Sentrong Paaralan ng mga Agta - SPA Casiguran

Sentrong Paaralan ng mga Agta - SPA Casiguran Welcome to the official page of SPA Casiguran.Your support helps us grow and better serve our school and community.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga nagbigay ng kapote at payong para sa aming mga mag-aaral ng Sentrong Paaralan ng m...
24/08/2025

Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga nagbigay ng kapote at payong para sa aming mga mag-aaral ng Sentrong Paaralan ng mga Agta (SPA Caiguran). Lalo ngayong panahon ng tag-ulan, napakalaking tulong po nito upang masig**o na ligtas, tuyo, at komportable ang kanilang paglalakbay patungo sa paaralan. Sa inyong malasakit, naipapakita ninyo na hindi hadlang ang ulan sa patuloy na pag-abot ng aming mga mag-aaral sa kanilang mga pangarap. Ang inyong kabutihang-loob ay isang inspirasyon at tunay na biyayang mananatili sa kanilang puso. 🌧️💙🙏

🌿✨ Pamana ng Kultura, Gabay para sa Kinabukasan ✨🌿Sa ginanap na 2025 International Day of the World’s Indigenous Peoples...
18/08/2025

🌿✨ Pamana ng Kultura, Gabay para sa Kinabukasan ✨🌿

Sa ginanap na 2025 International Day of the World’s Indigenous Peoples sa Sentrong Paaralan ng mga Agta (SPA – Casiguran), naging tampok ang makabuluhang pagpapakita ng ating mga Agta elders ng kahalagahan ng kultura, tradisyon, at pamumuhay ng ating mga katutubo.

Sa pamamagitan ng kanilang mga awit, at sayaw, ipinasa nila sa mga kabataan ang mga aral at kaugalian na hindi lamang nagpapayaman ng ating pagkakakilanlan kundi nagsisilbing gabay din sa pagharap sa hinaharap. Ang mga sandaling ito ay paalala na ang tunay na yaman ay nasa ating mga pinagmulan at ang ating mga kabataan ang siyang magpapatuloy nito.

Ang pagkakaisa ng mga nakatatanda at mga kabataan sa iisang selebrasyon ay larawan ng matibay na ugnayan at pagpupugay sa ating kultura. ✨

💚 Mula sa ating mga ninuno, patungo sa ating kabataan—mabuhay ang kulturang Agta! 💚

🌏✨ Pagpupugay sa Katutubo, Pagpapahalaga sa Kultura at Pagkakakilanlan ✨🌏Ang Sentrong Paaralan ng mga Agta (SPA – Casigu...
18/08/2025

🌏✨ Pagpupugay sa Katutubo, Pagpapahalaga sa Kultura at Pagkakakilanlan ✨🌏

Ang Sentrong Paaralan ng mga Agta (SPA – Casiguran) ay buong puso at kagalakan na ipinagdiwang ang 2025 International Day of the World’s Indigenous Peoples, isang makasaysayang araw na inilaan upang kilalanin, parangalan, at ipagdiwang ang mga karapatan, ambag, at mayamang pamana ng ating mga katutubong kapatid.

Sa okasyong ito, muling naipakita ang pagiging buháy ng kulturang Agta sa pamamagitan ng mga awitin, sayaw, at iba’t ibang pagtatanghal na nagsilbing salamin ng kanilang malalim na pagmamahal sa kalikasan, pamayanan, at tradisyon. Hindi lamang ito simpleng selebrasyon, kundi isang pagtitipon na nagpapatibay ng ugnayan ng mga g**o, mag-aaral, magulang, at buong komunidad upang ipakita ang kanilang pagkakaisa at pagmamalaki sa kanilang pinagmulan.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng magulang, mag-aaral, at mga panauhing nakibahagi at sumuporta sa makabuluhang pagdiriwang na ito. Sa inyong pakikiisa, higit na tumibay ang layunin ng paaralan na maging daluyan ng edukasyon at tagapangalaga ng kultura ng mga Agta.

