22/05/2026
ππππ-ππππ ππ πππππππ, πππππ ππ ππ πππππππππ ππ ππππππ πππππππππ!
Nais pong ipabatid ng pamunuan ng paaralan sa lahat ng mga magulang, tagapangalaga, at mga mag-aaral na ang Enrolment at Distribusyon ng School Supplies ay pormal na isasagawa kasabay ng Brigada Eskwela mula June 1 hanggang June 5.
Kaugnay nito, ang lahat ay malugod na inaanyayahang magtungo sa paaralan upang maproseso ang pagpapatala at matanggap ang mga kagamitang magagamit sa darating na taong panuruan. Upang masiguro ang kaligtasan at mapanatili ang isang sistematikong sistema, ipinapaalala po na mayroong itinakdang grade level na susundin sa bawat araw.
Ang inyong maagang pagparito at mahigpit na pagsunod sa nakatalagang iskedyul ng inyong antas ay lubos na inaasahan para sa isang maayos at matagumpay na aktibidad.