Dungaw

Dungaw

Share

Opisyal na Pahayagan ng Magtuod National High School
โ€œ๐•ฟ๐–Ž๐–“๐–Ž๐–Œ ๐–“๐–Œ ๐•ถ๐–†๐–‡๐–†๐–™๐–†๐–†๐–“, ๐•ญ๐–”๐–˜๐–Š๐–˜ ๐–“๐–Œ ๐•ธ๐–†๐–Œ๐–™๐–š๐–”๐–‰!โ€

Photos from Dungaw's post 06/08/2026

๐“๐ฎ๐ซ๐ง๐จ๐ฏ๐ž๐ซ ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ง๐จ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐จ๐ ๐๐‡๐’, ๐๐ข๐ง๐š๐ ๐ญ๐ข๐›๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐

Pormal na naipasa ang pamumuno ng Magtuod National High School mula kay Dr. Rudilyn Garcesa patungo kay Dr. Dahlia G. Maglasang, dating school head ng Cabantian National High School sa isang turnover ceremony na ginanap noong Agosto 6 sa Computer Laboratory ng paaralan. Dinaluhan ito ng mga punong g**o, g**o mula sa Cluster 3 at Cluster 14, at mga Public Schools District Supervisor (PSDS) na sina Dr. Roberto R. Binag at Engr. Armondo Morales.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng Nationalistic Song at pambungad na panalangin na pinangunahan ni G. Randy Rhys Garcia. Sinundan ito ng pambungad na mensahe ni Bb. Nancy N. Namuag bilang hudyat ng pormal na pagsisimula ng programa.

Bago pormal na isinagawa ang installation ni Dr. Maglasang bilang bagong school head ng Magtuod NHS, nagbigay muna ng mensahe si Cluster 3 PSDS Dr. Roberto R. Binag bilang pagkilala sa naging paglilingkod ni Dr. Garcesa.

"Despite the scarcity of the school, she was able to provide quality education for the school. So, that's love," ani Dr. Binag.

Ayon kay Dr. Binag, sa kabila ng kakulangan sa mga pasilidad at iba pang pangangailangan ng paaralan, naitaguyod ni Dr. Garcesa ang dekalidad na edukasyon dahil sa kaniyang taos-pusong pagmamahal at dedikasyon sa paglilingkod.

Binigyang-diin niya rin na ang isinagawang turnover ceremony ay patunay ng pagmamahalan at pagkakaisa ng Magtuod National High School at Cabantian National High School. Pinasalamatan din niya ang dalawang paaralan, lalo na ang Cabantian NHS, sa pagiging bukas-palad sa pagbabahagi kay Dr. Dahlia G. Maglasang upang ipagpatuloy ang paglilingkod nito sa Magtuod NHS, na aniya ay isang pagpapakita ng tunay na pagmamahal sa serbisyo at sa edukasyon.

Bagama't maikli lamang ang panahong inilagi ni Dr. Garcesa sa Magtuod NHS, nakapag-iwan siya ng mahahalagang pagbabago na nagbigay ng positibong epekto sa paaralan.

Sa kaniyang mensahe, nagpahayag si Dr. Garcesa ng taos-pusong pasasalamat sa mga g**o, mag-aaral, at iba pang katuwang ng Magtuod NHS sa suporta at pagtitiwalang ibinigay sa kaniya sa panahon ng kaniyang panunungkulan.

Kasunod nito, ipinakilala ni Bb. Sharil B. Pacultad, Master Teacher II ng Cabantian National High School, si Dr. Dahlia G. Maglasang sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaniyang mga karanasan at natatanging pamumuno bilang dating school head ng Cabantian NHS.

Sa kaniyang acceptance speech, nagpasalamat si Dr. Maglasang sa Cabantian National High School at nangakong pamumunuan ang Magtuod NHS may integridad, malinaw na layunin, malasakit, kahandaang makinig, at pagmamahal sa paglilingkod.

Nagbigay rin ng mensahe si Engr. Armondo Morales, PSDS ng Cluster 14, kung saan ipinahayag niya ang kaniyang pasasalamat kay Gng. Maglasang sa naging pamumuno nito sa Cabantian NHS at ang kaniyang buong suporta sa panibagong yugto ng paglilingkod nito sa Magtuod NHS.

