05/09/2026
๐๐๐๐๐๐ ll ๐๐๐๐, ๐ข๐ค๐๐ฐ ๐ฉ๐ ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐ฒ๐๐ ?
ni Marc Nelson Saraza
May mga relasyong hindi naman nasisira sa isang malaking away. Minsan, nauubos lamang sa maliliit na bagay. Sa mga desisyong hindi napag-uusapan. Sa mga tanong na hindi nasasagot. Sa mga pagkakataong ang isang panig ay patuloy na nagsasalita, habang ang isa namaโy tila nakalimutang makinig.
Siguro ganoon din ang pakiramdam ng ilan sa amin ngayon.
Hindi naman galit. Hindi naman tuluyang nawalan ng pagmamahal.
Nagtatanong lamang.
๐๐๐๐, ๐ข๐ค๐๐ฐ ๐ฉ๐ ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐ฅ๐ข๐ฒ๐๐ ?
Ang pagtatapos ay dapat isa sa pinakamagandang seremonya sa buhay ng isang estudyante. Ito ang gantimpala sa ilang taon ng pag-aaral, pagpupuyat, pagsusulit, thesis, org work, trabaho, at sakripisyo. Ito ang araw na hinihintay hindi lamang ng estudyante kundi pati ng mga magulang na kasama sa bawat hakbang patungo sa diploma.
Kaya mahirap maunawaan kung bakit kailangang ilayo nang halos tatlong buwan ang seremonya ng pagtatapos mula sa mismong petsang inaasahan ng graduating students.
Maaaring may mga dahilan.
Maaaring may mga konsiderasyong administratibo.
Maaaring may mga problemang hindi nakikita ng karaniwang estudyante.
Ngunit hindi ba't iyon mismo ang dahilan kung bakit mahalaga ang komunikasyon?
Hindi naman hinihingi ng mga estudyante na sila ang magpatakbo ng unibersidad. Hindi rin naman kailangang lahat ng gusto nila ay masunod. Ang hinihingi lamang ay ang maramdamang kasama sila sa mga desisyong direktang nakaaapekto sa kanilang pagtatapos.
Dahil hindi maliit na bagay ang tatlong buwan.
Tatlong buwan para sa isang graduating student ay maaaring paghahanap ng trabaho. Paghahanda para sa board examination. Paglipat ng tirahan. Pagpaplano ng pamilya. Pag-aasikaso ng dokumento. Pagbibiyahe. Pag-aadjust sa panibagong yugto ng buhay.
At higit sa lahat, tatlong buwan itong paghihintay para sa isang seremonyang matagal nang pinaghahandaan.
Pagkatapos, nang tila hindi pa sapat ang usapin ng petsa, napunta naman ang atensyon sa kung ano ang dapat isuot ng graduating studentsโpati na ang kanilang sapatos.
Dito nagiging interesante ang konsepto ng โgraduation.โ
Kailan ba nagiging dignidad ang dress code, at kailan ito nagiging unnecessary control?
Mayroon bang problema kung ang sapatos ng isang estudyante ay hindi pasok sa isang partikular na pamantayan, kung maayos naman itong tingnan at hindi naman nakaaapekto sa mismong seremonya?
Maaari nating pagtalunan ang aesthetics. Maaari nating pag-usapan ang professionalism. Ngunit sana, hindi natin makalimutang ang graduation ay seremonya ng ๐๐๐ก๐ข๐๐ฏ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ, hindi fashion inspection.
Ang diploma ay hindi nakakabit sa sapatos.
Ang akademikong kakayahan ay hindi nasusukat sa kulay ng suot sa paa.
At ang dignidad ng isang graduate ay hindi nakasalalay sa kung gaano ka-standardized ang kaniyang kasuotan.
May mga pagkakataong ang institusyon ay kailangang magtakda ng panuntunan. Ngunit may mga pagkakataon din kung kailan kailangang itanong: Kailangan ba talaga ito?
Sapagkat kung ang layunin ay dignidad, sana'y hindi mawala ang isang bagay na mas mahalaga kaysa uniformityโang pagkilala sa indibidwalidad.
At habang pinag-uusapan ang mga bagay na dapat at hindi dapat gawin ng graduating students, tila may nakakalimutang itanong:
๐๐ง๐จ ๐ง๐๐ฆ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐ ๐ซ๐๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐๐ง๐ญ๐ฌ?
Dito pumapasok ang isa pang usapinโang tribute para sa mga magulang.
Ang tribute sa mga magulang ay hindi simpleng bahagi ng programa na maaaring ipagsama kung kinakailangan. Ito ay simbolikong pagkilala sa mga taong kasama ng estudyante sa likod ng tagumpay na ipinagdiriwang sa entablado.
Kaya nang ito ay i-unify sa Valedictory Address, hindi maiiwasang itanong kung bakit kailangang magsanib ang dalawang sandaling may magkaibang kahulugan.
Ang Valedictory Address ay tinig ng akademikong tagumpay.
Ang tribute sa mga magulang ay tinig ng pasasalamat.
Pareho silang mahalaga. Ngunit hindi ibig sabihin na dahil pareho silang mahalaga ay maaari na silang basta pagsamahin.
Minsan, ang isang sandali ay nangangailangan ng sarili nitong ๐๐ฌ๐ฉ๐๐ฌ๐ฒ๐จ.
At kung tutuusin, iyon naman ang gusto ng graduating students: espasyo.
Espasyong marinig.
Espasyong makapili.
Espasyong makilahok.
Espasyong maging bahagi ng desisyon tungkol sa seremonyang ipinagdiriwang ang kanilang sariling pagtatapos.
Kaya hindi rin nakapagtataka kung naging usapin ang graduation song.
Sa una, walang graduation song.
Ngayon, mayroon na.
Maganda sana.
