DepEd Pinagdanlayan Elementary School

Directions Contact the school

DepEd Pinagdanlayan Elementary School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Pinagdanlayan Elementary School, Elementary School, Dolores.

Ang buong pamunuan ng Pinagdanlayan Elementary School ay taos-pusong bumabati at nagpupugay sa ating mga mag-aaral at mg...
04/09/2026

Ang buong pamunuan ng Pinagdanlayan Elementary School ay taos-pusong bumabati at nagpupugay sa ating mga mag-aaral at mga g**ong tagapagsanay, na matagumpay na nakibahagi sa ginanap na District Festival of Talents noong September 2, 2026 sa Rosendo Algenio Elementary School at Pedro Bombane Elementary School.

Ang inyong ipinakitang husay, dedikasyon, disiplina, at tiwala sa sarili ay sumasalamin sa kagalingan at potensyal ng mga mag-aaral ng ating paaralan. Higit sa anumang parangal, ang inyong masigasig na paglahok at marangal na pagrepresenta sa ating paaralan ay isang karangalang ipinagmamalaki ng buong komunidad ng PES.

Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa ninyong pagyamanin ang inyong mga talento at ipagpatuloy ang paghahangad ng kahusayan sa iba pang larangan.

Muli, taos-pusong pagbati sa ating mga kalahok at sa lahat ng naging katuwang sa kanilang tagumpay. Tunay na kayo ay nagbibigay ng dangal at inspirasyon sa Pinagdanlayan Elementary School.

๐Ÿ“–Plot Twisting Challenge
Coach: Jackie Lou B. Gapac
-Yhuri Shen C. Corneta

๐Ÿงช๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ”ฌSTEMAzing
Coach: Dories M. Moredo
-Reianna Angela P. Maranan
-Rie Anja A. Mistas

๐ŸŽถ๐Ÿ•บ๐Ÿ’ƒIndak ng Lahi, Awit ng Lipi
Coaches: Mariflor A. Reyes & Noel G. Orlanes
-Baby Meryl O. Cruzat
-Gillean Miles G. Generoso
-Mona Alexandra B. Gomez
-Jamaica Rich B. Montierro
-John Joey M. Olili
- Nathan Kiel A. Catalon
-Lanz Ynigo S. Arogaza
-Marco Lorenzo S. Patulot
-Andrew M. Brucal

๐Ÿ•Š๏ธ HOLY SPIRIT MASS ๐Ÿ•Š๏ธBilang paghahanda at patuloy na paghiling ng gabay ng Espiritu Santo sa lahat ng gawain at adhikai...
28/08/2026

๐Ÿ•Š๏ธ HOLY SPIRIT MASS ๐Ÿ•Š๏ธ

Bilang paghahanda at patuloy na paghiling ng gabay ng Espiritu Santo sa lahat ng gawain at adhikain ng ating paaralan, matagumpay na idinaos ang Holy Spirit Mass sa pangunguna ni Rev. Fr. Virgilio Nadres Jr. noong Agosto 27, 2026.

Ang banal na pagdiriwang na ito ay nagsilbing pagkakataon para sa buong komunidad ng paaralan na magkaisa sa panalangin, magnilay sa Salita ng Diyos, at humingi ng karunungan, lakas, at patnubay upang maisakatuparan ang ating mga tungkulin nang may pananampalataya, integridad, at kahusayan.

Taos-puso naming pinasasalamatan si Rev. Fr. Virgilio Nadres Jr. sa kanyang makabuluhang pagninilay at paggabay sa aming espirituwal na paglalakbay. Gayundin, ang pasasalamat ng ating paaralan sa mga Katekista, Sr. Helen Laquindanum, Lectors, at mga naging bahagi ng pagdiriwang na ito. Nawa'y patuloy tayong pagpalain at akayin ng Espiritu Santo tungo sa mas makabuluhang paglilingkod at paghubog ng isang pamayanang nakasentro sa Panginoon.

๐Ÿ“š๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Pakikiisa sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ“š,Matagumpay na nakiisa ang Pinagdanlayan Elementary School sa pagd...
27/08/2026

๐Ÿ“š๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Pakikiisa sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ“š,

Matagumpay na nakiisa ang Pinagdanlayan Elementary School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."

Naging makulay at makahulugan ang selebrasyon sa pamamagitan ng iba't ibang patimpalak at gawain tulad ng:
๐ŸŽจ Patimpalak sa Pagkukulay
๐Ÿ–Œ๏ธ Patimpalak sa Pagguhit
๐Ÿ“ข Patimpalak sa Paggawa ng Poster
๐Ÿ—ฃ๏ธ โ€œWika Ko, Bigkas Koโ€

Bilang pagkilala sa husay, talento, at pagsisikap ng mga kalahok, kinilala at pinarangalan ang mga mag-aaral na nagwagi sa iba't ibang patimpalak na isinagawa kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong Agosto 24, 2026. Ang kanilang mga natamong parangal ay patunay ng kanilang galing at pagpapahalaga sa wikang Filipino.

