DepEd Tayo - Sapang Bulac High School

DepEd Tayo - Sapang Bulac High School This is the official page of Sapang Bulac High School. Sapang Bulac, Doña Remedios Trinid

Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase, isinagawa ang pagpipintura ng mga bubong ng ating paaralan upang ...
14/05/2026

Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase, isinagawa ang pagpipintura ng mga bubong ng ating paaralan upang mas maging maayos, ligtas, at kaaya-aya ang kapaligiran para sa mga mag aaral.

Lubos po ang aming pasasalamat kay Kuya Richard at sa kanyang mga kasamahan sa kanilang oras, sipag, at malasakit na ibinahagi para sa ikagaganda ng ating paaralan. Ang inyong pagtulong ay malaking inspirasyon sa patuloy na bayanihan para sa edukasyon.


𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗘𝗮𝗴𝗹𝗲 𝗖𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 sa kanilang ipinagkaloob na mga drum na magsisilbing imbakan ng tubig para sa ating paa...
14/05/2026

𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗘𝗮𝗴𝗹𝗲 𝗖𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 sa kanilang ipinagkaloob na mga drum na magsisilbing imbakan ng tubig para sa ating paaralan.

Malaking tulong ito upang masig**o ang sapat na suplay ng tubig na magagamit ng mga mag - aaral at kawani araw-araw. Tunay na ang inyong kabutihan at suporta ay malaking ambag sa mas maayos at ligtas na kapaligiran para sa ating paaralan.

Paalala mula sa Meralco: Sama-sama nating panatilihin ang kaligtasan sa kuryente sa paaralan at maging sa ating mga taha...
11/05/2026

Paalala mula sa Meralco: Sama-sama nating panatilihin ang kaligtasan sa kuryente sa paaralan at maging sa ating mga tahanan. Ugaliing maging maingat sa paggamit ng mga kagamitang de-kuryente upang makaiwas sa aksidente at mapanatiling ligtas ang bawat isa.

ARAL Summer Program 2026 🌟ARAL Summer Program is DepEd's commitment to strengthen foundational skills and support learne...
01/05/2026

ARAL Summer Program 2026 🌟

ARAL Summer Program is DepEd's commitment to strengthen foundational skills and support learners through focused, intensive, and meaningful remediation sessions.

🗓️Virtual Orientation: May 4, 2026 | 9:00–10:30 AM
📍Via DepEd Philippines Facebook Live
📚Program Implementation: May 6 – June 2, 2026 (Monday–Thursday, Friday is for Home Learning)

Together, we continue to ensure that every learner is seen, supported, and empowered to succeed. 🩵

Let’s make this summer a season of growth, recovery, and achievement for all learners! 🌱✨


Ipinagmamalaki ng Sapang Bulac High School ang matagumpay na resulta ng Open Ranking and Placement para sa School Princi...
16/04/2026

Ipinagmamalaki ng Sapang Bulac High School ang matagumpay na resulta ng Open Ranking and Placement para sa School Principal Positions kung saan si Dr. Airene B. Delos Reyes ay naitalaga bilang School Principal III mula sa dating ASP II.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng kanyang kahusayan, dedikasyon, at natatanging pamumuno sa larangan ng edukasyon.

Isang karangalan para sa buong paaralan ang inyong tagumpay. Patuloy po kayong maging inspirasyon sa aming lahat!

Isang Linggo ang Nakalipas… Balikan Natin!Isang linggo na ang nakalipas mula nang matagumpay na isinagawa ang Araw ng Pa...
09/04/2026

Isang Linggo ang Nakalipas… Balikan Natin!

Isang linggo na ang nakalipas mula nang matagumpay na isinagawa ang Araw ng Pagkilala, Paglilipat Antas, at Pagtatapos ng mga mag-aaral ng Sapang Bulac High School , isang selebrasyong punong-puno ng saya, tagumpay, at inspirasyon.

Pinangunahan ang Recognition Rites ni G. Leo V. Brigino, na nagbigay-pugay sa sipag at dedikasyon ng ating mga mag-aaral. Samantala, naging panauhing pandangal naman si Engr. Emilson C. Dela Cruz sa Araw ng Paglilipat Antas at Pagtatapos, na nagbahagi ng makabuluhang mensahe para sa panibagong yugto ng buhay ng ating mga nagsipagtapos.