💚✨ Mabuhay ang mga Katutubo! Mabuhay ang kulturang Pilipino! ✨💚

Pagpapahalaga sa Kultura at Lupang Ninuno: Isang Paglalakbay ng Pagkilala at PagmamalasakitSa SPA Main Campus, isinagawa...
31/07/2025

Pagpapahalaga sa Kultura at Lupang Ninuno: Isang Paglalakbay ng Pagkilala at Pagmamalasakit

Sa SPA Main Campus, isinagawa ng mga mag-aaral ang isang makabuluhang aktibidad kung saan kanilang inilapat ang sariling pag-unawa sa lupaing ninuno — ang lupang pinagmulan ng kanilang pagkatao, pagkakakilanlan, at kabuhayan. Lumitaw sa kanilang mga gawa ang mga salitang “Kayamanan, Kabuhayan, at Ari-arian,” na sumasalamin sa kahalagahan ng lupa hindi lamang bilang pag-aari kundi bilang buhay, kultura, at pamana ng kanilang lahi.

Sa SPA Satellite Campus naman, isinabuhay ng mga mag-aaral ang kultura ng Agta sa pamamagitan ng role play tungkol sa Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSP). Sa pamamagitan ng malikhaing pagtatanghal, ipinakita ng mga bata ang mga kaalamang katutubo — tulad ng panggagamot gamit ang halamang gamot, tradisyunal na pangingisda, at pagbabahagi ng kwentong bayan. Ang role play ay naging mabisang paraan upang ipasa ang kaalaman at pagpapahalaga sa kultura mula henerasyon sa henerasyon.

Sa kabuuan, ang mga gawaing ito ay bahagi ng layunin ng Sentrong Paaralan ng mga Agta (SPA) na itampok, itaguyod, at ipagmalaki ang mayamang kultura ng mga katutubong Agta.

Ipinagdiwang ng Sentrong Paaralan ng mga Agta ang Buwan ng Nutrisyon 2025 sa pamamagitan ng mga makabuluhang aktibidad n...
29/07/2025

Ipinagdiwang ng Sentrong Paaralan ng mga Agta ang Buwan ng Nutrisyon 2025 sa pamamagitan ng mga makabuluhang aktibidad na nagtampok sa masustansyang pagkain, lokal na ani, at kulturang Agta. 🌿🍠🍌
Isang araw ng pagbabahagi, pagkatuto, at pagkakaisa para sa kalusugan ng bawat batang Agta.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa—mga magulang, mag-aaral, at g**o. Sama-sama tayong kumikilos para sa mas malusog na kinabukasan! 🧒🏽👩🏽‍🏫👨🏽‍🌾





Happy Birthday, Rev. Fr. Joefran Talaban!On this special day, we thank the Lord for the gift of your life and vocation. ...
27/07/2025

Happy Birthday, Rev. Fr. Joefran Talaban!
On this special day, we thank the Lord for the gift of your life and vocation. Your faithfulness, wisdom, and compassionate leadership have touched so many lives, especially here at SPA Casiguran.

From all of us in the SPA community, we celebrate not only your birthday, but also your constant presence as our shepherd, mentor, and school administrator. Thank you for being the heart of our school-firm in faith, rich in compassion, and deeply committed to the Agta learners we serve.

May the Lord continue to bless you abundantly with strength, joy, and peace as you carry out your mission. We are truly grateful for your life and ministry.

Mabuhay po kayo, Father! 🎉🙏

26/07/2025

SPA CASIGURAN (SATELLITE CAMPUS)

Me a du a salamat po, Ms. Kristine Mae Sumalinab and Ms. Richel Daonlay of Assisi Development Foundation, for visiting S...
25/07/2025

Me a du a salamat po, Ms. Kristine Mae Sumalinab and Ms. Richel Daonlay of Assisi Development Foundation, for visiting SPA Casiguran. Napakalaking bagay po ng inyong presensya sa aming paaralan! 💖🙌

Address

Brgy. Cozo, Casiguran, Aurora
Dinalongan
3204

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sentrong Paaralan ng mga Agta - SPA Casiguran posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Sentrong Paaralan ng mga Agta - SPA Casiguran:

Shortcuts

Share