Lalong naging makabayan ang okasyon sa pagsusuot ng mga Kasuotang Pilipino ng ating mga mag-aaral at mga g**o, na nagbigay-pugay sa mayamang kultura at tradisyon ng ating bansa.

Taos-puso ppagbati sa lahat ng mga kalahok, g**o, at mga magulang na naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang na ito. Nawaโ€™y patuloy nating pahalagahan, ipagmalaki, at gamitin ang ating sariling wika bilang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

Ang pamunuan ng Pinagdanlayan Elementary School, sa pangunguna ni Sir Noel G. Orlanes,  Punongg**o at Ma'am Riza B. Ramo...
17/08/2026

Ang pamunuan ng Pinagdanlayan Elementary School, sa pangunguna ni Sir Noel G. Orlanes, Punongg**o at Ma'am Riza B. Ramos, Ulongg**o, ay nagpapahayag at nagpapaabot ng buong pusong pasasalamat sa lahat ng aming mga mga sponsors, stakeholders at iba pang mga sumuporta sa matagumpay na paglahok ng mga atletang mag-aaral sa ginanap na District Meet 2026.

Ang inyong bukas palad na pagtulong, pagtitiwala, at pakikiisa ay naging mahalagang bahagi sa paghahanda at pakikilahok ng ating mga atleta. Sa pamamagitan ng inyong suporta, nabigyan sila ng pagkakataon na maipamalas ang kanilang kakayahan, disiplina at dedikasyon sa larangan ng palakasan.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong naging donasyon, tulong at suporta sa pagkakatagumpay ng gawaing ito. Ang inyong kabutihang-loob ay patunay ng matibay na ugnayan at sama-samang pagkilos ng komunidad para sa kapakanan at pag-unlad ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po!๐Ÿ’š

Buong puso naming binabati at pinupugayan ang ating mga mag-aaral, ang kanilang coaches, Ma'am Mariflor A. Reyes at Ma'a...
16/08/2026

Buong puso naming binabati at pinupugayan ang ating mga mag-aaral, ang kanilang coaches, Ma'am Mariflor A. Reyes at Ma'am Jackie Lou B. Gapac at Chaperon Ma'am Cindymay L. Denoy, na buong husay na lumaban sa District Meet 2026 sa larangan ng Badminton.

Ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng isang atleta sa pamamagitan ng dedikasyon, disiplina, sportmanship, at determinasyon sa bawat laban.

Maaaring may panalo at pagkatalo sa kompetisyon, ngunit ang inyong pagsisikap at pagmamalaki na maipakilala ang ating paaralan ay isa nang malaking tagumpay. Kayo ay nagsilbing inspirasyon sa inyong kapwa mag-aaral at nagbigay ng karangalan sa ating paaralan.

Patuloy ninyong pagyamanin ang inyong talento at huwag titigil sa pag-abot ng inyong mga pangarap. Kami ay lubos na ipinagmamalaki kayo!

Taos-pusong pagbati at pasasalamat sa mga mag-aaral at ang kanilang coaches, Ma'am Leynie C. Iranzo at Ma'am Dories M. M...
16/08/2026

Taos-pusong pagbati at pasasalamat sa mga mag-aaral at ang kanilang coaches, Ma'am Leynie C. Iranzo at Ma'am Dories M. Moredo, na buong tapang at husay na kumatawan sa ating paaralan sa District Meet 2026 , Volleyball Competition.

Ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng sportsmanship, disiplina, at pagtitiyaga sa loob at labas ng court. Ang inyong tapang at pagsisikap ay isang patunay ng inyong pagmamahal sa larangan ng Volleyball.

Anuman ang naging resulta ng kompetisyon, kayo ay tunay na kampeon dahil sa inyong puso, tiyaga, at pagmamahal sa larangan ng palakasan. Patuloy na magsikap at abutin ang mas mataas pang tagumpay!

Congratulations and proud ang PES sa inyo!

Mga Manlalaro ng Table Tennis, Nagbigay Karangalan sa PES๐Ÿ“๐Ÿ…Buong pagmamalaking binabati ng Pinagdanlayan Elementary Scho...
15/08/2026

Mga Manlalaro ng Table Tennis, Nagbigay Karangalan sa PES๐Ÿ“๐Ÿ…

Buong pagmamalaking binabati ng Pinagdanlayan Elementary School ang mga mag-aaral na lumaban at kumatawan sa District Meet 2026 sa larangan ng Table Tennis, gayundin ang kanilang Coach, Ma'am Roselita V. Dela Cruz at Chaperon, Ma'am Marilou Brucal. Ang inyong natatanging husay, sipag sa pagsasanay, at determinasyon ay nagbunga ng tagumpay at nagbigay ng karangalan sa ating paaralan.

