18/09/2026
PTA MEETING ISINAGAWA, PNP DIFFUN DUMALO
SETYEMBRE 18— Nagsagawa ang Ammogaoen Elementary School ng Parent-Teacher Association (PTA) Meeting sa pangunguna ni Dr. Raquel A. Calingayan, Ulong G**o bilang bahagi ng patuloy na pakikipagtulungan ng paaralan at mga magulang para sa kapakanan at pag-unlad ng mga mag-aaral.
Dumalo rin sa naturang pagpupulong ang kinatawan ni PMAJ William D. Agpalza, Officer-in-Charge ng PNP Diffun, na nagbigay ng kaalaman tungkol sa School Safety and tolerance at mensahe hinggil sa kahalagahan ng pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at kapulisan sa pagpapanatili ng ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral.
Tinalakay din sa pagpupulong ang mahahalagang usapin at programa ng paaralan, gayundin ang mga panukala na naglalayong mapabuti ang kalagayan, seguridad, at kapakanan ng mga mag-aaral.
Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng mga magulang sa pagsubaybay sa pag-aaral at pag-uugali ng kanilang mga anak, pati na ang pakikipag-ugnayan sa mga g**o at pamunuan ng paaralan.
Samantala, nagpahayag ng suporta ang kinatawan ng PNP Diffun sa mga programa ng paaralan at hinikayat ang lahat ng stakeholder na patuloy na makiisa sa mga hakbang tungo sa isang ligtas at maayos na paaralan.
Naging bahagi rin ng pagpupulong ang pagpapalitan ng mga mungkahi at pananaw ng mga magulang at g**o upang higit na mapalakas ang ugnayan at kooperasyon ng komunidad ng paaralan.