12/06/2026
MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN!
Ngayong ika-12 ng Hunyo, buong pagmamalaking nakikiisa ang San Pablo Elementary School sa pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas.
Alalahanin natin ang kabayanihan at sakripisyo ng ating mga ninuno na nagbigay-daan sa kalayaang ating tinatamasa ngayon. Nawa'y patuloy nating isabuhay ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagiging responsable, makabayan, at mapagmalasakit na mamamayan.
Sa bawat munting kabutihan at pagtutulungan, naipapakita natin ang tunay na diwa ng kalayaan at pagkakaisa.
Mabuhay ang Pilipinas!
Mabuhay ang bawat Pilipino!