29/06/2026
๐ฃ๐ก๐ฃ, ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ช๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐
Pinangunahan ng mga tauhan ng Delfin Albano Police Station sa pangunguna ni PCPT Joel B. Guban, OIC, ang Flag Raising Ceremony sa Delfin Albano Magsaysay Stand-Alone Senior High School (DAMSASHS) nitong ika-29 ng Hunyo 2026.
Kasama sa aktibidad ang mga mag-aaral, g**o, at kapulisan bilang pagpapakita ng paggalang sa watawat ng Pilipinas at pagpapatibay ng diwang makabayan.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Guban ang mga mag-aaral na habang nag-aaral ay โmagdasal, makinig, at sumunodโ bilang gabay sa kanilang pag-aaral at pang-araw-araw na pamumuhay.
Nagbigay rin siya ng paalala tungkol sa kahalagahan ng pagsusuot ng helmet para sa kaligtasan ng mga nagmomotorsiklo at hinikayat ang mga mag-aaral na huwag manahimik kung may nararanasang o nasasaksihang pambubully sa loob ng paaralan.
Samantala, nagsagawa rin ang mga tauhan ng Delfin Albano Police Station ng security assistance, police visibility, at traffic management operations upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, g**o, magulang, at iba pang kawani ng paaralan sa araw-araw na pagbubukas ng klase.
โ๏ธ: Renz Gian Vinoya
๐ผ๏ธ: Renz Real
๐ท: Kuha nila Jervin Figuracion, Generiza Gambalan at Khem Ramiso