18/08/2026
ARALING PANLIPUNAN (UNANG TERMINO)
LECTURE
KONSEPTO NG PAGGAWA
PAGGAWA
=Ang paggawa ay tumutukoy sa lakas at kakayahan ng tao na gamitin ang kanyang oras, talino, at kasanayan upang makalikha ng produkto o serbisyo.
=Ito ang isa sa pangunahing salik ng produksyon na nagbibigay-halaga sa mga yaman at nagtatakda ng daloy ng kita at kaunlaran ng bansa.
DALAWANG URI NG MANGGAGAWA
A. Mga Regular na Manggagawa
= Manggagawa na kadalasang ginagampanan ang kanilang trabaho ayon sa ninanais ng mga may-ari at sila rin ay nagtatagal ng isang taon sa trabaho at nakatatanggap ng mga benepisyo na ayon sa batas.
B. Hindi Regular na Manggagawa:
1. Apprentices/Learners
= Sila ay kadalasang mga sumasailalim sa On-the-Job Training (OJT) bilang bahagi ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
2. Casual Workers
= Ang casual worker o casual employee ay isang manggagawa na pansamantalang inuupahan upang gampanan ang mga gawain na hindi karaniwang mahalaga o kailangan sa pangunahing negosyo ng isang employer.
3. Contractual/ Project-based Workers
= Ang mga manggagawang ito ay gumagawa ng trabaho ayon sa fixed term na kanilang pinirmahan sa kontrata, depende sa tagal ng proyekto kung saan sila nagtatrabaho.
4. Probationary Workers
= Karaniwang inoobserbahan ang mga manggagawang ito sa loob ng anim na buwan upang malaman kung sila ay pasok sa standards upang maging regular na empleyado o hindi.
5. Seasonal Workers
= Kinukuha lamang ang serbisyo ng mga manggagawang ito sa isang partikular na panahon o pagkakataon.
IMPORMAL NA MANGGAGAWA
= Ito ay tumutukoy sa mga taong kabilang sa impormal na sektor ng ekonomiya—sila ay nagtatrabaho nang walang pormal na kontrata, benepisyo, o proteksyon mula sa batas paggawa. Karaniwang halimbawa nito sa Pilipinas ay mga street vendor, tricycle driver, kasambahay na hindi rehistrado, at construction worker na walang regular na kontrata.
PAGTALAKAY SA IBA’T IBANG ISYU SA PAGGAWA
KONTRAKWALISASYON(Contractualization)
= Ang kontraktuwalisasyon (o “endo”) ay isang sistema ng pagtatrabaho sa Pilipinas kung saan ang mga manggagawa ay inuupahan lamang sa maikling panahon (karaniwang 5–6 buwan) upang maiwasan ang kanilang pagiging regular na empleyado at ang pagbibigay ng kaukulang benepisyo.
UNEMPLOYMENT
= Ito ay kalagayan kung saan ang isang tao na nasa edad at kakayahang magtrabaho ay walang makuhang hanapbuhay, kahit na siya ay aktibong naghahanap ng trabaho.
UNDEREMPLOYMENT
= Ito ay kalagayan kung saan ang isang tao ay may hanapbuhay ngunit hindi sapat ang oras, kita, o paggamit ng kanyang kasanayan upang matugunan ang pangangailangan.
Forced Labor
= Ang forced labor o sapilitang paggawa ay isang uri ng trabaho kung saan ang tao ay pinipilit magtrabaho laban sa kanyang kalooban, kadalasan nang walang makatarungang sahod, benepisyo, o kalayaan.
= Ito ay kinikilala bilang isang paglabag sa karapatang pantao at tinuturing na modernong anyo ng pagkaalipin.
Human Trafficking
= Ang Human Trafficking o pagkalakal ng tao ay isang krimen at paglabag sa karapatang pantao kung saan ang tao ay ginagamit bilang kalakal sa pamamagitan ng panlilinlang, pamimilit, o pang-aabuso.