Ngunit may isang maliit na tanong:
๐๐ข๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฅ๐ข?
Kung ang awit ay magsisilbing soundtrack ng pagtatapos ng isang batch, bakit hindi man lamang dumaan sa konsultasyon ng mismong batch?
Hindi naman kailangan ng malawakang plebisito. Hindi naman kailangang maging komplikado.
Isang survey lamang.
Ilang pagpipilian.
Isang simpleng tanong:
Ano ang gusto ninyong kantahin sa huling yugto ng inyong pagiging estudyante?
Napakasimple.
Ngunit minsan, ang pagiging simple ng isang konsultasyon ang siyang nagpapatunay na mahalaga ang boses ng mga taong kasangkot.
Dahil dito nagiging mas malaki ang usapin kaysa sa graduation song.
Hindi ito tungkol sa kung maganda ba ang kanta.
Hindi ito tungkol sa kung tama ba ang napiling awit.
๐๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฅ ๐ข๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ ๐๐ง๐๐ฒ.
Tungkol ito sa tanong kung ang graduating students ba ay participants sa kanilang sariling graduation o audience lamang ng isang seremonyang ginawa para sa kanila.
At marahil, dito dapat pag-isipan ng USeP ang sarili nitong relasyon sa estudyante.
Sapagkat ang isang unibersidad ay hindi lamang institusyong gumagawa ng mga patakaran. Ito rin ay isang komunidad.
At sa isang komunidad, ang pakikinig ay hindi pabor.
Responsibilidad ito.
Hindi naman kailangang palaging sumang-ayon ang administrasyon sa mga estudyante. Hindi naman kailangang lahat ng suhestiyon ay tanggapin.
Pero sana, may konsultasyon.
May paliwanag.
May transparency.
May pakiramdam na ang estudyante ay hindi lamang numero sa enrollment system, pangalan sa graduation list, o katawan na kailangang sumunod sa dress code.
Sapagkat kung tutuusin, sino ba ang dapat sentro ng graduation?
Hindi ang programa.
Hindi ang entablado.
Hindi ang seremonya.
๐๐ง๐ ๐๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐๐ง๐ญ๐.
Ang estudyanteng ilang taon nang nagbayad ng tuition, nagtrabaho para makapag-aral, naghabol ng requirements, bumagsak at bumangon, nakipagsabayan sa deadline, at patuloy na pumasok kahit pagod na.
Ang estudyanteng ang graduation ay hindi lamang isang event kundi simbolo ng kaniyang paglalakbay.
At marahil, ito ang nakalulungkot sa kasalukuyang usapin.
Hindi naman namin hinihingi ang isang graduation na perpekto.
Ang hinihingi namin ay graduation na ๐๐ญ๐ข๐ง.
Ang isang seremonyang hindi lamang dinisenyo para sa amin, kundi kasama kami sa pagdidisenyo.
Dahil may malaking pagkakaiba ang โginawa para sa estudyanteโ at โginawa kasama ang estudyante.โ
At bilang isang pamantasang nagtuturo sa amin ng kritikal na pag-iisip, pakikilahok, pananagutan, at pagpapahalaga sa tinig ng bawat isa, marahil ay nararapat lamang na makita rin namin ang mga halagang iyon sa mismong institusyong nagtuturo sa amin.
Hindi ito panawagan para sa kaguluhan.
Hindi ito pagtanggi sa awtoridad.
Ito ay isang paalala.
Na ang mga estudyante ay hindi lamang dapat marunong makinig.
Dapat din silang pakinggan.
At marahil, kaya masakit ang lahat ng ito ay dahil mahal namin ang USeP.
Madaling punahin ang isang institusyong wala ka nang pakialam.
Ngunit kapag ang isang pamantasan ay minsang naging tahanan mo, natural lamang na umasa kang aalagaan ka rin nito.
Kaya sa bawat desisyong tila lumalayo sa boses ng mga estudyante, may kaunting bahagi ng relasyong iyon ang nagtatanong kung nasaan na ang dating pag-unawa.
Hindi naman kami humihingi ng espesyal na trato.
Gusto lamang naming maramdaman na sa araw ng aming pagtatapos, kami naman ang pakinggan.
Pagkatapos ng lahat, kami ang magmamartsa.
Kami ang tatawagin sa entablado.
Kami ang hahawak sa diploma.
Kami ang makikitang nakangiti kasama ang aming mga magulang.
At kami rin ang aalis sa USeP dala ang mga alaala ng mga taong naging bahagi ng aming buhay.
Kaya sana, bago kami tuluyang lumakad palabas ng pamantasang ito, maalala rin ng USeP kung ano ang ibig sabihin ng maging isang liyag.
Ang isang liyag ay hindi lamang minamahal.
๐๐ข๐ง๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐ง๐ ๐ ๐๐ง ๐๐ข๐ง.
At kung ang pagtatapos ay dapat maging huling alaala namin bilang mga estudyante ng USeP, sana ay hindi namin maalala ang tatlong buwang paghihintay, ang sapatos na ipinagbawal, ang tribute na isiniksik, o ang awiting hindi naman namin pinili.
Sana, ang maalala namin ay isang pamantasang kahit sa huling pagkakataon ay piniling makinig.
Dahil ang pag-ibig sa isang institusyon ay hindi nasusukat sa kung gaano karaming beses natin itong ipinagtanggol.
Nasusukat din ito sa kung gaano tayo katapang na tanungin ito kapag sa tingin natin ay may mali.
At kaya, bilang mga estudyanteng minsang nangarap, natuto, nabigo, nagtagumpay, at ngayo'y unti-unting aalis sa mga pasilyo ng USeP, isang tanong lamang ang nais naming iwan:
๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐ฌ ๐ฅ๐ ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐ฎ๐๐?