14/08/2020
Mga Mahal na Magulang malapit na ang August 24!
🚩 Wala na pong face to face class interaction ngayong school year. May "pasok" pero hindi na pupunta ang bata sa school.
🚩Modular po ang mode of learning natin ngayon.. May printed modules po na darating sa inyo sa oras na magsimula ang "pasukan".
🚩 Wag po kayong magpanic sa pagbili ng workbooks. Ang mga g**o po ay naghahanda ng modules para sa inyong anak. Developmentally appropriate modules.
🚩 Huwag naman po kayong hihingi o bibili ng files na 1st to 4th Quarter 😅 Ang pagkatuto po ay parang pagkain--dahan-dahan. Portion by portion po yan. Baka po mabilaukan yung anak niyo 😅😅😅
🚩 Huwag pong magpanic buying ng mga nakikita online--wifi modem, laptops, gadgets, workbooks, printer. Grabe na ang presyo ng wifi modem at printer. Ang mga ito po ay mas kailangan po ng g**o upang madeliver ng maayos ang modules. Ang tindi po ng mark up ng presyo ng mga iyan ngayon. In demand kasi 😅
🚩 Wag ma stress kung paano magtuturo sa inyong mga anak 🙂 Wag din po kayong mastress kung hindi nyo alam ang sagot sa tanong ng anak niyo habang nag-aaral. 🎶Huwag mahihiyang magtanong 🎶
🚩 This new normal is a shared responsibility of teachers and parents. Wag pasanin lahat, nandito po kami 💖 Pero wag din i-asa lahat samin, share po tayo. Lahat ng effort na ito ay PARA SA BATA.
🚩 Magbasa. Magbasa ulit at intindihin ang binasa.
🔰 This NEW NORMAL is a great challenge for everyone -- parents, teachers & learners. Let's love and support each other. Stay safe..🔰
😊😊😊