24/09/2026
Maligayang Pagdating at Salamat❤️
Isang makabuluhang hapon ng pamamaalam at pagtanggap ang isinagawa ng pamilya ng San Antonio Integrated School noong Setyembre 18, 2026, bilang pagbibigay-pugay sa ating mga gurong magpapatuloy ng kanilang serbisyo sa Upper Gabriela Integrated School—Mrs. Janice P. Liwan, Teacher I, at Ms. Marissa N. Mahigab, Teacher I.
Maraming salamat sa inyong sipag, dedikasyon, at serbisyong iniukol sa SAIS. Bagong paaralan man ang inyong tatahakin, mananatili kayong bahagi ng aming pamilya.
Kasabay nito, buong puso namang tinanggap ng SAIS sina Ms. Maira Odessa N. Ignacio, School Counselor Associate I, Mrs. Ela Mae S. Mendoza, Teacher I, at Mrs. Christine N. Ortiz, Teacher I, mula sa Upper Gabriela Integrated School. 🤝
Bagong lugar, bagong tungkulin, bagong alaala—ngunit iisa ang puso sa paglilingkod.
Salamat, paalam, at maligayang pagdating!