Sapalan Elementary School

Directions

Sapalan Elementary School This is the official FB page of Sapalan Elementary School

Ngayong Hunyo 12, ipinagdiriwang ng Sapalan Elementary School ang ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Sa makasaysayan...
12/06/2026

Ngayong Hunyo 12, ipinagdiriwang ng Sapalan Elementary School ang ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Sa makasaysayang araw na ito, sama-samang ginugunita ng mga mag-aaral, g**o, at buong pamayanan ng paaralan ang kabayanihan ng ating mga ninuno na nag-alay ng kanilang buhay para makamtan ang kalayaang tinatamasa natin ngayon. Ang pagdiriwang na ito ay paalala ng kahalagahan ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at pagpapanatili ng diwa ng kalayaan sa bawat Pilipino.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ito sa mga kabataan upang patuloy na maging mabubuting mamamayan, masisipag na mag-aaral, at may malasakit sa ating Inang Bayan.

SAPALAN ELEMENTARY SCHOOL | 1st PTA Meeting and General Orientation Mahal naming mga magulang at tagapag-alaga,Inaanyaya...
10/06/2026

SAPALAN ELEMENTARY SCHOOL | 1st PTA Meeting and General Orientation

Mahal naming mga magulang at tagapag-alaga,

Inaanyayahan po namin kayo na makiisa sa ating 1st PTA Meeting cm General Orientation for School Year 2026–2027 sa darating na Hunyo 11, 2026, ganap na 7:30 ng umaga.

Ang pagpupulong na ito ay mahalagang pagkakataon upang talakayin ang mga programa, patakaran, at mga layunin ng paaralan para sa bagong taong panuruan. Ang inyong presensya at pakikilahok ay mahalaga sa paghubog ng isang ligtas, maayos, at de-kalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral.

Sama-sama nating palakasin ang ugnayan ng tahanan at paaralan para sa tagumpay ng bawat bata.

📍 Sapalan Elementary School
🗓 June 11, 2026
🕢 7:30 AM

Matagumpay na naisagawa ng Sapalan Elementary School ang isang linggong Brigada Eskwela na may temang “BAYANIHAN SA PAAR...
07/06/2026

Matagumpay na naisagawa ng Sapalan Elementary School ang isang linggong Brigada Eskwela na may temang “BAYANIHAN SA PAARALAN:
NAGKAKAISA PARA SA KAAYUSAN AT KAALAMAN”

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang, mag-aaral, g**o, at mga boluntaryong nakibahagi at naglaan ng kanilang oras, lakas, at suporta upang maging matagumpay ang gawaing ito.

Lubos din po ang aming pasasalamat sa mga Opisyal ng Barangay Sapalan sa kanilang patuloy na suporta sa paaralan, sa pangunguna ng aming Punong Barangay, Hon. Fahanie E. Guiamelon.

Ang inyong pagtutulungan at malasakit ay patunay na sa pagkakaisa ng komunidad, mas lalo nating mapapaunlad ang edukasyon at makalilikha ng isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pakikiisa at suporta!

Assalamu Alaikum!Ang SAPALAN ELEMENTARY SCHOOL ay taos-pusong inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral, magulang, at mga stak...
30/05/2026

Assalamu Alaikum!

Ang SAPALAN ELEMENTARY SCHOOL ay taos-pusong inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral, magulang, at mga stakeholders na makiisa sa aming

BRIGADA ESKWELA 2026
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa Para sa Kaayusan at Kaalaman”

📅June 1–5, 2026

Halina’t sama-samang magtulungan upang ihanda ang ating paaralan para sa ligtas, malinis, at handang kapaligiran ng mga mag-aaral.

Hinihikayat po namin ang lahat na magdala ng mga gamit sa paglilinis tulad ng walis, basahan, brush, gloves, at iba pang kagamitang makatutulong sa paglilinis ng paaralan.

Sa pagkakaisa at bayanihan, mas magiging maayos at handa ang ating paaralan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat bata.



28/03/2026

SAPALAN ES
Grade-6 Batch Song

SAPALAN ELEMENTARY SCHOOL13th Moving-Up CeremonyMarch 28, 2026
28/03/2026

SAPALAN ELEMENTARY SCHOOL
13th Moving-Up Ceremony
March 28, 2026

SAPALAN ELEMENTARY SCHOOL61st Graduation CeremonyMarch 28, 2026 | Part II
28/03/2026

SAPALAN ELEMENTARY SCHOOL
61st Graduation Ceremony
March 28, 2026 | Part II

SAPALAN ELEMENTARY SCHOOL61st Graduation CeremonyMarch 28, 2026 | Part I
28/03/2026

SAPALAN ELEMENTARY SCHOOL
61st Graduation Ceremony
March 28, 2026 | Part I

Address

Brgy. Datu Mustapha Balabaran Ala DOS. MAG
Dinaig
9601

Opening Hours

Monday 7am - 4am
Tuesday 7am - 4am
Wednesday 7am - 4am
Thursday 7am - 4am
Friday 7am - 4am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sapalan Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category