20/08/2026
Sa paggunita natin sa Ninoy Aquino Day, alalahanin natin ang tapang at sakripisyo ni Senator Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. sa ngalan ng kalayaan, katotohanan, at karapatan ng bawat Pilipino.
“𝘐 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘣𝘦 𝘢𝘣𝘭𝘦 𝘵𝘰 𝘧𝘰𝘳𝘨𝘪𝘷𝘦 𝘮𝘺𝘴𝘦𝘭𝘧 𝘪𝘧 𝘐 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘵𝘰 𝘭𝘪𝘷𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘬𝘯𝘰𝘸𝘭𝘦𝘥𝘨𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘐 𝘤𝘰𝘶𝘭𝘥 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘥𝘰𝘯𝘦 𝘴𝘰𝘮𝘦𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘥 𝘐 𝘥𝘪𝘥 𝘯𝘰𝘵 𝘥𝘰 𝘢𝘯𝘺𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨.”
Ang mga salitang ito ay paalala na ang pagmamahal sa bayan ay hindi lamang nasusukat sa malalaking sakripisyo. Sa bawat pagkakataong pinipili nating magsalita laban sa mali, tumindig para sa katotohanan, at ipagtanggol ang dignidad at karapatan ng kapwa, isinasabuhay natin ang diwa ng pakikibaka para sa isang malaya at makatarungang lipunan.