Pamansalan Eco-Tech High School- Student Affairs

Pamansalan Eco-Tech High School- Student Affairs Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pamansalan Eco-Tech High School- Student Affairs, School, Pamansalan Diwan, Dipolog City.

09/09/2026
Congratulations!!!
09/09/2026

Congratulations!!!

08/09/2026
28/08/2026
BSP & GSP 2026 | PAMANSALAN ECO-TECH HIGH SCHOOL ⛺🌿Isang makabuluhang paglalakbay ng disiplina, pagkakaisa, paglilingkod...
24/08/2026

BSP & GSP 2026 | PAMANSALAN ECO-TECH HIGH SCHOOL ⛺🌿

Isang makabuluhang paglalakbay ng disiplina, pagkakaisa, paglilingkod, at pagiging handa! 💚💙

Sa taong 2026, muling ipinamalas ng ating mga Boy Scouts at Girl Scouts ang kanilang tapang, kakayahan, teamwork, at pagiging handa sa anumang hamon. Sa bawat gawain at karanasan, mas napalalim ang kanilang pagpapahalaga sa responsibilidad, leadership, friendship, at service to others.

✨ Scout na Andam, Bisan Asa Kasaligan! ✨

Saludo kami sa lahat ng Scouts, Scout Leaders, teachers, at volunteers na naging bahagi ng makabuluhang gawaing ito. Patuloy nating hubugin ang kabataang handa, responsable, at maaasahan saan man mapunta. 🌱

📍 Pamansalan Eco-Tech High School
📅 BSP & GSP 2026







LINGGO NG KABATAAN 2026 | AWARDING CEREMONYKabataan ngayon, lider ng kinabukasan! 🌟Ngayong August 17, 2026, isinagawa an...
17/08/2026

LINGGO NG KABATAAN 2026 | AWARDING CEREMONY

Kabataan ngayon, lider ng kinabukasan! 🌟

Ngayong August 17, 2026, isinagawa ang Awarding Ceremony para sa Linggo ng Kabataan 2026 bilang bahagi ng ating flag ceremony.

Iginawad ang mga pagkilala sa mga natatanging learners at grade levels na nagpakita ng leadership, creativity, good character, active participation, at commitment sa iba't ibang gawain ng Linggo ng Kabataan.

🏅 Kabataang Huwaran Award
🎨 Best Vision Wall
🌟 Most Creative and Active Grade Level

Ang mga parangal na ito ay pagkilala hindi lamang sa kanilang mga natanggap na awards, kundi sa oras, effort, creativity, pakikiisa, at mabubuting halimbawa na kanilang ipinakita.

Maraming salamat sa lahat ng PETHSenians na nakibahagi at naging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang na ito. Nawa'y patuloy nating isabuhay ang mensahe ng ating tema:
“Raring to Face Challenges in the Modern Times and Set to Achieve Global Development Goals.”

Congratulations to all our awardees! 🏆👏
Patuloy tayong mangarap, makilahok, gumawa ng mabuti, at maging bahagi ng positibong pagbabago.
Mabuhay ang Kabataan! 💙
Mabuhay ang PETHSenians!

SABIHIN NO SA BULLYING! | Maging Kaibigan, Hindi Bully! 💚Ang paaralan ay dapat maging isang ligtas, masaya, at mapayapan...
13/08/2026

SABIHIN NO SA BULLYING! | Maging Kaibigan, Hindi Bully! 💚

Ang paaralan ay dapat maging isang ligtas, masaya, at mapayapang lugar kung saan ang bawat mag-aaral ay malayang natututo, nakikipagkaibigan, at nangangarap para sa kinabukasan. Ngunit hindi magiging tunay na ligtas ang ating paaralan kung may mga taong nakakaranas ng pananakot, pang-iinsulto, pananakit, pang-aasar, pang-iisolate, o anumang uri ng bullying.

Ang bullying ay hindi simpleng biro lamang. Maaaring magkaroon ito ng malaking epekto sa isang taong nakakaranas nito. Kaya mahalagang matuto tayong kilalanin ang iba't ibang anyo ng bullying—pisikal, berbal, social/relational, at cyberbullying—at malaman kung paano tayo makatutulong upang mapigilan ito.

🤝 Ano ang maaari nating gawin?

💚 Maging mabait. Ang isang simpleng mabuting salita o kilos ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa araw ng isang tao.

🗣️ Magsalita kapag may nakikitang mali. Kung may nakakaranas ng bullying, huwag itong balewalain. Sabihin sa isang g**o, magulang, guidance counselor, o pinagkakatiwalaang nakatatanda.

🫶 Suportahan ang biktima. Iparamdam sa kanila na hindi sila nag-iisa. Ang pakikinig at pagiging mabuting kaibigan ay malaking tulong.

🙅 Huwag makisali. Huwag pagtawanan, i-share, i-like, o suportahan ang anumang post o kilos na nananakit o nagpapahiya sa kapwa.

🌈 Igalang ang pagkakaiba. Magkakaiba man tayo ng personalidad, kakayahan, itsura, interes, o pinagmulan, lahat ay nararapat tratuhin nang may dignidad at respeto.

Tandaan: Hindi kahinaan ang pagsasabi ng nararamdaman at paghingi ng tulong. Ang pagsasalita laban sa bullying ay isang paraan ng pagiging matapang at responsable.

Bawat isa sa atin ay may mahalagang papel sa pagbuo ng isang paaralang ligtas para sa lahat. Hindi natin kailangang maging perpekto upang makagawa ng pagbabago. Magsimula tayo sa simpleng paggalang, kabaitan, pakikinig, at pagtulong.

🌱 Maging bahagi ng solusyon, hindi ng problema.
🤝 Maging kaibigan, hindi bully.
💚 Choose kindness. Stop bullying.

🌿 INTERNATIONAL AND NATIONAL IP DAY 2026 🌿Nakikiisa ang Pamansalan Eco-Tech High School sa International and National In...
10/08/2026

🌿 INTERNATIONAL AND NATIONAL IP DAY 2026 🌿

Nakikiisa ang Pamansalan Eco-Tech High School sa International and National Indigenous Peoples’ Day ngayong Agosto 9 at 10. 🤝

Kaisa ng Kagawaran ng Edukasyon, kinikilala at pinahahalagahan natin ang mayamang kultura, tradisyon, kaalamang katutubo, at pamanang ipinapasa ng mga Katutubong Pamayanan sa bawat salinlahi.

Higit sa lahat, sama-sama nating itaguyod ang paggalang sa karapatan, buhay, kaligtasan, at kapakanan ng mga Katutubong Bata at Kabataan. 💚

Paggalang sa Kultura. Pagpapahalaga sa Pamana. Pagkakaisa para sa Kapakanan ng Kabataan. 🌿





Address

Pamansalan Diwan
Dipolog City
7100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pamansalan Eco-Tech High School- Student Affairs posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category