Ang inyong pagkapanalo ay hindi lamang patunay ng inyong talento sa Table Tennis kundi pati na rin ng inyong disiplina, sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-abot ng inyong mithiin. Sa bawat laban, pinakita ninyo ang tunay na diwa ng sportmanship at kahusayan na karapat dapat-tularan.

Kami ay lubos na nagagalak at ipinagmamalaki ang inyong tagumpay. Congratulations, Table Tennis Players๐Ÿฅณ๐Ÿ‘

๐Ÿฅ‡Doubles - Champion
Nathan Kiel A. Catalon
Ryled Kieper Bueta

๐ŸฅˆSingle A - 2nd Place
Martin Jaykier A. Punzalan

๐Ÿ…Single B - 5th Place
Jarrel E. Matibag

๐Ÿ“Coach
Roselita V. Dela Cruz

๐Ÿ“Chaperon
Marilou B. Brucal

๐Ÿ“Principal
Noel G. Orlanes

โ™Ÿ๏ธ Pagkilala sa mga Kinatawan ng Paaralan sa District Meet 2026 Chess Competition โ™Ÿ๏ธBuong galak at pagmamalaking kinikil...
12/08/2026

โ™Ÿ๏ธ Pagkilala sa mga Kinatawan ng Paaralan sa District Meet 2026 Chess Competition โ™Ÿ๏ธ

Buong galak at pagmamalaking kinikilala ng Pinagdanlayan Elementary School sina Ma. Bernadine M. Magdangan at Andrew M. Brucal, kasama ang kanilang coach na si Gng. Rosiefe M. Garcia, na buong husay na kumatawan sa ating paaralan sa ginanap na District Meet 2026 sa larangan ng Chess noong Agosto 8, 2026.

Sa bawat estratehiyang inyong ipinamalas at sa bawat laban na inyong hinarap, ipinakita ninyo ang katatagan, disiplina, at determinasyong tunay na maipagmamalaki ng ating paaralan.

Maramimg salamat sa inyong dedikasyon at pagsisikap sa pagdadala ng karangalan sa ating paaralan. Anuman ang naging resulta, ang inyong lakas ng loob at kahandaang humarap sa hamon ay isang malaking tagumpay.

Congratulations and we are proud of you!โ™Ÿ๏ธ๐Ÿ‘

Pabatid๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข
09/08/2026

Pabatid๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข๐Ÿ“ข

๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž ๐€๐๐† ๐…๐€๐‚๐„-๐“๐Ž-๐…๐€๐‚๐„ ๐‚๐‹๐€๐’๐’๐„๐’

Suspendido ang ๐…๐€๐‚๐„-๐“๐Ž-๐…๐€๐‚๐„ ๐‚๐‹๐€๐’๐’๐„๐’ sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Dolores bukas, Agosto 10, 2026 (Lunes), bunsod ng masamang lagay ng panahon dulot ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat) na nagdudulot ng patuloy na pag-ulan.

Ang suspensiyon ng face-to-face classes ay ipinatutupad bilang hakbang sa pag-iingat laban sa posibleng epekto ng malakas na pag-ulan, at higit sa lahat, upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at school personnel.

Alinsunod ito sa atas ng ating butihing Mayor Orlan A. Calayag, sa rekomendasyon ng MDRRMO, at batay sa DepEd Order No. 14, Series of 2026.

Kaugnay nito, ipatutupad ang MODULAR/ONLINE DISTANCE LEARNING upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral habang nananatiling pangunahing prayoridad ang kanilang kaligtasan at kapakanan.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto at mapagmatyag, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa Lokal na Pamahalaan at iba pang kinauukulang ahensya.

EMERGENCY HOTLINE NUMBERS:

๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž : ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ๐Ÿ— ๐Ÿ–๐ŸŽ๐Ÿ• ๐Ÿ–๐Ÿ—๐Ÿ—๐Ÿ— / ๐ŸŽ๐Ÿ’๐Ÿ-๐Ÿ“๐Ÿ”๐Ÿ“-๐Ÿ”๐Ÿ•๐Ÿ๐Ÿ
๐๐…๐ : ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ‘๐Ÿ– ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“๐Ÿ / ๐ŸŽ๐Ÿ’๐Ÿ-๐Ÿ•๐Ÿ–๐Ÿ–-๐Ÿ•๐Ÿ๐Ÿ“๐Ÿ“
๐๐๐ : ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ—๐Ÿ– ๐Ÿ“๐Ÿ—๐Ÿ– ๐Ÿ“๐Ÿ•๐Ÿ’๐Ÿ— / ๐ŸŽ๐Ÿ’๐Ÿ-๐Ÿ“๐Ÿ”๐Ÿ“-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ”๐Ÿ”
๐€๐Œ๐๐”๐‹๐€๐๐‚๐„ : ๐ŸŽ๐Ÿ—๐Ÿ๐ŸŽ ๐Ÿ๐Ÿ–๐Ÿ‘ ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ“๐ŸŽ
๐—ฅ๐—›๐—จ/๐—ฃ๐—–๐—™ : ๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿต๐Ÿด ๐Ÿต๐Ÿฑ๐Ÿญ ๐Ÿณ๐Ÿฎ๐Ÿฐ๐Ÿด/ ๐Ÿฌ๐Ÿฐ๐Ÿฎ-๐Ÿฑ๐Ÿฒ๐Ÿฑ-๐Ÿด๐Ÿฌ๐Ÿณ๐Ÿฑ

