Ugad Files

Directions Website Contact the school

Ugad Files WELCOME to the official page of UGAD HIGH SCHOOL. This is a secondary school under the administration of Precilla S. Romero-Principal. Like&Share

01/09/2026
01/09/2026

Ang kwentong ito ay naisulat noong 2011, sa tuwing sasapit daw ang ika-8:00 ng gabi may naririnig silang umiiyak na parang may kung anung hangin na siguradong mararamdaman mo, na syang magpapatayo ng iyong balahibo sa Nursing Building ng FEU.

Minsan, nahihinto magturo ang isang propesora sa isang pang-gabing klase sa ikalawang palapag dahil sa isang tunog ng pagbagsak na tila mabigat na bagay mula sa taas, napapatingin ang lahat kung saan nagmumula ang matinding kalabog na iyon.

Mayroon na ring insidente na nagpakita ang isang babae sa elevator ng naturang gusali at talagang maiiyak ka sa gulat, minsan ramdam mong tila may kasabay ka sa pagbaba mo sa hagdan na maya-maya'y may biglang hahawak sa likuran mo, mararamdaman mo ito lalo na pag nag-iisa ka.

Mayroon ding naganap na may pumasok sa isang silid sa 7th floor sa mga 1st year nursing student noon at nagpakilalang s'ya raw si Maningning Miclat at ng sandaling magpaalam ito, naglahong bigla at hindi na muling bumalik pa, mapanindig-balahibong nalaman nilang higit sampung taon na pala itong patay.

Minsan nagpapakita ito sa ilang studyante sa Hallway, nakatingin na tila malungkot at nakaputi, maging sa konektado nitong EB o Education Building na kinakatakutan ng mga pang-gabing klase. Ganoon din sa Chapel ng FEU sa tabi ng AB o Arts Building, nakikita tuwing gabi ang propesora na nakaputi at nakaluhod sa loob ng simbahan.

Isa lamang Ang kwento ni Maningning sa mga kakilakilabot ng kakaibang nagyayari sa pagsapit ng gabi sa FEU at sa tuwing makakarinig ang mga estudyante ng mga ganitong kwento ang payo ng mga propesor doon na mag alay na lamang ng dasal.

Si Maningning Miclat ay isang dalubhasang makata at pintor. mula sa Filipino-Chinese na pamilya na nakapagtala ng mga di matawarang likha, libro at mga pintang nagbigay karangalan sa bansa, kumuha ng Masters degree Ateneo at nakapagturo ng arts sa Institute of Architecture and Fine Arts ng FEU.

Taung 2000, nakilala ang pangalan nya sa pamantasan dahil sa pagiging mabait, tahimik at paladasal na g**o. Noong ika-29 ng Setyembre 2000 sa edad na 28 kinagulat ng lahat ang pagtalon ng propesora mula sa ikapitong palapag ng dating IARFA Building.

Senior High School building na ito ngayon mula 2016. Nagtago man ang tunay na katotohanan sa sanhi ng pagpapakamatay nito, nanatili naman ang mga kakila-kilabot na experience ng mga estudyante dito. Huling nabalitaang may panay ang iyak sa gabi dito, ayon sa guwardiyang nagbabantay sa gitna ng pandemya, panahong buong taung sarado ang pamantasan.

Marahil ang mga nabanggit na pangyayari ay nagpasalin-salin na lamang at ang iba ay maaring bunga na lamang ng sariling imahinasyon dala ng takot.

Hindi na importante ang dahilan kung bakit nagawa ni Maningning ang ganung bagay, 'di na rin mahalaga ang tanong kung bakit ito tumalon sa 7th floor, Ang mas magandang alalahanin, na si Maningning bilang isang g**o na may dedikasyon sa pagtuturo, Isang g**o na naging tagapagtaguyod ng ilang mga mag-aaral noon, na ngayon ay matagumpay na sa sining at larangang kanilang pinili.

28/08/2026

โ€œ๐˜–๐˜ฉ, ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ด?
๐˜—๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฉ๐˜ช๐˜ด.
๐˜›๐˜ข๐˜บ๐˜ฐโ€™๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ-๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฑ, ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ, ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ขโ€™๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฐโ€ฆโ€ ๐ŸŽถ

Wait langโ€ฆ may makakasama tayo. ๐Ÿ‘€๐ŸŽค Kung pamilyar saโ€™yo ang mga linyang โ€™yan, baka alam mo na kung sino ang tinutukoy namin. ๐Ÿคญ

๐Ÿ“ Echague Banchetto Grounds
๐Ÿ—“๏ธ Sept. 12, 2026 | 7:00 PM

See you there! ๐Ÿ˜‰



26/08/2026

Portal po yan

22/08/2026

MANDATORY TRANSPARENT BAGS! ๐ŸŽ’

Several schools across the Philippines are now implementing transparent or clear-bag policies for students as part of heightened campus security measures.

In General Mariano Alvarez, Cavite, Mayor Ed Custodio is pushing for the distribution of transparent bags to around 27,000 students from Grade 2 to Senior High School in public schools. The measure is intended to make bag inspections faster and strengthen security for students and school personnel.

In Tacloban City, more than 1,600 students received transparent backpacks as part of strengthened security measures following the deadly school shooting in June.

The Philippine National Police has also expressed support for mandatory bag inspections in schools as authorities strengthen measures intended to prevent weapons and other dangerous items from entering school campuses.

19/08/2026

pen collection

Address

Sto. Domingo Echague, Isabela
Echague
3309

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ugad Files posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Ugad Files:

Shortcuts

Share

Category