27/06/2026
🥋WHAT: SAPYM - The Lady Butanding Chapter ( KARATE TRAINING)
📍WHERE: DONSOL CENTRUM FOR RECREATION (DCR)
❓WHEN: JUNE 27, 2026
🕐TIME: 1:00 - 3:00 PM
We join eager to prove what we can do. We stay because we learn what we can become.
Dito sa amin, ang karate ay hindi para daigin ang kapwa o ipakita kung sino ang mas malakas. Ito ay para harapin mo yung mga kahinaan mo, pag-aalinlangan, madaling mawala sa pokus, mabilis mapagod, pagiging mayabang o masyadong nagmamadali. Ang paggalang sa guro/Instructor, pagtitiwala sa kasama, pagiging matiyaga, at pagkakaroon ng disiplina sa sarili.
Marami ang sumasali para lang ipakita kung ano ang kaya nilang gawin. Pero yung mga nananatili, dito nila natututunan ang tunay na halaga, hindi sukat ng tagumpay kung gaano ka kalakas kesa sa iba. Ang tunay na panalo ay kapag mas maayos ka, mas mahinahon, at mas disiplinado kumpara noon.
Ito mismo ang dahilan kung bakit kami nandito bilang SAPYM THE LADY BUTANDING.