10/08/2026
BINUGAO NHS, MAY BAGONG LIDERATO
Turn-over ceremony, naghatid ng pamamaalam, pasasalamat, at panibagong pag-asa sa paaralan
BINUGAO, DAVAO CITY — Pormal nang nagpalit ng pamunuan ang Binugao National High School matapos idaos ang Turn-over Ceremony noong Agosto 7, 2026, na nagsilbing simbolo nang pagtatapos sa dating administrasyon at simula ng panibagong yugto nang pamumuno.
Dumalo sa seremonya ang mga punong-g**o ng Cluster V, mga g**o, Public Schools District Supervisor (PSDS), mga opisyal ng Barangay Binugao, at mga opisyal ng School Parents-Teachers Association (SPTA).
Nagbigay ng mensahe ang dating punong-g**o na si Sir William D. Enriquez, na nagpahayag ng pasasalamat sa mga g**o, mag-aaral, magulang, at iba pang katuwang ng paaralan sa kaniyang panahon ng paglilingkod.
Binigyang-diin naman ni Cluster V PSDS Ma’am Isidora C. Cermino ang kahalagahan ng pagkakaisa at kooperasyon sa mahusay na pamamahala. Kinikilala rin ang naging ambag sa pamumuno nina Sir William D. Enriquez, Ma’am Theresa O. Paraiso, at Sir Ian C. Abella.
Samantala, pormal na tinanggap ni Sir Anselmo S. Saniel ang pamumuno bilang bagong punong-g**o ng Binugao NHS. Sa kaniyang mensahe, ipinahayag niya ang kaniyang hangaring maglingkod nang tapat at makipagtulungan sa buong komunidad ng paaralan.
“Ang paaralan ay hindi lamang itinataguyod ng isang lider. Ito ay pinatatatag ng pagkakaisa at pagtutulungan ng buong komunidad.”
Nagpaabot din ng pagbati at suporta ang Barangay Binugao sa bagong administrasyon, na binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan ng paaralan at komunidad.
Sa pagtatapos ng seremonya, iniwan ang mensaheng ang pagbabago sa pamunuan ay hindi lamang pamamaalam, kundi panibagong pagkakataon para sa pag-unlad, pagkakaisa, at mas mahusay na paglilingkod sa mga mag-aaral ng Binugao NHS.
Bagong liderato. Bagong yugto. Iisang layunin—ang patuloy na pag-unlad ng Binugao National High School.
🖊️Fahima Mabang
📷 Justine Paredes at Kate Dumagan