DNHS Filipino Club

DNHS Filipino Club Samahan ng Kabataang Pilipino

🎀✨ TAGISAN NG TALENTO, YAMAN NG BAYAN! ✨🎭Diplahan National High School ay muling maglalagablab sa husay at galing ng mga...
05/08/2025

🎀✨ TAGISAN NG TALENTO, YAMAN NG BAYAN! ✨🎭
Diplahan National High School ay muling maglalagablab sa husay at galing ng mga kabataang Pinoy! Sa bawat kumpas ng musika, sa bawat salin ng sayaw, sa bawat himig ng boses, at sa bawat hagod ng siningβ€”isang pagtatanghal ng kahusayan, tapang, at tunay na talento ang inyong masasaksihan!
πŸŽͺ TALENTADONG MAG-AARAL NG DIPLAHAN NATIONAL HIGH SCHOOL 2025
πŸ“… TUWING BIYERNES NG BUWAN NG AGOSTO, 2025
πŸ“ Diplahan NHS Gymnasium
⏰ 3:00-4:00 PM
Tayo’y magtipon at magbigay-pugay sa mga batang talento ng ating paaralan. Halina’t sumaksi, humanga, at sumuporta! Sino nga ba ang tatanghaling pinakatalentado sa lahat?
πŸ”Š β€œSa entablado ng pangarap, ang bawat hakbang ay simula ng tagumpay!” 🌈🎢





Bukas na, July 11, 2025 ang Club Booth Display ng Diplahan NHS πŸŽ‰πŸŽ‰. Sa mga mag-aaral na nais maging kasapi ng FILIPINO cl...
10/07/2025

Bukas na, July 11, 2025 ang Club Booth Display ng Diplahan NHS πŸŽ‰πŸŽ‰. Sa mga mag-aaral na nais maging kasapi ng FILIPINO club ay lumapit lamang sa booth display ng FIL club sa gym, welcome na welcome po kayo sa aming club ☺️☺️🫰

Alam n'yo ba kung anong meron ngayong buwan ng Agosto? πŸ‘€ E comment ang inyong mga hula o sagot sa comment section...
07/07/2025

Alam n'yo ba kung anong meron ngayong buwan ng Agosto? πŸ‘€ E comment ang inyong mga hula o sagot sa comment section...

Taos-pusong pagbati sa mga g**o na pinarangalan bilang Lakambini at Lakandiwa ng Buwan ng Wika: Leocel Angeli C. Sabacaj...
30/08/2024

Taos-pusong pagbati sa mga g**o na pinarangalan bilang Lakambini at Lakandiwa ng Buwan ng Wika: Leocel Angeli C. Sabacajan at Hansel Medina. Ang inyong tagumpay ay sumasalamin sa inyong dedikasyon at pagsisikap na itaguyod ang ating wika at kultura. Ang inyong mga kontribusyon ay tunay na nagbibigay inspirasyon sa lahat. πŸ‡΅πŸ‡­

Taos-pusong pagbati sa mga estudyanteng nagwagi sa iba't ibang patimpalak ngayong Buwan ng Wika. Ang inyong tagumpay ay ...
30/08/2024

Taos-pusong pagbati sa mga estudyanteng nagwagi sa iba't ibang patimpalak ngayong Buwan ng Wika. Ang inyong tagumpay ay isang patunay ng inyong dedikasyon at pagmamahal sa ating wika at kultura. Nawa'y patuloy ninyong pagyamanin ang ating Wikang Filipino, isang wikang mapagpalaya. πŸ‡΅πŸ‡­

Nabuhay muli ang diwa ng ating pagka-Pilipino sa Buwan ng Wika 2024 na may temang, Filipino: Wikang Mapagpalaya. Huwag n...
30/08/2024

Nabuhay muli ang diwa ng ating pagka-Pilipino sa Buwan ng Wika 2024 na may temang, Filipino: Wikang Mapagpalaya. Huwag nating kalimutan na ipagmalaki ang ating wika, ang ating kultura, at ang ating bayan! πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨



Buwan ng Wika 2024! πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨Ika-30 ng AgostoBiyernes | 9:45 AMAng Buwan ng Wika ay isang taunang selebrasyon na naglalayong i...
29/08/2024

Buwan ng Wika 2024! πŸ‡΅πŸ‡­βœ¨

Ika-30 ng Agosto
Biyernes | 9:45 AM

Ang Buwan ng Wika ay isang taunang selebrasyon na naglalayong ipagbunyi ang yaman ng wikang Filipino at mga diyalekto ng bansa. Sa pamamagitan ng iba't ibang aktibidad at programa, binibigyang-pansin nito ang kahalagahan ng wika bilang simbolo ng ating kalayaan, pagkakaisa, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

Isang diwa ng kalayaan at pagkakaisa ang ating sinasariwa sa temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya." Inaanyayahan ang lahat na makilahok sa isang araw ng kasiyahan at pagdiriwang ngayong ika-30 ng Agosto, Biyernes, sa ganap na 9:45 ng umaga, para sa engrandeng pagtatapos ng ating selebrasyon.

