17/09/2026
Isang makabuluhang yugto sa pagkatuto at paghubog ng kinabukasan ng ating mga kabataan ang magaganap sa Lunes!
Buong siglang isasagawa ng Isabela State University - College of Education sa pakikipagtulungan sa Soyung Elementary School ang PROJECT FUTURE End-Quarter Leg bukas, Setyembre 21, 2026 sa Soyung Elementary School.
Handa na ang mga orihinal na aklat-pambata na nilikha at iginuhit ng mga mag-aaral mula sa Bachelor of Technology and Livelihood Education (BTLEd), katuwang ang Project Management Team, upang maghatid ng mahalagang literasiyang pinansyal sa ating mga mag-aaral:
Para sa Baitang IV (Savings Education):
Session 1: Si Akasya at ang Kanyang Munting Alkansya
Session 2: Si Tipi at ang Taguan
Para sa Baitang V (Investing Education):
Session 1: Nagulat si Elio!
Session 2: Ang Lihim ng Lumalagong Baon
Hindi lamang ito simpleng pamamahagi ng kwento, ito ay pagtatanim ng binhi ng matalinong pag-iimpok, pamumuhunan, at pagpapahalaga sa pinaghirapan upang maihanda ang bawat bata sa hamon ng kinabukasan.
Sabay-sabay nating buksan ang mga pahina ng bagong karunungan! โLamang ang Batang Handa sa Bukas!โ
---
| |
---