20/09/2026
๐๐๐๐ฟ ๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐. Ang Panulat na Hindi Nagpasupil
Noong Setyembre 21, 1972, isang deklarasyon ang naging hudyat ng isa sa pinakamadilim na yugto sa kasaysayan ng Pilipinas โ ang Batas Militar. Sa panahong iyon, libo-libong Pilipino ang dumanas ng pagkakakulong, pagpapahirap, at karahasan. Ayon sa mga naitalang datos, mahigit 70,000 katao ang inaresto, 34,000 ang sumailalim sa tortyur, at 3,240 ang naging biktima ng extrajudicial killings. Sa likod ng mga numerong ito ay mga buhay, pamilya, at kuwentong hindi kailanman dapat kalimutan.
Ngunit bukod sa mga opisyal na naitala sa kasaysayan, marami rin ang piniling manahimik โ dahil sa takot, pangamba, at panganib. Sa panahong tila kailangang tiklupin ang katotohanan at ipikit ang mga mata sa nangyayari, may mga taong patuloy na nagsalita. Sila ang mga mamamahayag na piniling hawakan ang panulat kahit nanginginig ang kamay, at ipaglaban ang katotohanan kahit may kapalit na panganib.
Sa mga unang oras ng Batas Militar, humigit-kumulang 400 mamamahayag ang ikinulong. Maraming institusyon ng pamamahayag ang ipinasara: 7 istasyon ng telebisyon, 16 na pambansang pahayagan, 11 lingguhang pahayagan, 66 na community newspaper, at 292 istasyon ng radyo. Sa isang iglap, tila pinatahimik ang mga tinig na dapat sana'y nagsasalaysay para sa bayan.
Ngunit hindi naging sapat ang pagsasara ng mga pahayagan upang tuluyang patahimikin ang pamamahayag. Sa paglipas ng panahon, muling sumibol ang mga publikasyong naging boses ng mga Pilipino. Kabilang dito ang _WE Forum_ noong 1977 at ang _Pahayagang Malaya_ noong 1981. Sa kanilang mga pahina, muling nabigyan ng tinig ang mga mamamayang nakaranas ng pang-aapi at kawalang-katarungan. Sa bawat salitang nailimbag, tila muling nagbabalik ang liwanag sa panahong pilit tinatakpan ng dilim.
Sa paggunita sa ika-54 na taon ng deklarasyon ng Batas Militar, hindi lamang kasaysayan ang ating binabalikan kundi isang aral na dapat manatiling buhay. Ang kalayaan sa pamamahayag ay hindi dapat basta isantabi, sapagkat ang panulat ay maaaring maging saksi ng isang bayan. Maaaring ipasara ang isang pahayagan, patahimikin ang isang mikropono, o ikulong ang isang mamamahayag โ ngunit hangga't may taong handang magsulat at magsabi ng katotohanan, hindi kailanman tuluyang mamamatay ang tinig ng bayan.
๐๐ช๐ด๐ค๐ญ๐ข๐ช๐ฎ๐ฆ๐ณ: ๐๐๐๐ฟ ๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐ ๐ช๐ด ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ฐ๐ง๐ง๐ช๐ค๐ช๐ข๐ญ ๐ต๐ช๐ต๐ญ๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐๐ฉ๐ฆ ๐๐ต๐ข๐ณ๐จ๐ข๐ป๐ฆ๐ณโ๐ด ๐ด๐ฆ๐จ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ง๐ฐ๐ณ ๐ฐ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ค๐ฐ๐ญ๐ถ๐ฎ๐ฏ ๐ค๐ฐ๐ฏ๐ต๐ณ๐ช๐ฃ๐ถ๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ๐ด. ๐๐ฉ๐ฆ ๐ท๐ช๐ฆ๐ธ๐ด ๐ฆ๐น๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ด๐ด๐ฆ๐ฅ ๐ช๐ฏ ๐ต๐ฉ๐ช๐ด ๐ข๐ณ๐ต๐ช๐ค๐ญ๐ฆ ๐ข๐ณ๐ฆ ๐ด๐ฐ๐ญ๐ฆ๐ญ๐บ ๐ต๐ฉ๐ฐ๐ด๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ข๐ถ๐ต๐ฉ๐ฐ๐ณ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฅ๐ฐ ๐ฏ๐ฐ๐ต ๐ฏ๐ฆ๐ค๐ฆ๐ด๐ด๐ข๐ณ๐ช๐ญ๐บ ๐ณ๐ฆ๐ง๐ญ๐ฆ๐ค๐ต ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ด๐ฑ๐ฆ๐ค๐ต๐ช๐ท๐ฆ๐ด ๐ฐ๐ง ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ฑ๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฐ๐ณ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ด๐ค๐ฉ๐ฐ๐ฐ๐ญ.