11/09/2023
MONICO ATIENZA LECTURE SERIES: Pambansang Lektura sa Pananaliksik at Pagsulat Tungkol sa Batas Militar
PAANYAYA SA LEKTURA
Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral sa kolehiyo at g**o mula sa elementarya, hayskul at kolehiyo sa buong Pilipinas na lumahok sa libreng lektura via zoom sa Setyembre 19, 2023, 1-5 n.h. Layunin ng seminar na linangin ang kakayahan sa pananaliksik at pagsulat ng lokal na kasaysayan, at pagtibayin ang interes sa pagpaksa sa Batas Militar mula sa ibaโt ibang rehiyon sa bansa sa paraang kritikal at nakabatay sa datos.
Tatanggap ng sertipiko ng paglahok ang lahat ng aktibong lalahok sa lektura. Para sa mga interesadong lumahok, sagutan ang pre-registration link na ito: https://forms.gle/9DSxWb7T5qLRtvYe6
GAWAD MONICO ATIENZA PARA SA PINAKAMAHUSAY NA MALIKHAIN AT KRITIKAL NA SANAYSAY
PANAWAGAN NG KALAHOK SA TIMPALAK
Inaanyayahang lumahok ang lahat ng di-gradwado at gradwadong mag-aaral na may malikhain o kritikal na sanaysay na tumatalakay sa lokal na karanasan at kasaysayan ng Batas Militar sa rehiyon. Tatanggap ng lahok sa buong bansa mula sa Luzon, Visayas at Mindanao, lalo na mula sa pampublikong mga kolehiyo at unibersidad. Layunin ng timpalak na mabigyang-espasyo ang lokal na mga sulating nagsisilbing alternatibong tinig ng kasaysayan at mailathala ang mga ito sa FB page at/o dyornal ng DFPP, sa pagpayag ng mga awtor, nagwagi man o hindi ang mga lahok.
โข Ang lahok na sanaysay (malikhain man o kritikal) ay kailangang nakasulat sa wikang Filipino.
โข Kinakailangang 1,500-6,000 salita ang haba ng isusumiteng manuskrito, kompiyuterisado (12 font, Arial) sa isang short bond paper (8 ยฝ x 11 pulgada). Kung may listahan ng sanggunian, hindi ito kasama sa itinakdang bilang ng salita.
โข Hindi kinakailangang maglagay ng anumang pangalan o detalye ukol sa pagkakakilanlan sa mismong manuskrito.
โข Ipadala ang parehong word at pdf file ng lahok na sanaysay kasama ang maikling bionote na may lakip na larawan sa bukod na file bago o sa mismong 21 Setyembre 2023 hanggang 5:00 n.h. sa email na: [email protected]
Tatanggap ng premyong salapi at sertipiko ng pagkilala ang tatlong magwawaging sanaysay sa dalawang magkahiwalay na kategorya (di-gradwado at gradwado) na tatanggap ng unang gantimpala (5,000 piso), ikalawa gantimpala (3,000 piso) at ikatlong gantimpala (2,000 piso) na ipagkakaloob sa Setyembre 30, 2023.