Malamig Elementary School

Malamig Elementary School School ID: 104458

Ang Malamig Elementary School ay nakiisa upang gunitain ang International Aids Memorial bilang pag-alala sa mga biktima ...
24/05/2023

Ang Malamig Elementary School ay nakiisa upang gunitain ang International Aids Memorial bilang pag-alala sa mga biktima ng AIDS. Layunin din nitong maimulat ang kamalayan ng bawat isa sa nakakabahalang sakit na ito.

Respect and pray for the victims


19/05/2023
Sa paanyaya ng Sangguniang Barangay, nakiisa ang Umiray at Malamig Elementary Schools sa ginanap na pasinaya ng multi-pu...
28/01/2023

Sa paanyaya ng Sangguniang Barangay, nakiisa ang Umiray at Malamig Elementary Schools sa ginanap na pasinaya ng multi-purpose building na ginanap nitong January 25 sa Sitio Yapit, Barangay Umiray, Dingalan, Aurora. Pangunahing layunin ng gusali ay bilang maging evacuation center ng mga mamamayan sa tuwing may dumarating na malakas na bagyo. Samantala, bilang bahagi ng Barangay Umiray, ang aming taos-pusong pasasalamat kay Congressman Rommel T. Angara at Mayor Shierwin H. Taay sa kaloob na biyaya sa aming Barangay, na kung saan ay nagkaroon ng higit na komportableng lugar na matutuluyan ang mga residente na dating sa paaralan lumilikas kapag may banta ng malakas na bagyo. #

  Fresh Start in 2023Dingalan District Public Schools District Supervisor Raymundo R. David, Jr. visits Umiray ES and pr...
18/01/2023

Fresh Start in 2023
Dingalan District Public Schools District Supervisor Raymundo R. David, Jr. visits Umiray ES and provides technical assistance on the management of Umiray and Malamig Elementary School. Thank you Sir for the kind words and inspiration.

Dating sira-sira, tuluan at tila napaglipasan na ng panahon, ngayo'y bagong bihis at handang handa na sa anumang idadaos...
29/08/2022

Dating sira-sira, tuluan at tila napaglipasan na ng panahon, ngayo'y bagong bihis at handang handa na sa anumang idadaos na aktibidad. Maraming Salamat po sa ating butihing Mayor, Hon. Shierwin H. Taay, sa pagbibigay ng panibagong sigla sa aming paaralan. Ang Malamig Elementary School po sa pangunguna ng Punong-Guro Ms. Jane Valderama ay lubos na nagpapasalamat sa walang sawa ninyong pagsuporta.
Maraming, Maraming Salamat po.





28/08/2022
Ang Malamig Elementary School po ay lubos na nagpapasalamat sa aming mga naging kaagapay para sa paghahanda ng paaralan ...
28/08/2022

Ang Malamig Elementary School po ay lubos na nagpapasalamat sa aming mga naging kaagapay para sa paghahanda ng paaralan para sa isang ligtas at matagumpay na pagbubukas ng klase ngayong Taong Panuruan.

Taos-pusong pasasalamat po sa ating napakasipag at napaka-supportive na ama ng Brgy. Umiray, Kapitan Juanito R. Borreo at sa kanyang mga kasamahan sa Sangguniang Barangay, sa pagpapatambak ng graba para sa mas maayos na daan papasok s paaralan at sa mga tulong sa iba't ibang paraan.

Muli, Maraming Maraming Salamat po sa inyong pakikipag-Kapit-Bisig para sa Ligtas na Balik-Aral.๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ˜‡



Taos-pusong pasasalamat po mula sa Paaralang Elementarya ng Malamig, sa pangunguna ng Punong-Guro, Baby Jane P. Valderam...
28/08/2022

Taos-pusong pasasalamat po mula sa Paaralang Elementarya ng Malamig, sa pangunguna ng Punong-Guro, Baby Jane P. Valderama sa Sangguniang Bayan Members ng Dingalan sa kanilang suporta at pakikiisa para sa paghahanda ng paaralan para sa isang Ligtas na Balik-Aral.

Maedup! ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™




   Ang Paaralang Elementarya ng Malamig sa pangunguna ng Punong-Guro, Jane Valderama ay lubos na nagpapasalamat sa Wanba...
27/08/2022





Ang Paaralang Elementarya ng Malamig sa pangunguna ng Punong-Guro, Jane Valderama ay lubos na nagpapasalamat sa Wanbatels Family sa pangunguna ni G. Ron Guzman Castillo, sampo ng kanyang mga kasamahan sa paglalaan ng oras at dedikasyon upang makatulong para sa paghahanda ng paaralan sa isang ligtas na Balik-Aral 2022.

