24/09/2026
LIGTAS DAPAT ANG MGA BATA SA PAARALAN AT ONLINE. 📱🛡️
Sa ilalim ng Bagong Pilipinas ni Pangulong Bongbong Marcos, patuloy nating pinalalawak ang proteksyon para sa ating mga mag-aaral. Kaya inihahanda na natin ang School Digital Safety Campaign para sa mga bata, g**o, at magulang.
Magbibigay ito ng praktikal at age-appropriate na gabay tungkol sa cyberbullying, online harassment at exploitation, scams at privacy, responsible social media at gaming, digital well-being, pati na rin sa tamang pag-report at paghingi ng tulong kapag may nangyaring hindi ligtas online.
Hindi kailangang kabisado ng mga magulang ang bawat app na ginagamit ng kanilang anak. Ang mahalaga, bukas ang komunikasyon at alam ng mga bata na may mapagkakatiwalaang adult na handang makinig at tumulong.
Dahil ang kaligtasan ng ating mga anak ay hindi natatapos sa gate ng paaralan. Responsibilidad natin itong lahat: sa paaralan, tahanan, pamahalaan, at komunidad. 💙
DepEdUpdates