21/05/2026
EULOGIANS, oras na naman para sa ating pagkakaisa at bayanihan! Labis nating ipinagmamalaki na anyayahan ang lahat—mga magulang, mag-aaral, g**o, alumni, at mga miyembro ng komunidad—para sa ating taunang DepEd Brigada Eskwela 2026!
Sa taong ito, magsasama-sama tayo sa ilalim ng temang:
"Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman." 🇵🇭✨
📅 DETALYE NG AKTIBIDAD:
Kailan: June 1 hanggang June 5, 2026
Saan: Don Eulogio Capino Elementary School
Oras: 7:30 AM onwards
🤝 KAMI AY NANAWAGAN SA MGA VOLUNTEERS AT DONORS!
Upang masig**o nating ligtas, malinis, at handa ang ating paaralan para sa darating na pasukan, kailangan namin ang inyong tulong at suporta.
🛠️ Maging Isang Volunteer!
Kung ikaw ay may kasanayan sa pagkukumpuni, pagpipinta, paglilinis, o nais lang mag-alay ng lakas at oras, bukas na bukas ang pinto ng ating paaralan para sa iyo. Magdala lamang ng inyong mga gamit sa paglilinis tulat ng walis, basahan, o bolo.
🎁 Bukas sa mga Donasyon!
Tinatanggap po natin ang anumang uri ng donasyon (in-kind o cash) na gagamitin para sa pagsasaayos ng mga silid-aralan:
Pintura (Latex o Enamel) at Paint brushes/rollers
Mga gamit panlinis (Walis tingting, walis tambo, disinfectant, sabon)
Mga materyales sa pagkukumpuni (Pako, martilyo, plywood, bumbilya)
Drinking water at meryenda para sa ating mga masisipag na volunteers