18/08/2026
๐จ๐ณ๐ป๐ฌ๐น๐ต๐จ๐ป๐ฐ๐ฝ๐ฌ ๐พ๐ถ๐น๐ฒ ๐จ๐น๐น๐จ๐ต๐ฎ๐ฌ๐ด๐ฌ๐ต๐ป๐บ ๐ท๐จ๐น๐จ ๐บ๐จ ๐ด๐ฎ๐จ ๐ป๐จ๐ต๐ฎ๐ฎ๐จ๐ท๐จ๐ต ๐ต๐ฎ ๐ท๐จ๐ด๐จ๐ฏ๐จ๐ณ๐จ๐จ๐ต ๐จ๐ป ๐จ๐ณ๐ป๐ฌ๐น๐ต๐จ๐ป๐ฐ๐ฝ๐ฌ ๐ณ๐ฌ๐จ๐น๐ต๐ฐ๐ต๐ฎ ๐ด๐ถ๐ซ๐ฌ๐บ ๐ท๐จ๐น๐จ ๐บ๐จ ๐ด๐ฎ๐จ ๐ท๐จ๐จ๐น๐จ๐ณ๐จ๐ต
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 129, inaatasan ang mga tanggapan ng pamahalaan na magpatupad ng naaangkop na Alternative Work Arrangements (AWA) ngayong Agosto 19, 2026, kabilang ang Lalawigan ng Bulacan.
Ang mga pampubliko at pribadong paaralan ay inaasahang magpatupad ng Alternative Learning Modes para sa mga klase sa lahat ng antas.
Ang mga ahensiyang nangangasiwa sa paghahatid ng basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon at kinakailangang magbigay ng kaukulang serbisyo sa publiko.
Para naman sa pribadong sektor, ang pagsususpinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements ay nasa pagpapasya ng management ng bawat kompanya o establisimyento.
Paalala sa lahat: Manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo ng inyong lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya para sa karagdagang impormasyon at mga susunod na direktiba.
Narito ang ating mga Emergency Hotlines:
๐MDRRMO DRT - 0956 679 6848
๐PNP - 0998 598 5379
๐BFP - 0926 281 0638
๐MHO DRT - 0923 020 0400
Mag-ingat po ang lahat at manatiling ligtas!