Malikhaing Tula

Malikhaing Tula tula ay buhay

Amping (Ingat)ni Christian Sunio Paano nga ba nagsimula Itong madilim na tagpo, na tao ang may gawaBunga ng kasakiman at...
12/11/2025

Amping (Ingat)
ni Christian Sunio

Paano nga ba nagsimula
Itong madilim na tagpo, na tao ang may gawa
Bunga ng kasakiman at pagmamanip**a
Sa pagkawasak ng kalikasan, mga tao ang nagdurusa.

Nakababagabag ang panahon ng pagbaha
Mga ghost projects at substandard na floor control, idagdag mo pa
Winawasak ang pag-asa at binubusog ang bulsa ng buwaya
Mga kababayang natin ang tiyak na kaawa-awa.

Habang ang pagbaha ay palala nang palala
May iilang taong yumayaman at nananamantala
Ngunit mas maraming bayaning tumutulong sa kapwa
Tibayan ang dibdib magtanim ng pananampalataya

Sa panahon ngayon isa lang ang aking hiling
Manumbalik ang katapangan at marinig ang tinig natin
Magkaroon ng hustisya, ang batas ay sundin
Kaligtasan ng bawat pamilya ang ipinananalangin.

E- Ekspertong Punongg**o ba ang hanap mo, na riyan si Ma'am Evelyn A. SaladinoV- Very Supportive at Seryoso sa lahat ng ...
28/11/2024

E- Ekspertong Punongg**o ba ang hanap mo, na riyan si Ma'am Evelyn A. Saladino
V- Very Supportive at Seryoso sa lahat ng mga gawaing makakatulong sa mga mag-aaral, magulang at mga g**o
E- Eksperto sa kanyang larang, tinatapos ang mga gawaing panalo
L - Laging Handang tumulong sa kanyang kapwa
Y - Yaman sa Lupa ay kabutihang-loob, kabaintan at kapayapaan
N - Nagiging huwaran ng mga nakadadaupang-palad na mga kabataan

A - Ang iyong ngiti sa mga labi
ay lubhang nakakabighani
ngunit hindi alam ng nakararami
nakatago ang damdaming katangi-tangi.

S- super sipag sa Trabaho at Matalino sa kanyang mga desisyon
A- Angking kabaintan sa kanya'y mararamdaman, ang kanyang pagkalinga'y mula sa kaibituran ng kanyang kalooban
L- Laging nariyan kapag kailangan, laging updated sa group chat ng paaralan
A-Alaga ka sa kanyang mga payo at mga 'Banal na Salita'
D- Dalubhasa sa kanyang larang, g**o sa Filipino
I-Inspirasyon sa pagtuturo at pagkatuto, sinisunod ang mga mga nakatakdang Gawain sa takdang panahon at oras.
N-Natatanging talento sa pagkanta sa kanya'y kariringgan, ibinabahagi ng buong puso't kahusayan.
O-Organisado sa lahat ng bagay, maayos sa kanyang Trabaho, at sa kanyang mga napagtagumpayan siya ay idolo.

Happy Happy Birthday Ma'am Evelyn at Maraming Salamat Po

20/03/2023

Panibagong Araw Panibagong Simula.
Ako'y nakapagsilbi at Ako'y nagkasala.
Ito ang buhay na Diyos Ang may likha.
Nais ko itong ibahagi sa aking sinisinta.

19/02/2023
Ang mga gawang maliit ay pinapalaki upang sa mga mata ay makaakit.
18/12/2022

Ang mga gawang maliit ay pinapalaki upang sa mga mata ay makaakit.

Likhani Christan Sunio Nagmumula sa likot ng imahinasyon ang mga bagong likhaNabuo dahil sa malalim na dahilan ng lumikh...
05/08/2022

Likha
ni Christan Sunio

Nagmumula sa likot ng imahinasyon ang mga bagong likha
Nabuo dahil sa malalim na dahilan ng lumikha
Maaaring ito ay kakaibang singing, bagong kaalaman o makabagong teknolohiya
Nilikha upang matugunan ang mga pangangailagan o maaaring kasagutan sa mga problema.

Ang mga paaralan at mga unibersidad ang bukal ng mga bagong likha
Mahalaga ang gabay ng mga g**o upang maragdagan ang kaalamang ng mga bata
Ituturo ang mga pamamaraan sa pagbuo at mga ethics ika nga
Upang ang mga bagong likha ay hindi mapunta sa wala.

Minsan nabubuo ang isang bagay dahil may pinaghuhugutan
Minsan para sa pamilya, kaibigan, kasintahan pero madalas para sa sambayanan
Upang buhay ng mga tao higit na mapahalagahan at mga tungkulin ay gumaan
Magsisilbing tulay ng pag-asa ang mga kabaatan para sa mas maliwanag na kinabukasan.