๐Ÿ… PAGBATI AT PAGKILALA SA ATING MGA MANLALARO ๐Ÿ…Buong pagmamalaki at taos-pusong pagbati ang ipinaparating ng Pinagdanlay...
08/08/2026

๐Ÿ… PAGBATI AT PAGKILALA SA ATING MGA MANLALARO ๐Ÿ…

Buong pagmamalaki at taos-pusong pagbati ang ipinaparating ng Pinagdanlayan Elementary School sa mga mag-aaral na matagumpay na kumatawan at nakibahagi sa District Athletic Meet sa larangan ng Track and Field na ginanap sa Lusacan Elementary School, August 8, 2026.

Sa pamamagitan ng inyong dedikasyon, tiyaga, disiplina, at husay sa larangan ng palakasan, muli ninyong naitaas ang dangal at karangalan ng ating paaralan.

ATHLETICS BOYS
COACH: Mrs. Rosalie C. Dimaunahan
๐Ÿฅˆ 100-Meter Dash โ€“ Jay Lord Ramos
๐Ÿฅˆ 200-Meter Dash โ€“ Jayron Dela Trinidad at Victorio Castor Jr.
๐Ÿฅ‡ 400-Meter Dash โ€“ Mark Liam Brucal
๐Ÿฅ‡ 4x100-Meter Relay
โ€ข Victorio Castor Jr.
โ€ข Jay Lord Ramos
โ€ข Daniel Abanador
โ€ข Jayron Dela Trinidad
๐Ÿฅˆ 4x400-Meter Relay
โ€ข Mark Liam Brucal
โ€ข Jayron Dela Trinidad
โ€ข Jhinno Rivera
โ€ข Prince Jhairon Villanueva
๐Ÿฅ‰ Javelin Throw โ€“ Mark Liam Brucal
๐Ÿฅ‰ Shot Put โ€“ Victorio Castor Jr.

ATHLETICS GIRLS
COACH: Ms. Mary Joy D. Matibag
๐Ÿฅ‰ 400-Meter Dash โ€“ Chloe Rose Loreyn Sarmiento
๐Ÿฅ‰ 800-Meter Run โ€“ Reign Khylie Gayeta
๐Ÿฅˆ 800-Meter Run โ€“ Queennie Gapangada
๐Ÿฅˆ 4x100-Meter Relay
โ€ข Jade Rylie Abrenica
โ€ข Fluphie Xynes De Chavez
โ€ข Maikki Laurice Brucal
โ€ข Jazzela Jayd Cruzat
๐Ÿฅˆ 4x400-Meter Relay
โ€ข Athena Ilagan
โ€ข Chloe Rose Loreyn Sarmiento
โ€ข Queennie Gapangada
โ€ข Reign Khylie Gayeta
๐Ÿฅ‡ Shot Put โ€“ Reign Khylie Gayeta
๐Ÿฅ‡ Discus Throw โ€“ Fluphie Xynes De Chavez

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang bunga ng pagsisikap ng ating mga manlalaro kundi resulta rin ng walang sawang paggabay at suporta ng kanilang mga tagapagsanay, g**o, magulang, at ng buong paaralan. Ang inyong malasakit, pagtutulungan, at pagsuporta ay naging mahalagang bahagi sa paghubog ng kakayahan at pag-abot ng ating mga atleta sa kanilang mga mithiin. Maraming salamat po.

Sa lahat ng ating mga manlalaro, taos-puso naming ipinapaabot ang aming paghanga at pasasalamat. Nawa'y magsilbi kayong inspirasyon sa inyong kapwa mag-aaral upang patuloy na magsikap, mangarap, at magtagumpay.

Muli, binabati namin ang ating mga manlalaro sa kanilang kahanga-hangang pagganap. Tunay kayong karapat-dapat na ipagmalaki!

Address

Dolores

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Pinagdanlayan Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Pinagdanlayan Elementary School:

Shortcuts

Share