Nagpahayag din ng kanilang pasasalamat sina Punong Barangay Hon. Jaime T. Gorre, SGC Co-Chairperson Hon. Eric T. Gorre, at PTA President Ricardo Dael kay Dr. Rudilyn Garcesa. Sa kanilang mensahe, pinasalamatan nila ang kaniyang kabutihan, dedikasyon, at mga naging ambag sa Magtuod NHS, na anila'y hindi nila malilimutan. Ipinahayag din nila ang kanilang buong suporta kay Dr. Dahlia G. Maglasang at tiniyak na handa silang makipagtulungan at umalalay sa kaniya sa anumang pangangailangan para sa patuloy na pag-unlad ng paaralan.

Nagtapos ang programa sa panapos na mensahe ni Bb. Ivy S. Calibay at panalangin na pinangunahan ni Gng. Jubelyn Lictawa.

Photos from Dungaw's post 29/07/2026

Nangibabaw ang Catalunan Pequeรฑo, Mabini, at Davao City Special NHS sa District Table Tennis Tournament

LUNGSOD NG DAVAO, Hulyo 25, 2026 โ€” Ipinamalas ng mga manlalaro mula sa anim na pampublikong sekundaryang paaralan ang kanilang husay, disiplina, at determinasyon sa ginanap na District Table Tennis Tournament sa Jesus J. Soriano National High School noong Hulyo 25.

Namayagpag ang Catalunan Pequeรฑo National High School sa Boys' Singles A matapos manaig sa upper bracket at umabante sa kampeonato. Samantala, matagumpay na nilampasan ng MAA National High School ang lower bracket upang makaharap muli ang Catalunan Pequeรฑo sa championship. Gayunman, nabigo ang MAA National High School na maipanalo ang kinakailangang dalawang laban laban sa upper bracket finalist, dahilan upang tanghaling kampeon ang Catalunan Pequeรฑo National High School.

Sa Boys' Singles B, nasungkit ng MAA National High School ang kampeonato matapos talunin ang Davao City Special National High School sa championship match. Hindi naman nakapagpalaro ng kinatawan ang Catalunan Pequeรฑo National High School, Mabini National High School, at Magtuod National High School sa naturang kategorya.

Samantala, itinanghal na kampeon ang Davao City Special National High School sa Boys' Doubles matapos magwagi laban sa Catalunan Pequeรฑo National High School sa kampeonato. Mula sa lower bracket ay matagumpay nitong nalampasan ang upper bracket finalist upang masungkit ang kampeonato.

Sa dibisyon ng kababaihan, nasungkit ng Catalunan Pequeรฑo National High School ang titulo sa Girls' Singles A matapos talunin ang Davao City Special National High School sa championship. Nagtapos bilang first runner-up ang Davao City Special National High School, habang pumangalawa at pumangatlo naman ang MAA National High School at Jesus J. Soriano National High School.

Nanguna rin ang Mabini National High School sa Girls' Singles B matapos manaig laban sa Jesus J. Soriano National High School sa laban para sa kampeonato. Sinundan ito ng Magtuod National High School bilang second runner-up, habang nagtapos naman ang Davao City Special National High School at MAA National High School sa mga sumunod na puwesto.

Sa Girls' Doubles, muling nagkampeon ang Mabini National High School matapos talunin ang Jesus J. Soriano National High School sa isang mahigpit na laban na umabot sa ikalimang set. Nagtapos bilang second runner-up ang Davao City Special National High School, samantalang pumangatlo ang MAA National High School.

Naging tampok sa buong torneo ang matinding kompetisyon at magandang pagpapakita ng husay at sportsmanship ng mga kalahok mula sa Catalunan Pequeรฑo National High School, Davao City Special National High School, MAA National High School, Mabini National High School, Jesus J. Soriano National High School, at Magtuod National High School.

Sa pagtatapos ng paligsahan, kinilala ang mga kampeon at iba pang natatanging koponan bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at pagsisikap, habang patuloy na isinusulong ng torneo ang disiplina, pagkakaisa, at kahusayan sa larangan ng table tennis.

Photos from Dungaw's post 16/07/2026

๐‡๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐ฉ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ข: ๐๐š๐ค๐ข๐ -๐€๐ฆ๐›๐ข๐ญ 2026, ๐’๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐ข๐ง ๐ง๐  ๐Š๐š๐ก๐ฎ๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐จ๐ ๐๐‡๐’

Hindi nasusukat ang isang paaralan sa kapal ng mga dokumentong nakasalansan sa opisina o sa dami ng mga ulat na naisasagawa. Higit itong nasasalamin sa bawat g**ong nagtuturo nang may puso, sa bawat mag-aaral na patuloy na nangangarap, at sa bawat taong nagsisilbi nang may layunin.

