya at partisipasiyon ay nagbigay ng malaking impact sa tagumpay ng ating meeting. Dahil sainyo mas nagkaroon pa kami ng lakas at inspirasyon para ipag patuloy ang aming layunin.

Nawa'y patuloy tayong magtulangan upang maabot ang ating mga layunin para sa mga estudyante. Kami ay committed sa pagbigay ng de-kalidad na pagtuturo at paggabay sa inyong mga anak, at kami ay umaasa na makakatulong kayo sa amin sa paghubog sakanila.

Mula sa bumubo ng Darul E’lm / دار العلم
SHUKRAN KATHEERAN 💚🤝

Want your school to be the top-listed School/college in El Nido?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


El Nido, Taraw Street
El Nido
5313