DepEd Pinulot Elementary School

DepEd Pinulot Elementary School Child Friendly School

Magandang Lunes ang sumalubong sa pagtataas ng watawat sa pangunguna ng mga g**o at mag-aaral at mainit na pagtanggap sa...
20/07/2026

Magandang Lunes ang sumalubong sa pagtataas ng watawat sa pangunguna ng mga g**o at mag-aaral at mainit na pagtanggap sa 9 na g**ong mag-aaral mula sa Bataan Peninsula State University- Dinalupihan Campus!

Nagkaroon din ang mga mag-aaral mula sa BPSU ng orientation mula sa pangunguna ng Punong G**o G. Dan-Emel V. Bautista

Isang maligaya at mabungang Lunes ang hatid sainyo ng buong paaralan, Kasapi na kayo ng pamilya at komunidad ng Pinulot. Pagbati sainyong lahat! 🎉

Lubos ang pasasalamat ng buong Paaralang Elementarya ng Pinulot sa inyong pagdalaw at pangangamusta sa aming mga g**o, k...
16/07/2026

Lubos ang pasasalamat ng buong Paaralang Elementarya ng Pinulot sa inyong pagdalaw at pangangamusta sa aming mga g**o, kawani, at mga mag-aaral. Ang inyong presensya ay nagbigay ng inspirasyon at motibasyon sa aming lahat.

Maraming salamat po Sir Francisco B. Bautista!🫶🫶🫶

The PNP joins local schools in their traditional flag-raising ceremonies to reinforce our anti-bullying campaigns and en...
07/07/2026

The PNP joins local schools in their traditional flag-raising ceremonies to reinforce our anti-bullying campaigns and ensure a safe learning environment. Together, we are committed to building a secure, nurturing community where every student feels protected and empowered to learn.

Maligayang Unang Araw ng Pasukan! Taong Panuruan 2026-2027Malugod naming tinatanggap ang lahat ng mag-aaral sa panibagon...
08/06/2026

Maligayang Unang Araw ng Pasukan!
Taong Panuruan 2026-2027

Malugod naming tinatanggap ang lahat ng mag-aaral sa panibagong taon ng pagkatuto sa Paaralang Elementarya ng Pinulot. Nawa’y maging masaya, ligtas, at makabuluhan ang bawat araw ng inyong pag-aaral.

Tara na at sama-samang abutin ang ating mga pangarap! 💙💛



Nabubuklod tayo ng iisang layanunin ang pag-asa at pagkakaisa. Tagumpay nating lahat ito! 🥳
06/06/2026

Nabubuklod tayo ng iisang layanunin ang pag-asa at pagkakaisa. Tagumpay nating lahat ito! 🥳

05/06/2026

Sa mga minamahal naming SPES,

Mula sa unang araw ng pagbubukas ng Brigada Eskwela hanggang sa huling sandali ng paglilinis at pag-aayos ngayong Day 5, hindi matatawaran ang inyong ipinamalas na sipag, tiyaga, at dedikasyon. Sa kabila ng sama ng panahon at bigat ng mga gawain, hindi namin narinigan ng reklamo ang bawat isa sa inyo—bagkus ay ngiti at tunay na serbisyo ang inyong isinukli.

Kayo ang naging lakas, bisig, at buhay ng Brigada Eskwela ngayong taon. Ang bawat silid-aralan na naging maayos at bawat sulok ng paaralan na naging malinis ay patunay ng inyong pagmamahal sa kapwa ninyo mag-aaral at sa ating komunidad.

Hindi sapat ang salitang salamat..

Ipinagmamalaki kayo ng buong pamunuan ng paaralan! Ang inyong sakripisyo ay magsisilbing inspirasyon sa lahat. Kayo ang bida ngayong Brigada Eskwela! Mabuhay kayo, mga iskolar at lingkod-bayan! 💓💯

"Ang tunay na diwa ng Bayanihan ay nasa pagkakaisa ng puso at bisig." Isang makasaysayan at emosyonal na huling araw par...
05/06/2026

"Ang tunay na diwa ng Bayanihan ay nasa pagkakaisa ng puso at bisig."

Isang makasaysayan at emosyonal na huling araw para sa ating Brigada Eskwela Magkahawak-kamay nating tinapos ang mga huling hakbang para sa paghahanda ng ating paaralan.

Mula sa paglilinis sa Clean-up Drive kasama ang KALIPI (Kalipunan ng Liping Pilipina), hanggang sa pagtatanim ng pag-asa sa Tree Planting Activity kasama ang Iskolar ng Bataan, ipinakita natin na ang komunidad ay laging handang tumulong.

Salamat din sa gabay ng PNP Dinalupihan sa pamumuno ni Police Corporal Harley Dell A. Razon kasama ang SELG at KIDS para sa Drug Prevention and Awareness, at sa solidong suporta ng ating SGC Team nina Chairman Charmie L. Manikan, Mrs. Ross Ana P. Mauleon, Mrs. Merlissa R. Licos, Ma'am Susan C. Magsino, at Ma'am Imelda C. Sacramento.