= Karaniwang layunin nito ay sapilitang paggawa, prostitusyon, pang-aalipin, o iba pang uri ng eksploytasyon.
MIGRASYON
=Ito ay tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar upang manirahan, magtrabaho, o maghanap ng mas magandang oportunidad. Isa itong mahalagang konsepto sa Araling Panlipunan dahil nakaaapekto ito sa ekonomiya, lipunan, at kultura ng isang bansa.
DALAWANG URI NG MIGRASYON
1. Panloob na Migrasyon (Internal Migration)
= Paglipat ng tao sa loob ng isang bansa. Madalas na sanhi: urbanisasyon, trabaho, edukasyon, o kaligtasan mula sa sakuna.
2. Panlabas na Migrasyon (External Migration)
=Paglipat ng tao mula sa sariling bansa patungo sa ibang bansa. Madalas na sanhi: mas mataas na sahod, mas magandang oportunidad, o pagtakas sa kaguluhan.
DALAWANG SALIK NG MIGRASYON
1. PUSH FACTORS
= Mga negatibong kondisyon sa pinagmulan ng tao na nagtutulak sa kanya na umalis.
2. PULL FACTORS
= Mga positibong kondisyon sa pupuntahang lugar na nakaaakit sa tao.
IBA’T IBANG ANYO NG MIGRASYON
1. MIGRANTE
= Ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar at sila ay nauuri sa dalawa – and pansamantala (migrant) at pampermanente (immigrant).
2. IRREGULAR MIGRANTS
=Ito ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.
3. TEMPORARY MIGRANTS
= Ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.
4. PERMANENT MIGRANTS
= Ito ay mga Overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.
BRAIN DRAIN AT SOCIAL COST OF MIGRATION
BRAIN DRAIN
=Ang brain drain ay tumutukoy sa pag-alis ng mga propesyonal, skilled workers, at mga talentadong mamamayan mula sa sariling bansa upang magtrabaho o manirahan sa ibang bansa.
SOCIAL COST OF MIGRATION
= Ang social cost of migration ay tumutukoy sa mga negatibong epekto ng migrasyon sa lipunan, pamilya, at komunidad. Bagama’t may benepisyo ang migrasyon tulad ng remittances at oportunidad, may kaakibat din itong mga gastusin sa aspetong panlipunan na hindi agad nakikita sa ekonomiya.
POLITICAL DYNASTY
=Ang dinastiyang politikal ay sitwasyon kung saan ang kapangyarihan sa pamahalaan ay napupunta o naipapasa sa loob ng isang pamilya. Maaaring sunod-sunod o sabay-sabay na humahawak ng posisyon.
MGA SANHI NG POLITICAL DYNASTY
1. KAHIRAPAN= Umaasa ang mamamayan sa tulong ng politiko.
2. PATRONAGE POLITICS= Pabor o utang na loob sa politiko.
3. KAKULANGAN NG KAALAMAN= Hindi mulat ang botante.
MGA BUNGA NG POLITICAL DYNASTY
1. BANTA SA DEMOKRASYA
A. Nababawasan ang tunay na representasyon ng mamamayan.
B. Mahinang kompetisyon
C. Pagkawala ng checks and balances
2. PROBLEMA SA EKONOMIYA
A. Patuloy na kahirapan.
B. Hindi pantay na pag-unlad.
C. Paglala ng patronage politics.
3. ISYU SA PAMAHALAAN
A. Korapsyon at nepotismo.
B. Pag-usbong ng ‘fat’ at ‘thin’ dynasties.
C. Pagiging hadlang sa reporma.
MGA IMPLIKASYON NG POLITICAL DYNASTY
A. Sa Paggawa: Kakapusan ng trabaho. Hindi patas na oportunidad
B. Sa Pamumuhay: Patuloy na kahirapan. Hindi pantay na serbisyo.
C. Sa Ekonomiya:Mabagal na pag-unlad. Katiwalian sa pamahalaan