Sa inyo pong pakikipag-Kapit-Bisig, Ligtas na Baik-Aral ay nasigurado. Muli, Maraming, Maraming Salamat po๐Ÿ˜‡๐Ÿ™

Unity is strength, division is weakness..                                                - Swahili ProverbTaos-pusong  p...
27/08/2022

Unity is strength, division is weakness..

- Swahili Proverb

Taos-pusong pasasalamat po ang ipinaaabot ng Malamig ES Family, sa pangunguna ng Punong-Guro Jane P. Valderama, sa ating mga magigiting na sundalo ng Philippine Army 1st Infantry Division sa kanilang pakikiisa at pagtulong upang maihanda ang paaralan sa isa Ligtas na Balik-Aral. Tunay nga pong buhay na buhay ang diwa ng Bayanihan๐Ÿ™‚๐Ÿ˜‡

Maraming Maraming Salamat po!


Pangkalahatang pagpupulong ng mga magulang at mga g**o ng MES, isinagawaKaragdagang panuntunan sa ipinatutupad na face-t...
05/04/2022

Pangkalahatang pagpupulong ng mga magulang at mga g**o ng MES, isinagawa
Karagdagang panuntunan sa ipinatutupad na face-to-face classes, ibinahagi

Tiniyak ng Malamig Elementary School (MES) na magkakaroon ng sapat at tamang kaalaman ang mga magulang hinggil sa mga mahahalagang panuntunan sa pagpapatupad ng progressive expansion of limited face-to-face classes bilang paghahanda sa mass implementation sa susunod na mga araw. Ito ay sa pamamagitan ng kauna-unahang pangkalahatang pagpupulong ng mga magulang at mga g**o sa panahon ng pandemya na ginanap sa covered court ng MES nitong Biyerners, Abril 1.

Sa nasabing pagpupulong, ibinahagi ni Bb. Baby Jane P. Valderama, Punong-Guro ng MES, ang mga karagdagang panuntunan na dapat malaman ng mga magulang tungkol sa kasalukuyang ipinatutupad na progressive expansion bilang paghahanda sa unti-unting malawakang implementasyon o mass implementation of face-to-face classes bunsod ng patuloy ng pagbaba ng kaso ng COVID -19 sa bansa, partikular na sa lalawigan ng Aurora.

Base sa DepEd Regional Memorandum No. 18, s. 2022, ibinahagi ni Bb. Valderama ang magiging sistema ng pag-aaral sa ilalim ng kasalukuyang ipinatutupad na progressive expansion of limited face-to-face classes, kung saan pangunahing tututukan ng mga g**o sa pagtuturo ng face-to-face mula Lunes hanggang Huwebes ang apat na core subjects na kinabibilangan ng English, Math, Science at Filipino.

Bagamaโ€™t hindi rin isinasaisantabi ang iba pang aralin tulad ng Edukasyon sa Pagpapakatao, Edukasyong Pantahanan at Pangkatawan, Music, Arts and Physical Education at Aralin Panlipunan na ituturo naman ng mga g**o sa paraang face-to face tuwing Biyernes.

Basepa rin sa naturang Memorandum, ipatutupad ang ganitong sistema sa ilalim ng progressive expansion of limited face-to-face classes sa buong Gitnang Luzon upang higit na matutukan ng mga g**o ang pagtuturo ng pagbabasa at pagkalkula sa mga mag-aaral, makaraang matukoy mula sa mga isinagawang regional monitoring ang mga ito bilang pangunahing hamon sa mga mag-aaral na dapat tutukan ng DepEd.

Sa tinatayang mahigit sa kalahati ng populasyon ng mga mag-aaral ng MES ang bilang ng mga magulang na dumalo sa nasabing pagpupulong, ipinaalala rin ni Bb. Valderama ang mga mahahalagang pag-iingat na dapat tandaan at isagawa ng mga magulang para sa kanilang mga anak na pumapasok sa paaralan.

Samantala, patuloy na nagpapasalamat ang pamilya ng Malamig Elementary School sa patuloy na suporta at pakikiisa ng mga magulang sa mga gawain at programa ng paaralan na nagtataguyod sa kagalingan ng kanilang mga anak na mag-aaral ng MES. #

# LundayanngPag-AsasaPagbasa

Address

Umiray
Dingalan
3207

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639972382080

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Malamig Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category