Ang mga likhang sining ay hindi sining kung itinatago
Ang mga bagong kaalaman ay walang halaga kung di gagamitin ng tao
Ang mga makabagong teknolohiya ay basura kung nakakaperwisyo
Ang tunay na mahalaga ay gawang may puso - nilikha ng tao para sa mga tao.








Brigada Eskwela ni Christan Sunio Malamang ay narinig mo na ang Brigada EskwelaLugar ba ito, panahon o kaganapan itinakd...
02/08/2022

Brigada Eskwela
ni Christan Sunio

Malamang ay narinig mo na ang Brigada Eskwela
Lugar ba ito, panahon o kaganapan itinakda
Sa katotohanan, ito ay isang programang
humihikayat ng mga mamamayan na makiisa
Hinihimok ang mga taong may mabuting kalooban upang magbahagi sa kanilang kapwa — ng mga bagay na meron sila.

Brigada Eskwela, isang makabagong salamin ng bayanihan,
Ang mga Pilipino, likas na may mabuting kalooban
Ilang taon ang nagdaan, marami nang napagtagumpayan
Pero patuloy pa rin ang nasimulang pagtutulungan.

Bilang paghahanda sa pasukan, nililinis ang kapaligiran ng paaralan
Inihahanda ang mga pasilidad at mga pampagkatutong kagamitan
Sumasailalim sa mga palihan at pinauunlad ng mga g**o ang kanilang kasanayan
Taglay nila ang kagustuhan na makapaghatid ng kalidad na edukasyon at ang mga mag-aaral ay lubusang matulungan.

Tinitiyak ng paaralan ang kahandahang pisikal at pangkalusugan
Kinukumpuni ang mga daluyan ng tubig at mga palikuran
Inihahanda ang mga reading center at mga silungan
Nakikipagtulungan sa iba't ibang ahensya ang mga pinuno ng paaralan.

Kung susumahin ang ambag, ng mga g**o, sa pamahalaan
Siksik, liglig at aapaw ang yamang di matutumbasan
Milyong mga paa at kamay ang nagtataguyod ng kalinangan
Departamento ng Edukasyon ang nagbubuklod sa bayan .

Ngayong taong 2022, mula ika-1 hanggang ika-26 ng Agosto
Muling magsasama-sama ang mga Pilipino, saan mang dako ng mundo
Sa dakilang layuning pagbuklurin ang mga puso, isip at diwang makatao
Tiyak na ang mga mag-aaral ang tunay na panalo!




ATING GAMITIN ANG WIKANG FILIPINO ni Christan Sunio Nasa exciting part na tayotapos na ang buwan ng Hulyonarito na ang b...
01/08/2022

ATING GAMITIN ANG WIKANG FILIPINO
ni Christan Sunio

Nasa exciting part na tayo
tapos na ang buwan ng Hulyo
narito na ang buwan ng Agosto
magdiwang at gamitin ang Wikang Filipino
wika nating mga Pilipino
ipagmalaki sa buong Mundo
tayo'y Pilipino
taas-noo kahit kanino.

Simulan natin sa pagsusulat ng tula
magwawakas sa mga talinghaga
lakipan ng diwang makabansa
alisin ang mga bagay na di kaaya-aya
isiping mabuti ang mga gagamiting salita
limutin ang mga bagay na di mahalaga
ibandila ang bawat salitang bumukal sa sariling wika
pag-ibayuhin ang mga salitang pilit tinutumbasan ng salitang pilit sa dila.

Lahat ng wika ay pinagyayaman
Pinapaunlad at hinahangaan
Itinatanghal ang wika sa mga aklat at balitaktakan
ginagamit sa pagbuo ng karunungan sa iba't ibang larangan.

Ang wika ay bahagi ng ating kultura
isang pambansang pagkakakilanlan mula sa iba't ibang wika
ang marami ay pinag-isa
upang ang isa ay maparami pa.

Kung susuriin ang bawat wika
nakamamangha kung saan ito nagmula
mula sa bulong ng hangin, dagat at lupa
hanggang sa wika ng mga anghel na tagapagbalita.

Ikaw, ako, tayong lahat ay gumagamit ng salita
Salitang binibigkas na may intonasyon, diin, hinto o haba
Bigkasin ng tama ay maaaring mali sa iba
Bigkasin mo ng mali ay maaaring tama
May mali sa tama at may tama sa maling hagod ng dila, ngipin o ngala-ngala
lumalabas sa bibig at pumapasok sa tenga.