Ito ang naging larawan ng Pakig-Ambit 2026 (Access, Monitor, Build-up, Implement, Tasking) sa Magtuod National High School, kung saan ang isang araw ng monitoring ay naging pagkakataon upang higit pang mapagtibay ang kultura ng kahusayan, pananagutan, at sama-samang paglilingkod.

Maaga pa lamang ay dama na ang paghahanda ng buong paaralan. Unang dumating si G. Norman R. Galabo, Punong-g**o ng Sirib National High School. Mainit siyang sinalubong ni Dr. Rudilyn Garcesa, Punong-g**o ng Magtuod National High School, kasama nina Bb. Comania at G. Edgar Gerard Dimangadap, na naggawad ng welcome garland bilang sagisag ng paggalang at bukas-palad na pagtanggap. Mula sa simpleng seremonyang iyon ay agad na nasilayan ang kulturang pinagyayaman ng paaralan, kung saan ang bawat panauhin ay tinatanggap hindi lamang bilang bisita kundi bilang katuwang sa pagpapaunlad ng edukasyon.

Kasunod namang dumating si G. Roberto R. Binag, Cluster 3 Public Schools District Supervisor, kasama si G. Federico Supera Jr. Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan niya ang mga mag-aaral na manatiling matatag sa kanilang pag-aaral sapagkat ang edukasyon ang susi sa mas magandang kinabukasan. Ang kanyang mga salita ay nagsilbing paalala na ang tagumpay ay hindi lamang nakasalalay sa talino kundi sa tiyaga at pagpupursige.

Pormal na nagsimula ang monitoring sa pagdating nina G. Rolando R. Capul, MA.JD, Public Schools District Supervisor, at G. Jun Mark E. Amban. Mula noon ay naging masinsinan ang bawat hakbang ng ebalwasyon, mula sa pagsusuri ng mga dokumento hanggang sa aktuwal na pagmamasid sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan.

Sa gitna ng katahimikan ng mga klasrum ay nasilayan ang tunay na diwa ng pagtuturo. Isinagawa ni Bb. Melale G. Cabilogan, g**o sa Science, ang isang masiglang class demonstration na sinaksihan nina Dr. Garcesa, G. Capul, at G. Galabo. Kasabay nito, ipinamalas din ni Bb. Maricel Manalili, g**o sa TLE, ang kanyang kahusayan sa pagtuturo sa harap ni G. Jun Mark E. Amban kasama si Bb. Nancy N. Namuag.

Hindi natapos sa apat na sulok ng silid-aralan ang pagtataya. Masusing sinuri ng mga evaluator ang mga opisyal na dokumento at kalaunan ay inikot nina G. Capul at Dr. Garcesa, sa tulong ni Bb. Marjorie Pareja, ang iba't ibang pasilidad ng paaralan upang tiyaking ang bawat programa at kagamitan ay naaayon sa pamantayan ng kalidad.

Sa panandaliang paghinto ng gawain, nagsalo sa tanghalian ang mga bisita, g**o, at documentation team. Higit pa sa isang simpleng salu-salo, naging pagkakataon ito upang palalimin ang ugnayan ng mga taong iisa ang layunin, ang patuloy na pag-angat ng kalidad ng edukasyon.

Pagsapit ng hapon ay ipinagpatuloy ni G. Arfred R. Orillosa, SHS General Science Teacher, ang serye ng class demonstrations. Pinangunahan nina Bb. Nancy N. Namuag, Master Teacher I, G. Capul, G. Amban, at G. Galabo ang pagmamasid sa kanyang pagtuturo, na muling nagpatunay sa dedikasyon ng mga g**ong handang patuloy na hasain ang kanilang propesyon.

Binigyang-pugay rin ang mga g**ong nagpakita ng kahusayan. Kinilala si Bb. Shaina Marie Gonzalgo para sa kanyang natatanging lesson plan, habang pinarangalan sina G. Arfred R. Orillosa, Bb. Melale G. Cabilogan, at Gng. Maricel Manalili para sa kanilang matagumpay na class demonstrations. Kinilala rin si Bb. Nancy N. Namuag bilang isa sa mga evaluator ng Pakig-Ambit ngayong taon.

Subalit, higit pa sa mga sertipikong ipinagkaloob at mga gawaing naisakatuparan, ang pinakatumatak sa buong araw ay ang mga salitang iniwan ni G. Rolando R. Capul. Sa pagtatapos ng pagmomonitor, ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa Magtuod National High School at nagbahagi ng mga positibong komento bilang pagkilala sa sama-samang pagsisikap ng mga g**o, kawani, at buong komunidad ng paaralan. Ang kanyang mensahe ay nagsilbing inspirasyon at paalala na ang tunay na kahusayan ay bunga ng pagkakaisa, dedikasyon, at tapat na paglilingkod.

Hindi madaling makamit ang gayong pagkilala. Ito ay bunga ng hindi nakikitang oras ng paghahanda, maingat na pagpaplano, at sama-samang pagsisikap ng bawat miyembro ng komunidad ng paaralan.
Sa huli, ipinakita ng Pakig-Ambit 2026 na ang monitoring ay hindi lamang tungkol sa pagtukoy ng mga kakulangan. Isa rin itong pagkilala sa mga tagumpay, paghubog ng mga kakayahan, at pagpapatibay ng kulturang nakasandig sa patuloy na pagkatuto at pagbabago.

Sapagkat sa isang paaralang sama-samang kumikilos, ang bawat obserbasyon ay nagiging pagkakataon, ang bawat puna ay nagiging inspirasyon, at ang bawat pagkilala ay nagsisilbing paalala na ang tunay na kahusayan ay bunga ng pagkakaisa ng buong komunidad.

At sa Magtuod National High School, ang kahusayang iyon ay hindi lamang nakita. Ito ay naranasan.

Photos from Dungaw's post 24/06/2026

๐Œ๐€๐†๐“๐”๐Ž๐ƒ ๐๐‡๐’ ๐๐€๐†-๐”๐–๐ฅ ๐๐† ๐๐‹๐€๐“๐ˆ๐๐”๐Œ ๐€๐–๐€๐‘๐ƒ, ๐ˆ๐Š๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐๐–๐„๐’๐“๐Ž ๐’๐€ ๐๐€๐๐ƒ๐€๐ˆ๐†๐ƒ๐ˆ๐†๐€๐๐† ๐’๐‡๐Ž๐‘๐“ ๐…๐ˆ๐‹๐Œ ๐‚๐Ž๐Œ๐๐„๐“๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐

Muling nagbigay ng karangalan sa paaralan at sa Pilipinas ang Magtuod National High School matapos makamit ang Ikalawang Pwesto at Platinum Award sa Creative Category Upper English Short Film Competition ng ika-6 na International Creative Creators Playground 2026 na ginanap sa Malaysia.

Sa temang โ€œSDG 4: Quality Education,โ€ ipinakita ng kalahok na grupo ang kanilang pagkamalikhain at husay sa paggawa ng pelikula. Naipamalas nila ang kahalagahan ng de-kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang maikling pelikulang pinamagatang โ€œRekindled Light.โ€

Isang malaking pagbati kay Ma'am Alma Geyrozaga, ang supervising teacher ng grupo, sa kanyang paggabay at suporta na naging daan upang makamit ng mga kalahok ang mataas na pagkilala na ito para sa paaralan.

Pagbati rin sa mga kalahok na sina Jessel Jhoy Andrino, Shiella Mae Taro, at Angelyn Velasquez. Ang kanilang dedikasyon, sipag, at talento ang naging susi sa pagkamit ng tagumpay na ito at sa muling pagbibigay ng karangalan sa Magtuod National High School.

Photos from Dungaw's post 24/06/2026

๐Ž๐ฉ๐ฅ๐š๐ง ๐๐š๐ฅ๐ข๐ค ๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐Œ๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ , ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐จ๐ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ

Binisita kahapon, June 23, ang Magtuod National High School (MNHS) nina Dr. Roberto R. Binag, Public Schools District Supervisor (PSDS) ng Cluster 3 Secondary Schools, at Jessa Mae Poe, Cluster 3 Nurse, para sa taunang Oplan Balik Eskwela (OBE) Monitoring.

Inabangan at ginabayan ang pagbisita nina Dr. Binag ni Sir Federico Supera Jr., habang malugod naman silang tinanggap ng punong-g**o ng paaralan na si Dr. Rudilyn Garcesa.

