Samahan ng Mag-aaral sa Filipino sa Del Gallego NHS

Samahan ng Mag-aaral sa Filipino sa Del Gallego NHS "Filipino", wika ng bayan ko.

Yumi, kisig, husay, at talino—ito ang mga katangiang ipinamalas ng mga manlalahok sa Mutya at Lakan bilang bahagi ng sel...
05/09/2025

Yumi, kisig, husay, at talino—ito ang mga katangiang ipinamalas ng mga manlalahok sa Mutya at Lakan bilang bahagi ng selebrasyon para sa Buwan ng Wika 2025 noong ika-27 ng Agosto.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ng lahat ng nakasaksi sa programa.

Lahat ay nagpalakpakan.
Marami ang hindi maiwasang humanga.
Ang mga ngiti sa labi ng mga manonood ay walang mapagsidlan.

Gayunpaman, dalawa sa kanila ang higit na umangat sa lahat, dahilan upang sila'y parangalan, putungan ng korona, at ihayag bilang Mutya at Lakan ng Wika 2025. Ang mga ito ay sina Owen Dominic V. Guerrero, ang lakan ng Ika-12 Baitang, at Shaina C. Suarilla, ang mutya mula sa Ika-11 Baitang.

Kapsyon | Marjorie R. Buates
Larawan | Rham Gabriel P. Mercado, DNHS SSLG P.I.O

Bilang highlight ng buong programa, binigyang-sigla ng mga Mutya at Lakan ang buong entablado gamit ang kanilang galing ...
30/08/2025

Bilang highlight ng buong programa, binigyang-sigla ng mga Mutya at Lakan ang buong entablado gamit ang kanilang galing sa pagrampa suot ang kanilang mga uniporme at kasuotang pangkatutubo, at pagsagot ng mga tanong na sumubok sa kanilang kasanayan sa paggamit ng Wikang Filipino.

Mutya ng Wika 2025: Shaina C. Suarilla

1st Runner-up: Ayumi Grace F. Flavier
2nd Runner-up: Marielle Sen R. Verceluz

Lakan ng Wika 2025: Owen Dominic V. Guerrero

1st Runner-up: John Jacob L. Collada
2nd Runner-up: Nathan Denzel B. Cueto

Mutyang may Pinakamagandang Kasuotang Uniporme: Ayumi Grace F. Flavier

Lakan na may Pinakamagandang Kasuotang Uniporme: Owen Dominic V. Guerrero

Mutyang Pinakamagaling sa Production Number: Ayumi Grace F. Flavier

Lakan na Pinakamagaling sa Production Number: John Jacob L. Collada

Mutyang may Pinakamagandang Ethnic Attire: Ayumi Grace F. Flavier

Lakan na may Pinakamagandang Ethnic Attire: John Jacob L. Collada

Kapsyon | Marjorie R. Buates
📸 | Rhian O. Pacumba, at Trisha Joy B. Sta. Mina

Sa ikalawang bahagi ng pagdiriwang ay tunay na naipamalas ang kagalingan, husay, at talento ng bawat kalahok sa entablad...
29/08/2025

Sa ikalawang bahagi ng pagdiriwang ay tunay na naipamalas ang kagalingan, husay, at talento ng bawat kalahok sa entablado! Ang mga patimpalak na nilahukan ng mga mag-aaral sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Del Gallego ay nagbigay ng kulay at buhay sa selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025!

Ipinahayag ng mga kabataan ng Ikapitong Baitang ang kanilang pagiging makata sa Pagbigkas ng Tula, kasabay ng pagpapatingkad nila sa kariktan ng salita at tunay na diwa ng Wikang Filipino.

Sa Balagtasan naman ay nagpakitang-gilas ang mga kabataan mula sa Ikawalong Baitang gamit ang kanilang matalas na isipan.

Sa patimpalak na Sabayang Pagbigkas ay nadama ang lakas ng tinig at pagkakaisa ng mga kabataan mula sa Ikasiyam na Baitang.

Sa Pagbigkas ng Talumpati, gamit ang husay, inilahad ng mga mag-aaral mula sa ika-10 Baitang ang kanilang tikas at paninindigan.

Sa hanay ng mga manlalahok sa Monologo mula Ika-11 Baitang ay naipamalas ang matinding emosyon na siya namang pumukaw sa damdamin ng mga manonood.

Ang mga kabataan naman mula sa Ika-12 Baitang ay ginamit ang kanilang madamdaming paraan ng pagpapahayag ng kanilang saloobin sa paligsahang Spoken Poetry.

Ang tinig at galing sa musika ng mga mag-aaral mula sa Ikapito hanggang Ika-12 Baitang ay lubhang naipamalas sa paligsahang Isahang pag-awit.

Sa bawat patimpalak na nabanggit, ganap nating nasukat, nahubog, at naipamalas ang pag-ibig sa ating wika at kultura. At sa tulong ng selebrasyon na ito nakakubli ang isang layunin: ang maging instrumento—instrumento upang magampanan ng bawat isang ang kanilang tungkulin bilang isang Pilipino gamit ang pagpapakita natin ng pagmamahal, pagpapahalaga, at pagmamalasakit sa sariling atin.