Aba, teka 2022 na!
Nariyan ang paggamit ng makabagong teknolohiya
kasabay ng pagbabago ng mga alintuntunin sa paggamit ng wika ay ang pagtanggap na buhay ang wika
hindi nababawasan ang mga salita bagkus nadaragdagan pa nga.

Tayo ay may Wikang Bigay ng Maylikha
Ito na marahil ang pinakamahalagang biyaya
dahil sa wika tayo ay nagkakaisa
uunlad ang bansang nagkakaunawaan sa isip, sa salita at sa gawa.

Asal talangka nagtutulungan sa pag-akyat para walang maiwan sa baba. - C. Sunio
13/07/2022

Asal talangka nagtutulungan sa pag-akyat para walang maiwan sa baba. - C. Sunio

Maharlika(Tula na binigkas sa ika-124 Araw ng Kasarinlan)ni Christian R. SunioNilikha ang bansa na puno ng pag-asaTaglay...
13/07/2022

Maharlika
(Tula na binigkas sa ika-124 Araw ng Kasarinlan)
ni Christian R. Sunio

Nilikha ang bansa na puno ng pag-asa
Taglay niya ang dangal na tinitingala
Minsang tinawag na dakilang Maharlika
Land of the Ophir, Diyos ang may gawa.

Libong taon ang kalayaan tinamasa
Kinaibigan ang dayuhan, mananakop pala
333 taong pinamunuan ng banyaga
Pilipinas, isinunod sa ngalan ng hari ng Espanya.

Ang inakalang kalayaan ay huwad pala
48 taon sa ilalim ng Amerika
Ibinenta ang bansa sa Treaty of Paris (1898) kung maaalala
20 milyong dolyar, kabayaraan ng pagpapalaya.

Lumusob ang mga Hapon at sila'y sinagasa
Ngunit di nagtagal bumalik sa pamamahala
Pinalitan ang pamahalaan ng demokrasya
Lahat ng tao binigyan ng laya.

Nasira ang ganda
Ginapos ang laya
Sinunog ang mga tala ng kultura
Naiwan ang mga alaala.

Lumipas pa ang mga taon nagtatag ng republika
Iwininagayway ni Aguinaldo ang unang bandila
Watawat na simbulo ng paglaya
Huwag pipihitin, bughaw ang nasa itaas, sa ibaba ay p**a.

Inawit ang Lupang Hinirang ni Jose Palma
Bayang magiliw ay tuluyang malaya
Pambansang awit ng pagkakaisa
Ang mamatay ng dahil sa'yo ang tema.

Pilipino lamang ang tunay na magmamahal sa bansa
Mamamayang binubuo ng higit 120 pangkat na may iba't ibang wika
Pilipinas, isang arkepalago sa Asya
Higit 100 milyong pop**asyon sa pitong libong isla.

Ang tagumpay ng Pilipinas ay nasa pinuno
Lider na inihalal, pinili ng mga tao
Itinadhanang bayani, tatawaging Pangulo
Pangungunahan ang sandatahang lakas magsisilbi sa mga tao.

Si Emilio Aguinaldo ay sinundan ni Manuel L. Quezon,
Si Jose P. Laurel ay sinundan ni Sergio Osmeña, pagkaraa'y si Manuel Roxas sinundan ni Elpido Quirino, nahalal si Ramon Magsaysay sinundan ni Carlos P. Garcia, naluklok si Diosdado Macapagal, sinundan ni Ferdinand E. Marcos Sr., naupo sa Corazon Aquino sinundan ni Fidel V. Ramos, namuno si Joseph Ejersito Estrada sinundan ni Gloria Macapagal Aroyo, sumunod si Benigno Aquino III at sinundan ni Rodrigo Roa Duderte. Ngayong taon naghalal tayo ng bago, Ferdinand R. Marcos Jr. ng Batac, Ilocos Norte
Mga dakilang bayani na ating ipinagbunyi
Sa hirap at ginhawa sila ay tunay na nagsilbi.

Yamang tayong mga Pilipino ay nagkakaisa
Ipakita natin ang tunay na pagmamahal sa ating bandila
Ang watawat ay bansa na may kaluluwa
Tayong mamamayan ang kanyang hininga.

Ipakita ang pagmamahal at katapatan sa inang bayan,
Sumunod sa batas mga programa ng pamahalaan suportahan,
Paunlarin ang sarili maging kapakipakinabang,
Pagsumikapang mag-aaral at maghanap-buhay — 'yan ang tunay na kabayanihan na di matatawaran.

Sa panahon ng pandemya paano maipapakita ang pagmamahal sa bansa,
Mga ordinaryong mamamayan, mga propesyonal, mga kabataan paano mapagtutugma,
Sa mundo ng internet, ang walang hanggang kalayaan ay iba
Mamamayang Pilipino nawa'y di makain ng sistema, ng kasinungalingan, ng pantasya at mga pangakong hanggang salita.

