Learning never stops! Our learners continue their tasks at home, showing dedication and love for learning.
Deped Tayo Colorado Elementary School
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Deped Tayo Colorado Elementary School, Elementary School, National Highway, Digos.
28/08/2025
KULMINASYON NG BUWAN NG WIKA 2025
Sinimulan ng makulay na parada ng mga mag-aaral at g**o na nakasuot ng Filipiñana, Barong, at iba’t ibang etnikong kasuotan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025. Nasundan ito ng isang programa na dinaluhan ni Kagalang-galang Punong Barangay Cherwin Empuerto at mga Kagawad na sina Edgar Quiño at Helen Anito.
Isa sa mga tampok na bahagi ng selebrasyon ang makulay na paligsahan ng Lakan at Lakambini, na nagbigay saya at inspirasyon sa lahat ng dumalo.
Ang lahat ng ito ay matagumpay na naisakatuparan sa mahusay na pamumuno ng School Filipino Coordinator, Gng. Mitzi Macario, katuwang sina Punong G**o Melacres Campomayor, mga g**o, mag-aaral, PTA officials, at mga magulang na buong pusong sumuporta para sa makabuluhang kulminasyon ng Buwan ng Wika ngayong taon. 🇵🇭✨
15/08/2025
Sa makulay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika, buong sigla at galak na nakiisa ang mga mag-aaral ng Baitang 3 at 4 sa mga isinagawang 'Laro ng Lahi' at 'Pagbabaybay Contest' ng mga mag-aaral ng Baitang 1 and 2 sa ilalim ng masinop at puspusang koordinasyon ni Gng. Mitzi V. Macario. Ang mga gawaing ito ay hindi lamang naging daan upang mahasa ang talino, disiplina, at kasanayan ng mga batang kalahok, kundi nagsilbi ring makabuluhang pagkakataon upang muling buhayin at pahalagahan ang mayamang kultura at wikang Filipino.
Sa bawat hakbang, sigaw, at palakpak sa mga tradisyunal na laro, at sa bawat titik na binigkas at inusal sa paligsahan ng pagbabaybay, dama ang lalim ng pagmamalaki sa pagka-Pilipino. Ang mga munting tinig ng mga mag-aaral ay naging makapangyarihang tinig ng kinabukasan - mga tinig na magpapatuloy sa paglinang, pagtataguyod, at pagpapayabong ng ating wikang Filipino at katutubong kultura. Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, tunay ngang naisasabuhay ng kabataan ang temang, "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa."
04/08/2025
Opisyal na binuksan ngayon, Agosto 4, 2025, ng Colorado Elementary School ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025, na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.” Ito ay bahagi ng pambansang selebrasyong taunang ginaganap tuwing Agosto sa Pilipinas bilang pagtaguyod sa wikang Filipino at mga katutubong wika.
Inumpisahan ang programa sa isang makulay na flag ceremony, kasunod ang pambansang awit at maikling talumpating pagbubukas ng punong-g**o na nagbigay-diin sa kahalagahan ng wika bilang simbolo ng kasaysayan, kultura, at pagkakaisa. Nagkaroon din ng pambungad na mensahe ang Filipino Coordinator na si Gng. Mitzi V. Macario na naglahad ng mga pangunahing aktibidad na nakalatag para sa buong buwan: pagbabaybay, paligsahan sa poster, rampa ng Kasuotang Pilipino, Pista sa Nayon, Laro ng Lahi at pagtatanghal ng tradisyonal na awitin at sayaw.
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang Buwan ng Wika ay idinaraos tuwing Agosto, mula Agosto 1 hanggang 31, bilang pagbibigay nang tuon hindi lamang sa Filipino kundi pati sa mga katutubong wika ng bansa.
01/08/2025
We extend our deepest gratitude and appreciation to Colorado Elementary School Batch 1986 for their generous donation of learning materials to our beloved learners. 📚✏️
Your kindness and unwavering support serve as a true inspiration to our school community. The resources you’ve provided will go a long way in nurturing the minds and hearts of our young learners. 💛
Thank you for remembering your roots and for choosing to give back where it all began. Your legacy continues to shine through every child you’ve helped today.
Padayon, Batch '86! Mabuhay kamo! 🙌✨
01/08/2025
With joy and enthusiasm, Colorado Elementary School successfully held its Nutrition Month Culmination last July 31, 2025, highlighting this year's theme: "Food and Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!"
The culmination day was a vibrant showcase of talent, creativity, and advocacy for health and wellness. Learners, teachers, and parents actively participated in various activities that promoted proper nutrition and healthy living, including:
✅ Cooking Contest
✅ Food Display
✅ Poster Making Contest
✅ Nutrition Month Costume
We are proud of the active participation and teamwork shown by all grade levels, making the event a success!
Together, let's continue to promote a healthier, stronger, and well-nourished Colorado ES community!
I got over 50 reactions on my posts last week! Thanks everyone for your support! 🎉
20/07/2025
🕺💃 Zumba Time!
Teachers and students grooved together last Friday at 3:30 PM for our Nutrition Month celebration, led by our active Health Coordinator, Ma’am Sarah G. Nequin. 💚✨ Let’s keep moving towards a healthier life!
16/07/2025
Turning pages, changing lives! 📖✨
Colorado Elementary School proudly implements Project BASA (Bawat Bata Bumabasa) - a reading advocacy program that aims to develop and strengthen the literacy skills of every learner.
Through engaging reading sessions, literacy games, and the support of passionate teachers and parents, Project BASA brings joy and confidence to our young readers. It is more than just reading; it’s about nurturing a lifelong love for learning and helping every child unlock their full potential.
Together, we believe that every child can read, and every child deserves the chance to succeed. ✨📖
15/07/2025
✨🍎 Kick-off sa Nutrition Month 2025!
With the theme: “Food and Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!”
🤝💚 Colorado Elementary School stands united in promoting health, nutrition, and food security for all learners and families. Together, let’s make nutrition a priority!
7/14/2025
16/06/2025
Colorado Elementary teachers and learners unite to welcome School Year 2025–2026 with hearts full of pride and readiness to learn.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Culinary Team
Attire
Contact the school
Telephone
Website
Address
National Highway
Digos
8002