Pas Jho tv

Directions

Pas Jho tv Make Known the Gospel of Jesus.

02/08/2026
Mahalagang maunawaan ang talatang ito sa tamang konteksto o konsepto . Hindi ito pahintulot para sa paglalasing, kundi i...
10/07/2026

Mahalagang maunawaan ang talatang ito sa tamang konteksto o konsepto . Hindi ito pahintulot para sa paglalasing, kundi isang praktikal na payo ni Pablo kay Timoteo tungkol sa kanyang kalusugan. (take note: SA KALUSUGAN NI TIMOTEO)

"Ang 1 Timoteo 5:23 ay hindi lisensya sa paglalasing. Ito ay payo para sa kalusugan, hindi pahintulot para sa kasalanan."

"Hindi ipinagtatanggol ng talatang ito ang paglalasing. Ang binanggit ni Pablo ay 'kaunting alak' bilang lunas sa karamdaman, hindi bilang paraan ng paglilibang o pagpapakasasa."

"Ang KONSEPTO ng 1 Timoteo 5:23 ay medisina, hindi kasiyahan; KUNDI PANG-GAMOT O PANGLUNAS , hindi paglalasing."

"Ang paggamit ng 1 Timoteo 5:23 upang bigyang-katwiran ang paglalasing ay pag mis-interpret ng talata sa tunay nitong kahulugan. Ang layunin nito ay pangangalaga sa kalusugan, hindi pagbibigay ng pahintulot sa bisyo o anumang pag-inom."

"Hindi kailanman kinokontra ng Biblia ang bawat sinasabi nito, but it complements other biblical verses. Kung malinaw nitong kinokondena ang paglalasing sa ibang mga talata, hindi maaaring gamitin ang 1 Timoteo 5:23 bilang dahilan upang ito'y pahintulutan."

"Ang isang talata ay hindi dapat gamitin upang balewalain ang kabuuang turo ng Biblia. Ang 1 Timoteo 5:23 ay nagtuturo ng wastong pangangalaga sa kalusugan, samantalang malinaw na ipinagbabawal ng Kasulatan ang paglalasing."

Apostle Paul's advice to Timothy: (practically hindi pa alam ng mga tao nuon ang about sa harmful bacteria)
Pinayuhan si Timoteo na gumamit ng kaunting alak para sa isang tiyak at siguradong layuning pangkalusugan. sa madaling salita panggamot!

Kinokondena ng Biblia ang paglalasing, sapagkat ito ay nag-aalis ng pagpipigil sa sarili at nagbubukas ng daan sa kasalanan (hal. Efeso 5:18; Kawikaan 20:1).

Sa madaling salita, ang 1 Timoteo 5:23 ay hindi lisensya upang malasing, kundi paalala na ang anumang ginagamit ay dapat naaayon sa layunin ng Diyos, may pagpipigil sa sarili, at hindi nagiging sanhi ng kasalanan.


Nananatiling hindi mapuputol ang ating ugnayan kay Cristo. Ang Kanyang pag-ibig ay hindi nakasalalay sa ating kalagayan ...
05/07/2026

Nananatiling hindi mapuputol ang ating ugnayan kay Cristo. Ang Kanyang pag-ibig ay hindi nakasalalay sa ating kalagayan kundi sa Kanyang katapatan. Ang biyayang nagligtas sa atin ay siya ring biyayang nagpapatatag sa atin hanggang wakas.

Maraming tao ang lumalapit kay Jesus dahil sa kanilang pangangailangan. Nais nila ng kagalingan, pagpapala, kasagutan sa panalangin, at pag-ahon sa mga problema. Walang masama sa paglapit sa Kanya, sapagkat Siya ang ating kanlungan. Ngunit bilang mga tunay na tagasunod ni Cristo, hindi tayo tinawag upang si Jesus ang maglingkod sa ating mga kagustuhan. Tayo ang tinawag upang maglingkod sa Kanya.

Hindi umiikot ang Kristiyanong buhay sa tanong na, "Ano ang magagawa ni Jesus para sa akin?" kundi sa tanong na, "Panginoon, ano ang magagawa ko para sa Iyo?"

Ang Panginoong Jesus mismo ang nagpakita ng halimbawa. Hindi Siya naparito upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang Kanyang buhay bilang pantubos sa marami. Kung ang Hari ng lahat ay naging alipin para sa ating kaligtasan, gaano pa kaya tayo na Kanyang iniligtas sa pamamagitan ng biyaya?

Lahat ng mayroon tayo ngayon maging ang ating buhay, kaligtasan, lakas, pamilya, ministeryo, at bawat pagkakataong makahinga ay hindi bunga ng ating kabutihan kundi ng biyaya ng Diyos. Kaya wala tayong maipagmamalaki. Ang bawat pagpapala ay paalala na tayo ay may dapat gawin na pasasalamat at tapat na paglilingkod sa Kanya.

Maaaring dumaan tayo sa tagumpay o kabiguan, kasaganaan o kakulangan, kaginhawahan o pagdurusa. Ngunit isang katotohanan ang hindi nagbabago: ang biyaya ng Diyos ay sapat. Ang bawat karanasan ay may layunin. layunin : upang tayo ay maging mas malapit kay Cristo at mas maging handang maglingkod sa Kanya.