Layunin ng nasabing monitoring na suriin ang kahandaan ng MNHS sa iba't ibang aspeto tulad ng kalinisan, mga kagamitan, kaligtasan, suporta, at ang instructional delivery o pagtuturo ng mga g**o.

Bukod sa pag-inspeksyon sa mga inihandang dokumento, naging pagkakataon din ito upang magbahagi ng mga payo at mungkahi si Dr. Binag para sa mas ikagaganda ng pamamalakad sa paaralan.

Matapos ang masusing pagsusuri at pagpapakita ng punong-g**o sa mga tugon ng paaralan sa mga obserbasyon, nag-iwan ng positibong pidbak si Dr. Binag at ginawaran ng mataas na rating ang MNHS dahil sa maayos na kahandaan nito.

Sa kabuuan, matagumpay na nagtapos ang OBE Monitoring na magsisilbing gabay ng MNHS upang mas paunlarin at panatilihin ang kalidad ng serbisyong edukasyon at kaayusan sa paaralan.

Photos from ๐“๐ก๐ž ๐Œ๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐จ๐ ๐•๐š๐ง๐ญ๐š๐ ๐ž's post 20/06/2026
Photos from Dungaw's post 16/06/2026

๐Œ๐€๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐€ ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ ๐€๐๐† ๐‚๐‹๐”๐ ๐ƒ๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐†๐“๐”๐Ž๐ƒ ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐‡๐ˆ๐†๐‡ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹

Isinagawa nang matagumpay ang Club Day sa Magtuod National High School ngayong ika-16 ng Hunyo 2026 bilang bahagi ng mga gawain sa pagsisimula ng Taong Panuruan 2026โ€“2027. Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong pumili ng organisasyon o klub na kanilang nais salihan batay sa kanilang mga interes at kakayahan.

Kabilang sa mga organisasyong maaaring salihan ng mga mag-aaral ang The Magtuod Vantage, MagMath Club, Science Club, English Club, Filipino Club, TLE Club, at YES-O Club. Masiglang nagtungo ang mga mag-aaral sa mga nakatalagang silid-aralan ng bawat organisasyon upang magpalista at maging opisyal na kasapi ng kanilang napiling klub.

Matapos ang pagpili ng mga miyembro, isinagawa ang halalan para sa mga opisyal ng bawat organisasyon. Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral sa pagboto upang maihalal ang mga lider na mangunguna sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, at iba pang gawain ng kanilang mga organisasyon sa buong taon.

Naging maayos at matagumpay ang isinagawang Club Day sa tulong ng mga g**o, tagapayo, at mga mag-aaral na nakiisa sa gawain. Sa pamamagitan nito, nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maging bahagi ng mga organisasyong makatutulong sa pagpapaunlad ng kanilang mga kasanayan, kakayahan, at pamumuno.

โœ๐Ÿป : Mark Joseph Magday

Photos from Dungaw's post 15/06/2026

๐Œ๐€๐†๐“๐”๐Ž๐ƒ ๐๐‡๐’ ๐๐€๐†๐’๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐† ๐‡๐Ž๐Œ๐„๐‘๐Ž๐Ž๐Œ ๐€๐“ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹ ๐๐“๐€ ๐†๐„๐๐„๐‘๐€๐‹ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐’๐˜ 2026โ€“2027

Nagpaganap ang Magtuod National High School ng Homeroom PTA Meeting at School PTA General Meeting, ngayong araw Hunyo 15, 2026, ika-1:00 ng hapon na pinangulohan ni Dr. Rudilyn D. Garcesa, Phd ang School Head ng paaralan, kasama na rito ang iba pang mga g**o at magulang.

Unang isinagawa ang Homeroom PTA Meeting sa kani-kanilang mga silid-aralan. Dito, ipinaliwanag ng mga advisory teachers ang mga alituntunin at patakaran sa kanilang mga klase upang maging gabay ng mga magulang sa pag-aaral at pag-uugali ng kanilang mga anak. Tinalakay rin ang bagong kurikulum na ipinatutupad ng Department of Education (DepEd).

Kasunod nito, nagsagawa ng talakayan ang mga g**o at mga magulang hinggil sa mga proyektong isasagawa sa bawat silid-aralan o seksyon. Nagkaroon din ng eleksyon para sa mga opisyal ng Homeroom PTA na magsisilbing kinatawan ng mga magulang sa bawat seksyon ng paaralan.

