13/02/2024
May shiniship ba kayo ngunit walang tamang oportunidad para sa kanila?
Ikaw ba ay torpe o may kilalang torpe?
Walang jowa at na ngungulila?
WAG MABAHALA, KMAING KLAB PINOY ANG BAHALA!
Ang Klab Pinoy ay mag tatayo ng food booth na pwede mo nang maka-blind date si crush sa araw ng mga puso, Pebrero 14, 2024.
ANG LIHIM NA LABING LABING!
Sa aming booth ay pwede kayong bumili ng chocolates, street foods, palamig, soft drinks, at flowers!
Upang makapag rehistro para sa blind date, lumapit lamang sa aming booth at dito isusulat mo ang pangalan ng dalawang taong gusto mong mag date at ang kanilang detalye(grade and section), at syempre pwede mo rin ipalista ang iyong sarili para kay crush! Kung ikaw naman ay nag hahanap ng "ka-ibigan" pwede mo ring ilista ang iyong hinahanap na katangian ng iyong "ideal person" at kami na ang bahalang mag hanap ng posibleng the one mo!
Habang binubusog nila ang isa't isa sa mga usapan at kwentuhan, kailangan rin nilang busugin ang kanilang mga tiyan! Puwede silang mag order ng aming mga tinda.
Ang mismong date ay gaganapin sa 10- Tarlac kung saan ay hindi sila maiistorbo dito. Meron rin romantic music sa background upang damang dama ang kilig at upang magaya ang pakiramdam na ikaw ay hinaharanahan.
Pagkatapos ng date ay REQUIRE ang pag papa-picture bago lumabas ng silid. Pwede nila itong makuha ng soft o hard copy.
Ang blind date ay may minimum na 15 minutes na nag hahalagang 15 php, maximum na 50 minutes na naghahalagang 50 php. Kung nabitin ang dalawa sa kanilang date ay pwedeng pwede mag pa extend!
Kung may katanungan pa ay wag mahihiya! Malugod naming sasagutin ang inyong katanungan!