12/08/2026
Inaasahan ang isang buong sigla at matagumpay na selebrasyon ng Buwan ng Wika ngayong Agosto 28, 2026. Sa pamamagitan ng temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” ating matutunghayan ang natatanging talino at husay ng ating mga mag-aaral sa pag-uugnay ng tradisyon at makabagong karunungan. Buong-tiwala nating inaabangan ang paglalahad ng kanilang mga talento na hinubog ng pananampalataya at kahusayan.