Kalayaan, itanim sa puso't isipan
Paghariing tunay at ito'y alagaan
Ito ay bunga ng maraming taong kabayanihan
Huwag hayaan humantong sa pagkaalipin sa sariling bayan.

Ngayong ika-12 ng Hunyo, Araw ng Kalayaan
Paggunita sa kabayanihan ng bayang minsang pinahirapan
Ipagbunyi ang ika-124 na taon kasarinlan
Mga g**o, mga pinuno, mga magulang, mga mag-aaral sama-samang iwagayway ang bandila ng Maharlikang bayan.


Photo:ctto

MARAMING ISASa buhay kailanman di ka nag-iisa. Kahit malayo, malapit din. Ang mahirap, gumagaan, dumadali. Ang problema ...
13/07/2022

MARAMING ISA

Sa buhay kailanman di ka nag-iisa.
Kahit malayo, malapit din.
Ang mahirap, gumagaan, dumadali.
Ang problema hindi nawawala
pero maiibsan ang bigat.
Mahirap maghanap ng daan tulad nito
pero sa liwanag masusumpungan.
Kung may pangarap natutupad.
Kung may panalangin samahan ng pagtitiwala. Totoong mahirap maghanap ng tagumpay.
Napakaraming katotohanan.
Pero iisa lamang ang totoo.
Malayo pa, pero lumalapit.
Masakit ang bawat hakbang pero kailangang gawin.
May saya sa bawat sikat ng araw pero may lungkot sa paglubog.
Daan-daan na ang nagbuwis ng buhay pero libo-libo pa rin ang nananahimik.
Milyon-milyon ang nailigtas ng isang buhay. Isang buhay tinumbasan ng kamatay.
Kamatayang magbigay buhay.
Buhay ng patay mula sa patay na buhay.
Gamundong pagmamahal, gatuldok ang isinukli.
Magbabayad sa apoy ang hindi kumilala sa tubig at dugo.
Lilipas ang panahon, kung hindi magbabalik loob. Sa loob mo, dilim ang mamamayani.
Nabuhay kang may tungkuling dapat tupdin. Simulan mong bumulong sa hangin.
Mga kamay pagtaklubin.
Mga tuhod baluktutin.
Wag hintaying mapasuntok sa hangin.
Tanda ng buhay ang pagtulong.
Wag mag-abot gamit ang bibig.
Wag magpasalamat gamit ang kamay.
Wag humakbang gamit ang isip.
Wag magmaktol gamit ang paa.
Lalong idinadakila ang hindi naipagsasabi.
Lalong nalulugmok ang mga nakabibingi.
Lalong malakas ang bulong ng dukha.
Lalong mahina ang sigaw ng maharlika.
Salaping ginto at pilak ay tulad sa papel.
Ang salapi ay hindi pagkain.
Ang pagkain ay hindi pasasalamat.
Ang pasasalamat ay hindi kaligtasaan.
Wala sa kaligtasa ang pagsasakripisyo.
May isang katotoohan na hindi pa nalalaman.
Ang isang buhay ay marami.
Ang marami kung mapag-iisa ay buhay.
Sa buhay hindi ka mag-iisa.
Naglalakbay kang may kasama.
Malapit na't malayo pa. Ang mahalaga sa buhay dapat malaman mong hindi ka nag-iisa.

23/04/2022

Tagumpay
ni Christan Sunio

Iniaalay ang tugumay na gawa ng kamay
Handog sa sarili, mga g**o, mga kaibigan at mahal sa buhay
Pinagsumikapang makamit upang magbigay buhay
Sa buhay na binubuhay ng mga taong may pusong dalisay.

Nasusukat ang tagumpay sa bilang ng ginto
Nasusukat ang tagumpay sa posisyong natamo
Nasusukat ang tagumpay sa salaping nasa bangko
At nasusukat ang tagumpay sa kayaman ng tao.

Bilangin ang tagumpay sa iyong palad
Mapalad kang natamo ang mga bagay na hinangad
Marami kang tagumpay na maaaring ilahad
Itatanghal sa madla upang masaksihan ang paglipad.

Paalala ng iyong ama't ina, ugaliing isabuhay
Habang nabubuhay, gawin ang tungkulin ng mahusay
ang tunay na tagumpay, pagbabahagi ng sariling buhay
Hanapin ang galak sa serbisyong iaalay.

Address

Echague
3309

Telephone

+639772613463

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malikhaing Tula posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Malikhaing Tula:

Shortcuts

Share

Category