Kapsyon | Anikka Mae P. Cuizon
📸 | Rhian O. Pacumba, at Trisha Joy B. Sta. Mina

Sa ilalim ng temang: "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa," katuwang ang SaMag...
29/08/2025

Sa ilalim ng temang: "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa," katuwang ang SaMagFil at SaSekGuFil, matagumpay na idinaos ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Del Gallego ang Buwan ng Wika nitong ika-27 ng Agosto, 2025.

Sa unang bahagi ng pagdiriwang ay mahusay na naipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang talino at pagkamalikhain sa paggawa ng islogan, paggawa ng poster, quiz bee, paligsahan sa pagbabaybay, pagsulat ng piyesa para sa talumpati, at masining na pagbasa.

Kapsyon | Marjorie R. Buates
📸 | Rhian O. Pacumba, at Jemarlyn Mae D. Monida

02/09/2024
Husay, Talento, at Talino.Masiglang ipinagdiwang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Del Gallego ang Buwan ng Wikang Pam...
31/08/2024

Husay, Talento, at Talino.

Masiglang ipinagdiwang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Del Gallego ang Buwan ng Wikang Pambansa 2024 sa pamamagitan ng iba't ibang patimpalak na tinampukan ng mga mahuhusay na mag-aaral mula ika-pito hanggang ika-labingdalawang baitang.

Ipinakita ng mga mag-aaral mula ikapitong baitang ang kanilang pagkamakata sa Pagbigkas ng Tula.

Nagpahayag naman ng magagandang argumeto ang mga kinatawan mula ika-walong baitang sa kanilang pakikipagbalagtasan.

Sabay-sabay, sama-sama at kapit-bisig na inilahad ng bawat pangkat mula sa ika-siyam na baitang ang kanilang Madulang Sabayang Pagbigkas.

Matatalinong opinyon naman ang ibinahagi ng mga kalahok mula sa ika-sampong baitang sa Dagliang Talumpati.

Pinagtugma-tugma ang mga salita sa madamdaming mga piyesa sa Spoken Word Poetry at nagpamalas ng di matatawarang talento sa pag-arte sa Dulaang Pasalaysay ang mga mag-aaral mula Senior High School.

(Mga larawang kuha ni Bb. Jeanne Marie A. Francisco)



Ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Del Gallego ay nagdiwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2024 na may temang 'Filipino: ...
31/08/2024

Ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Del Gallego ay nagdiwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2024 na may temang 'Filipino: Wikang Mapagpalaya' noong ika-30 ng Agosto taong kasalukuyan.

Sa unang bahagi ng palatuntunan ay nagkaroon ng paligsahan sa paggawa ng poster, paggawa ng islogan, at pagsulat ng sanaysay. Ito ay nilahukan ng mga mag-aaral mula ika-7 hanggang ika-12 Baitang.
Ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang galing at pagkamalikhain sa mga paligsahang ito.

Kulminasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa 2024.Agosto 30, 2024Ikalawang BahagiMutya at Lakan ng Wika 2024Nagpakitang gilas...
31/08/2024

Kulminasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa 2024.
Agosto 30, 2024

Ikalawang Bahagi
Mutya at Lakan ng Wika 2024

Nagpakitang gilas ang mga kalahok mula ika-7 hanggang ika-12 baitang sa kanilang naggagandahang Kasuotang Uniporme, Kasuotang Malong, Kasuotang Filipiniana at Barong, Pamproduksyong Bilang, at sa Tanong-Sagot na bahagi.

Itinanghal sa Mutya at Lakan ng Wika ang mga sumusunod:

*Mutya ng Wika 2024
Jackelyn Magdalena

1st Runner-up- Maria Dhinalyn Rojo
2nd Runner-up- Yvette C. Llunar

*Lakan ng Wika 2024
Brent Gabriel N. Glory

1st Runner-up- Rham Gabriel P. Mercado
2nd Runner-up- John Ray Alonzo

Special Awards sa Lakan ng Wika:

*Pinakamagandang Kasuotang Malong- John Ray Alonzo

*Pinakamagandang Kasuotang Uniporme ng Paaralan- John Ray Alonzo

*Pinakamagandang Kasuotang Barong- John Ray Alonzo

*Pinakamagaling sa Pamproduksyong Bilang-John Ray Alonzo

Special Awards sa Mutya ng Wika:

*Pinakamagandang Kasuotang Malong- Yvette C. Llunar

* Pinakamagandang Kasuotang- Uniporme ng Paaralan- Samantha Kate Dynniz G. Felices

* Pinakamagandang Kasuotang Filipiniana- Yvette C. Llunar

*Pinakamagaling sa Pamproduksyong Bilang- Jackelyn Magdalena

Address

Del
Del Gallego

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahan ng Mag-aaral sa Filipino sa Del Gallego NHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share