Matapos ang Homeroom PTA Meeting, nagtungo ang mga g**o at mga magulang sa Magtuod Gymnasium para sa School PTA General Meeting. Binuksan ang programa sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni Angelyn Velasquez, SSLG President ng paaralan.

Nagbigay naman ng mensahe ang punong-g**o na si Dr. Rudilyn D. Garcesa, PhD, kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak. Hinikayat din niya ang mga ito na makipagtulungan sa paaralan upang higit na mapabuti ang pagkatuto, disiplina, at pangkalahatang kapakanan ng mga mag-aaral.

Nagkaroon din ng talakayan si Sir Randy hinggil sa Child Protection Policy at iba pang mahahalagang alituntunin at programang ipinatutupad ng paaralan upang matiyak ang kaligtasan, kapakanan, at karapatan ng mga mag-aaral. Ipinaliwanag niya ang mga hakbang na ginagawa ng paaralan upang mapanatili ang isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat.

Samantala, inilahad naman ni Rosalie Limuran ang ulat tungkol sa pananalapi at ang panukalang badyet ng PTA. Ipinaliwanag niya kung saan ilalaan ang mga kontribusyon at bayarin ng mga magulang para sa iba't ibang programa, proyekto, at pangangailangan ng paaralan. Matapos ang presentasyon, nagkaroon ng pagsang-ayon mula sa mga dumalong magulang sa mga inilahad na plano at paggamit ng pondo.

Isinagawa rin ang eleksyon ng mga opisyal ng School PTA para sa taong panuruan 2026โ€“2027. Matapos ang halalan, ipinakilala ang mga bagong halal na opisyal na inaasahang mangunguna sa pagpapatupad ng mga programa at proyektong makatutulong sa kapakanan ng mga mag-aaral at ng paaralan.

Nagtapos ang pagpupulong sa isang bukas na talakayan kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga magulang na magbahagi ng kanilang mga mungkahi, katanungan, at iba pang usapin na may kaugnayan sa edukasyon ng kanilang mga anak. Ang programa ay pormal na nagtapos sa pamamagitan ng pangwakas na panalangin na pinangunahan ni Ma'am Mariazell Magan.

Sa kabuuan, naging matagumpay ang isinagawang Homeroom PTA Meeting at School PTA General Meeting na nagpatibay sa ugnayan at pagtutulungan ng paaralan at mga magulang tungo sa mas de-kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral ng Magtuod National High School.

โœ๐Ÿป : Jeliane Claire Ricanor at Mark Joseph Magday

Photos from Dungaw's post 15/06/2026

๐ƒ๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐•๐š๐ฅ๐ข๐๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ฌ, ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ข ๐ฌ๐š ๐†๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐จ๐ ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ

Araw ng Lunes, Hunyo 15, 2026, nagtungo ang mga Division Validators sa Magtuod National High School upang magsagawa ng pagsusuri sa Gulayan sa Paaralan. Sila ay malugod na tinanggap at ginabayan ng punong g**o na si Dr. Rudilyn Garcesa, kasama ang Gulayan Coordinator na si Gng. Cristine Dalman at si G. Randy Rhys Garcia.

Ang mga nagsilbing Division Validators ay sina Jasmin Betinol (Nurse II, Division GPP Focal), Cesar Dominic Iligan (Nurse II, Malabog District, Division GPP Co-Focal), Ellen B. Estacaan (Master Teacher, San Roque District), Richjam Abellanida (AO II, Registered Agriculturist, Buhangin West), Jessa Mae Poe (Cluster 3 Nurse), at Raymond Pedregosa.

Ipinakita sa mga validators ang iba't ibang pananim ng paaralan tulad ng labanos, mais, alugbati, saging, at iba pa. Sa isinagawang pag-iikot, nagbigay ang mga validators ng mga mungkahi, puna, at rekomendasyon upang higit pang mapabuti ang mga pamamaraan sa pagtatanim at mapaganda ang kinalabasan ng programa.

Sa kabuuan, matagumpay na natapos ang pagsusuri ng mga Division Validators. Ang kanilang mga mungkahi at rekomendasyon ay magsisilbing gabay upang maipagpatuloy ang pagpapaunlad at pagpapanatili ng programa para sa kapakinabangan ng buong komunidad ng paaralan.

โœ๐Ÿป : Jessel Jhoy C. Andrino

Want your school to be the top-listed School/college in Davao City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Purok 3, Brgy. Magtuod
Davao City
8000