Kaya ang ating panalangin ay hindi lamang, "Panginoon, pagpalain Mo ako," kundi, "Panginoon, gamitin Mo ako." Sapagkat ang tunay na tagasunod ni Jesus ay hindi naghahanap lamang ng matatanggap, kundi ng pagkakataong makapaglingkod sa Kanya nang buong puso.

Minsan, ang direksiyong gusto natin ay mukhang mas madali, mas mabilis, at mas komportable. Ngunit ang pinakamagandang l...
28/06/2026

Minsan, ang direksiyong gusto natin ay mukhang mas madali, mas mabilis, at mas komportable. Ngunit ang pinakamagandang landas ay hindi palaging ang gusto natin—ito ang itinuturo ng Diyos.

Kapag tayo ang namimili ng direksiyon, madalas emosyon, takot, o pansariling kagustuhan ang ating sinusunod. Ngunit kapag ang Diyos ang ating sinusunod, kahit hindi natin lubos na nauunawaan ang daan, makatitiyak tayong hindi Niya tayo ililigaw.

Ang pagsunod sa Diyos ay hindi nangangahulugang magiging madali ang paglalakbay. Nangangahulugan itong magiging makabuluhan ito. Ang Kanyang "hindi" ay proteksiyon. Ang Kanyang "maghintay" ay paghahanda. At ang Kanyang "lumakad ka" ay paanyaya upang maranasan ang Kanyang kapangyarihan.

Huwag nating ipilit ang gusto nating direksiyon kung malinaw nang iba ang itinuturo ng Diyos. Mas ligtas ang landas na pinangunahan ng Diyos kaysa sa landas na kontrolado ng ating sariling kagustuhan.

Hindi ang tanong ay, "Saan ko gustong pumunta?" kundi, "Saan ako dinadala ng Diyos?"

Kapag ang Diyos ang iyong Gabay, hindi ka mawawala sa tamang landas.

😇 Confidence in Christ❤️💪
28/03/2026

😇 Confidence in Christ❤️💪

CONFIDENCE IN CHRIST

“Nagsusuppiat dagiti adalan no siasino kadakuada ti mabigbig a kangrunaan. Kinuna ni Jesus kadakuada, “Adipenen dagiti ar-ari a Hentil dagiti tattaoda, ket panaganan dagiti agtuturay dagiti bagbagida a kas managparabur. Ngem saan a kasta koma kadakayo, no di ket agbalin ti kangrunaan kadakayo a kasla isu ti kaubingan, ket agbalin ti pangulo a kasla isu ti adipen. Siasino aya ti naturturay, ti sumango iti panganan wenno ti mangserbi kenkuana? Saan aya a ti maserbian? Ngem addaak kadakayo a kas maysa nga agserbi. “Nagtalinaedkayo a sipupudno kaniak kadagiti amin a nakasuotak. Ngarud, kas iti pannangted kaniak ni Amak iti kalintegan nga agturay, itedkonto met kadakayo ti isu met laeng a kalintegan. Mangan ken uminumkayto iti lamisaanko iti Pagariak ken agtugawkayo kadagiti trono a mangituray kadagiti sangapulo ket dua a tribu ti Israel.” “Simon, Simon, denggem! Napalubosan ni Satanas a mangsagat kadakayo a kas iti mannalon a mangitaep iti trigo tapno mapaglasin ti naimbag iti dakes. Ngem inkarkararaganka, Simon, tapno saan a mapukaw ti pammatim. Inton agsublika kaniak, masapul a papigsaem dagiti kakabsatmo.” “Apo,” insungbat ni Simon, “sisasaganaak a maibalud ken matay a maikuyog kenka.” “Ibagak kenka, Pedro,” kinuna ni Jesus, “dinto pay agtaraok ti kawitan ita nga aldaw, namitlonton nga imbagam a dinak am-ammo.””
‭‭San Lucas‬ ‭22‬:‭24‬-‭34‬ ‭RIPV‬‬

Faith is believing in complete trust or confidence in someone or something

Paano nagkakaroon ng pananampalataya ang isang tao?
1. Hearing the Word
2. Doers of the Word
3. Trusting God
4. Testing and trials
5. Prayer and seeking
6. Surrender and trust

When was the last time you felt confident in Christ?

Natural Faith
Gives us the confidence in daily life

Saving Faith
This faith leads us to salvation and makes us born again.

Living Faith
This faith is dynamic, active, growing, good fruit-producing full of love, full of conviction, and full of repentance

Exercise your Faith

Falling down is human, holding on is divine, by the Grace of God

♥️♥️🤜🤛
18/05/2025

♥️♥️🤜🤛

☝️♥️☝️♥️♥️
06/10/2024

☝️♥️☝️♥️♥️

🙏♥️🤙
15/09/2024

🙏♥️🤙

05/08/2024

Guys! Wag mawawalan ng pag-asa!
Tiwala lang malalagpasan din natin yan..🤙🤙

28/07/2024

♥️♥️

Address

Echague

Opening Hours

Saturday 1am - 11pm
Sunday 6am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pas Jho tv posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share