Dahil sa Final Walkthrough ng ating Physical Facilities Coordinator na si Ma'am Theresa R. Belleza, mas kampante na tayong handa na ang bawat silid-aralan.

Matapos ang isang linggong puspusang paghahanda, matagumpay nating tinapos ang Brigada Eskwela sa pamamagitan ng isang Culminating Activity. Dito ay binigyang-pugay at pinarangalan ang ating mga katuwang na SPES Students na naglingkod mula Day 1 hanggang Day 5. Ang inyong mga natanggap na sertipiko ay katibayan ng inyong walang-sawang pagmamahal at pagbuhos ng lakas para sa ating paaralan at sa mga mag-aaral.

"Sa Brigada Eskwela, ang bawat kamay na tumutulong ay nag-iiwan ng bakas ng pag-asa sa bawat bata."Matagumpay na nairaos...
04/06/2026

"Sa Brigada Eskwela, ang bawat kamay na tumutulong ay nag-iiwan ng bakas ng pag-asa sa bawat bata."

Matagumpay na nairaos ang Day 4 ng Brigada Eskwela na puno ng mga aktibidad para sa kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Sa unang bahagi ng araw, ipinagpatuloy ang ikalawang yugto ng Libreng Gupit sa pamumuno ni Kgwd. Hon. Joselito A. Licos, kung saan nagbahagi rin ng 20 first-aid kits ang kaniyang anak na si John Jaime A. Licos para bawat isang klasrum at kaligtasan ng bawat isang mag-aaral

Kasabay nito, isinagawa ang pagpapalakas ng kakayahan sa pagbasa sa ilalim ng programang PINES OK Literacy.

Para sa kaligtasan ng komunidad bago magtag-ulan, nagsagawa ng hazard mapping ang mga tauhan ng BFP sa buong nasasakupan ng paaralan.

Kaagapay din si Kgwd. Hon. Rommil S. Gantang na nanguna sa Libreng Arm-Chair Repair.

Nagtapos ang araw na may galak at pasasalamat sa pamamahagi ng 100 sets ng bag at school supplies, kasama ang mini feeding program para sa 100 na piling mag-aaral (Kinder hanggang Grade 6). Ang tulong na ito ay mula sa Corporate Social Responsibility ng Chrono One Trading and Logistics sa inisyatibo ni si Mr. Jinare Ranido. Pasasalamat kay Kap. Hon. Carlos D. Del Rosario Jr. na naging daan sa matagumpay na ugnayang ito.

"Sa gitna ng ulan o sikat ng araw, ang pusong may bayanihan ay hindi napaparam."Ikatlong araw ng Brigada Eskwela, punong...
03/06/2026

"Sa gitna ng ulan o sikat ng araw, ang pusong may bayanihan ay hindi napaparam."

Ikatlong araw ng Brigada Eskwela, punong-puno pa rin ng pag-asa! Isang malaking pasasalamat sa 4P's Community at sa mga Iskolar ng bayan—ang Iskolar ng Bataan—sa pagbuhos ng lakas para sa ating Clean-up Drive ngayong umaga.

Saludo rin po kami kay Kgwd. Hon. Joselito A. Licos para sa handog na Libreng Gupit na umabot na sa 66 na benepisyaryo ang natulungan mula pa ngayong unang araw. Karagdagan dito, nagkaroon din ng mahalagang Focal Group Discussion sa pamumuno ng ating School Head, Sir Dan Emel V. Bautista, upang mas pagandahin pa ang ating mga programa.

Bagamat maagang natapos ang mga gawain dahil sa itinaas na Orange Rainfall Warning, baon naman natin ang diwa ng pagkakaisa. Ligtas na pag-uwi po sa lahat at manatiling mapagmatyag! 🌧️🧡

“Sa pagtutulungan at pagmamalasakit, nabubuo ang isang paaralang handa para sa kinabukasan.”Taos-pusong pasasalamat sa D...
02/06/2026

“Sa pagtutulungan at pagmamalasakit, nabubuo ang isang paaralang handa para sa kinabukasan.”

Taos-pusong pasasalamat sa D’Innotec Corp. sa kanilang ipinagkaloob na school supplies para sa ating mga mag-aaral sa Grade 1. Malaking tulong ito sa paghahanda para sa panibagong taon ng pag-aaral.

Maraming salamat din sa patuloy na pakikiisa at pagsusumikap ng ating mga SPES beneficiaries at mga magulang sa isinagawang painting at clean-up drive. Ang inyong oras, lakas, at dedikasyon ay patunay ng tunay na bayanihan para sa kapakanan ng ating paaralan at mga mag-aaral.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagkakaisa para sa isang ligtas, malinis, at handang paaralan. 💙💛

Address

Pinulot
Dinalupihan
2110

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Pinulot Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Pinulot Elementary School:

Shortcuts

Share

Category