Tunghayan ang mga tinig ng ating kabataan sa Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan. Masisilayan din ang kanilang kahusayan sa sayaw sa Dance Fusion, at bigyang-parangal ang mga estudyanteng nagtagumpay sa kanilang kompetisyon, kasama na ang Tagisan ng Talino at patimpalak na Poster-Slogan.

Huwag palampasin ang natatanging araw na itoβ€”isang pagkakataon upang bigyang-pugay ang ating mga kabataan, ang pag-asa at kinabukasan ng ating bayan. Sama-sama nating itaas ang watawat ng wikang Filipino, sa isang araw ng kasiyahan at inspirasyon! πŸ‡΅πŸ‡­

𝐓𝐀𝐖𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐇𝐀𝐋𝐀𝐍: 𝐀𝐍𝐆 π‡π”π‹πˆππ† 𝐓𝐀𝐏𝐀𝐓𝐀𝐍 πŸŽ™οΈβœ¨Ika-30 ng AgostoBiyernes | 9:45 amDiplahan National High School GymnasiumSa en...
29/08/2024

𝐓𝐀𝐖𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐇𝐀𝐋𝐀𝐍: 𝐀𝐍𝐆 π‡π”π‹πˆππ† 𝐓𝐀𝐏𝐀𝐓𝐀𝐍 πŸŽ™οΈβœ¨

Ika-30 ng Agosto
Biyernes | 9:45 am
Diplahan National High School Gymnasium

Sa entablado ng pangarap, haharapin ang huling hamon. Sino ang magiging kampeon sa Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan?

Mariane C. Dadan ng Grade 11-Arts and Design
Regine V. Cabaylo ng Grade 12-GAS
Deniel James M. CaΓ±oneo ng Grade 8-SPA
Christine Faith G. Mondigo ng Grade 11-STEM
Dean Carlo O. Simbajon ng Grade 7-SPA
Mark Ivan R. Catipay ng Grade 11-EIM

Abangan bukas ang labanan ng mga boses na magpapayanig sa buong paaralan!

Malugod naming pinasasalamatan ang lahat ng mga mag-aaral at g**o na dumalo at nakilahok sa ating Tagisan ng Talino. Dah...
28/08/2024

Malugod naming pinasasalamatan ang lahat ng mga mag-aaral at g**o na dumalo at nakilahok sa ating Tagisan ng Talino. Dahil sa inyo, naging matagumpay at makabuluhan ang ating paligsahan sa araw na ito. Sa ipinamalas ninyong galing at husay sa tunggalian ng isipan, hindi niyo lamang sinabuhay ang sawikain ni Dr. Jose Rizal kundi pinatunayan niyo rin na kayo nga ang PAG-ASA NG BAYAN. Nawa'y patuloy niyong bit-bitin ang alab ng katalinuhan na syang sagisag ng ating pagkakakilanlan. Mabuhay ang wikang Filipino!

Sa muli, MARAMING SALAMAT!


Tagisan ng Talino: Para sa karunungan, para sa karangalan!Inaanyayahan namin kayong lahat na dumalo at sumali sa Tagisan...
28/08/2024

Tagisan ng Talino: Para sa karunungan, para sa karangalan!

Inaanyayahan namin kayong lahat na dumalo at sumali sa Tagisan ng Talino na gaganapin ngayong araw! Ito ay isang pagkakataon upang ipamalas ang inyong talino at kaalaman sa iba't ibang larangan ng pag-aaral.

Petsa: Agosto 28, 2024 - Diplahan National High School Cafe Librio
Oras: 3:00 PM
Bukas para sa lahat ng mag-aaral mula grade 7 hanggang 12 ( 1 representative per grade level )

Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang matuto at mag-enjoy kasama ang inyong mga kaibigan! Inaasahan ang inyong pagdalo at pagsuporta. Kita-kits!


Sa lahat ng sumali sa ating POSTER/SLOGAN CONTEST, isang malaking pasasalamat mula sa aming puso. Ipinakita niyo ang iny...
27/08/2024

Sa lahat ng sumali sa ating POSTER/SLOGAN CONTEST, isang malaking pasasalamat mula sa aming puso. Ipinakita niyo ang inyong galing at pagkamalikhain sa paguhit. Marami man ang hindi nakapasa sa itinakdang oras ngunit naipakita naman nila ang kanilang mensahe na nais ipabatid. Hindi man lahat ay maaring magtagumpay sa paligsahang ito, lagi na lamang nating tatandaan na hindi hadlang ang pagkatalo upang tayo’y huminto. Sa halip ito ay magsisilbing hakbang upang makamit ang ninanais nating tagumpay.

Petsa: Agosto 16, 2024
Lokasyon: Silid-aklatan

Address

Diplahan Zamboanga Sibugay
Diplahan
7039

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DNHS Filipino Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category