Sa likod ng bawat medalya at diploma ay ang pagsusumikap ng mga mag-aaral, walang sawang suporta ng mga magulang, at taos-pusong paggabay ng ating mga g**o.

Narito ang ilang mga larawan mula sa nasabing pagdiriwang.

Muli, binabati namin ang lahat ng pinarangalan at nagsipagtapos!

Sa pangunguna ni Dr. Airene B. Delos Reyes, ang pamunuan ng Sapang Bulac High School ay bumisita sa Tanggapan ng Pamahal...
08/04/2026

Sa pangunguna ni Dr. Airene B. Delos Reyes, ang pamunuan ng Sapang Bulac High School ay bumisita sa Tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT) upang magsumite ng kahilingan para sa upgrading ng perimeter fence at pagsasagawa ng riprapping sa paaralan.

Layunin ng nasabing kahilingan na mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng buong komunidad ng paaralan, gayundin ang pangangalaga sa pasilidad laban sa mga panganib dulot ng kalikasan.

Umaasa ang SBHS sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan ng DRT para sa ikabubuti ng mga mag-aaral at ng paaralan.

Sama-sama para sa mas ligtas at maayos na paaralan!


Pamamahagi ng Bigas sa Sapang Bulac High SchoolNoong Abril 6, 2026, ganap na ika-8 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali,...
08/04/2026

Pamamahagi ng Bigas sa Sapang Bulac High School

Noong Abril 6, 2026, ganap na ika-8 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali, matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng bigas sa Sapang Bulac High School.

Ang bawat mag-aaral ay nakatanggap ng tig-30 kilo ng bigas na handog ng Pamahalaang Bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT). Ang programang ito ay naglalayong makatulong sa pang araw-araw na pangangailangan ng mga mag-aaral at kanilang mga pamilya.

Lubos po ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Bayan ng DRT sa pangunguna ng Ama ng bayan, Mayor Ronaldo T. Flores. Mabuhay ang bayan ng DRT.

Happy Birthday, Ma’am Sylvia!Wishing you good health and happiness always.Love, Sapang Bulac High School Family
04/04/2026

Happy Birthday, Ma’am Sylvia!
Wishing you good health and happiness always.

Love, Sapang Bulac High School Family

Masaya naming ibinabalita na ngayong araw ay matagumpay na naideliver sa ating paaralan ang mga bigas na handog ng Pamah...
04/04/2026

Masaya naming ibinabalita na ngayong araw ay matagumpay na naideliver sa ating paaralan ang mga bigas na handog ng Pamahalaan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan sa pangunguna ni Mayor Ronaldo T. Flores para sa mga mag-aaral ng Sapang Bulac High School.

Ang distribusyon ng bigas ay gaganapin sa Lunes, Abril 6, 2025
Oras: 8:00 ng umaga hanggang 11:30 ng umaga lamang
Para sa lahat ng antas (Baitang 7 - 12)

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at sundin ang itinakdang oras para sa maayos na pamamahagi.

Maraming salamat po sa patuloy na suporta at malasakit sa ating mga mag-aaral.


PAANYAYA!Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na dumalo sa mga gaganaping programa ng Sapang Bulac High School sa da...
28/03/2026

PAANYAYA!

Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na dumalo sa mga gaganaping programa ng Sapang Bulac High School sa darating na Marso 30, 2026.

Recognition Program
Ganap na 8:00 ng umaga
Panauhing Tagapagsalita: G. Leo V. Brigino

Ika-11 Taong Paglilipat Antas (JHS) at Ika-8 Taong Pagtatapos (SHS)
Ganap na 1:00 ng hapon
Panauhing Tagapagsalita: Engr. Emilson C. Dela Cruz

Sama - sama po nating ipagdiwang ang pagsisikap, tagumpay, at bagong yugto ng buhay ng ating mga mag - aaral. Ang inyong presensya ay lubos naming ikalulugod at magsisilbing inspirasyon sa aming mga magsisipagtapos.

Kita-kits po tayo! 💙


Address

So. Buasao
Doña Remedios Trinidad
3009

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo - Sapang Bulac High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Tayo - Sapang Bulac High School:

Shortcuts

Share

Category