Ang Daloy

Ang Daloy Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng University of the Immaculate Conception - SHS Unit

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ, Frances Pacaรฑa!Nawa'y maging makabuluhan ang pagdiriwang ng iyong espesyal na araw at mapuno ito ng...
26/08/2026

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ, Frances Pacaรฑa!

Nawa'y maging makabuluhan ang pagdiriwang ng iyong espesyal na araw at mapuno ito ng saya, mabuting kalusugan, at maraming biyaya. Hangad namin ang patuloy mong tagumpay at inspirasyon sa bawat hakbang ng iyong paglalakbay.

At higit sa lahat, nawaโ€™y patuloy kang pagpalain ng Maykapal!

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป, ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป.Ngayong Araw ni Ninoy Aquino,  ating alalahanin ang kan...
21/08/2026

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป, ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป.

Ngayong Araw ni Ninoy Aquino, ating alalahanin ang kanyang tapang at pagmamahal sa bayan, at ang kanyang paninindigan para sa katotohanan, kalayaan, at demokrasya.

Bilang mga mamamahayag, nagsisilbing paalala ang kanyang buhay na ang katotohanan ay dapat hanapin, ipaglaban, at ipabatid. Sa panulat man o sa tinig, patuloy tayong manindigan at magsilbi para sa bayan.

๐—š๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ๐—ต๐—ถ๐—ฐ๐˜€: Nicole Datoy
๐—ช๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ: Ayesha Resare

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—จ๐—œ๐—– ๐—ฆ๐—›๐—ฆ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ดNagsagawa ng fire emergency simulation ang mga mag-aaral, g**o, at kaw...
19/08/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—จ๐—œ๐—– ๐—ฆ๐—›๐—ฆ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ด

Nagsagawa ng fire emergency simulation ang mga mag-aaral, g**o, at kawani ng University of the Immaculate Conception (UIC) noong Agosto 19, 2026, alas 8:05 ng umaga.

Matapos matanggap ang hudyat ng pagsasanay, agad na lumikas ang mga mag-aaral mula sa kanilang mga silid-aralan at nagtungo sa itinakdang evacuation area, alinsunod sa wastong pamamaraan ng paglikas.

Isinagawa ang aktibidad upang masukat ang kahandaan ng komunidad ng paaralan sa panahon ng sakuna at matiyak na nauunawaan at nasusunod ng bawat isa ang wastong evacuation procedures.

๐—ฃ๐—ต๐—ผ๐˜๐—ผ๐˜€: Meiko Catcha
๐—ช๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฟ: Chris Bolfango

โ€Ž๐™ˆ๐™–๐™™๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™– ๐˜ฟ๐™–๐™—๐™–๐™ฌ, ๐™๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™ž ๐™‰๐™ž๐™ฃ๐™ค๐™ฎ, ๐™–๐™ฉ ๐˜ฟ๐™ž๐™ฌ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™ž โ€” ๐™๐™–๐™ฉ๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–, ๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™–๐™ฎ๐™–, ๐™‡๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™’๐™š๐™š๐™ ๐™š๐™ฃ๐™™ ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™ช๐™ฃ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ-๐™–๐™จ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™Ž๐™–...
17/08/2026

โ€Ž๐™ˆ๐™–๐™™๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฌ ๐™ฃ๐™– ๐˜ฟ๐™–๐™—๐™–๐™ฌ, ๐™๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™ž ๐™‰๐™ž๐™ฃ๐™ค๐™ฎ, ๐™–๐™ฉ ๐˜ฟ๐™ž๐™ฌ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™ž โ€” ๐™๐™–๐™ฉ๐™ก๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™–, ๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™–๐™ฎ๐™–, ๐™‡๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™’๐™š๐™š๐™ ๐™š๐™ฃ๐™™ ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™ช๐™ฃ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ-๐™–๐™จ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™Ž๐™–๐™ฎ๐™–!
โ€Ž
โ€ŽSa buwan ng Agosto, triple ang saya dahil sabay-sabay nating ipinagdiriwang ang Kadayawan Festival na puno ng kulay at kultura โ€” sa bawat ngiti at sayaw, buhay ang diwa ng pagkakaisa, Madayaw Dabaw! Kasabay naman nito ang Ninoy Aquino Day na nagbibigay inspirasyon ng tapang at demokrasya, Tapang ng Bayani, Sigla ng Lahi! At ang Araw Ng Mga Bayani na nagpapaalala ng ating kasaysayan na ating natamo bilang mga pilipino na hanggang ngayon ay ating nararanasan at nilalabanan araw-araw. Tapang ng Bayani, Sigla ng Lahi, Pagkakaisaโ€™y buhay, sa puso ng bawat Pinoy lagi!

August 21 (Special Non-working Holiday) - Ninoy Aquino Day
August 31 (Regular Holiday) - National Heroes Day
โ€Ž
โ€Ž๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™จ๐™–๐™ฎ๐™–, ๐™ข๐™–๐™ ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฎ, ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™ช๐™ฃ๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ-๐™–๐™จ๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™จ๐™ž๐™œ๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™๐™–๐™—๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™—๐™ช๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ!

โœ๏ธ | Twinks Kaye Duhilag
๐ŸŽจ | Aubrey Luayon

Mga Awit 121:2 โ€œAng hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa." Ipinapahiwatig ...
15/08/2026

Mga Awit 121:2 โ€œAng hangad kong tulong, kay Yahweh magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa."

Ipinapahiwatig ng bersikulong ito na sa bawat problema, takot, pangangamba at pagsubok, laging nariyan ang Diyos bilang ating lakas, sandigan, at gumagabay sa atin.

Kapag tayo ay nawawalan ng pag-asa, huwag tayong susuko, bangkus tayo ay manalangin, magtiwala, at patuloy na lumaban dahil hinding hindi tayo nag-iisa. Maaaring hindi natin alam kung saan patungo ang ating mga hakbang, ngunit kapag Diyos ang ating sandigan, bawat hakbang ay may pag-asa at bawat pagsubok ay may dahilan.

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก | ๐— ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ง๐—ฎ๐—ผ, ๐— ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ง๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป Gaano ka katagal maghihintay sa pagbabalik ng isang taong lubos mong minahal?Isan...
15/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก | ๐— ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ง๐—ฎ๐—ผ, ๐— ๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ง๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป

Gaano ka katagal maghihintay sa pagbabalik ng isang taong lubos mong minahal?

Isang araw? Isang taon? Sampung taon?

Habang si Odysseus ay nakikipagbuno sa dagat, mga halimaw, diyos, at tukso upang makauwi, si Penelope naman ay nanatili sa Ithaca, humaharap sa sariling unos ng pangungulila, pagdududa, at mga manliligaw na nais pumalit sa kaniyang asawa.

Dalawa ang kanilang paglalakbay. Ang isa ay nasa dagat, ang isa ay nasa paghihintay.

Hindi tiyak ni Penelope kung makababalik pa si Odysseus, ngunit pinili niyang manatili. Sapagkat may mga pagkakataong ang katapatan ay hindi nakasalalay sa katiyakan, kundi sa paniniwalang pinipili mong panghawakan.

At marahil, higit pa sa Ithaca, si Penelope ang tahanang hinahanap ni Odysseus.

Sapagkat ang tahanan ay hindi laging isang lugar. Minsan, isa itong taong nais mong balikan.

Hatakin man ng mundo palayo sa tahanan, walang makakatalo sa lugar na itinuturing na pahingahan, at walang tukso ang magpapahinto sa kaniyang paglalakbay.

Sa huli, hindi lahat ng paghihintay ay nauuwi sa pagbabalik. Ngunit sa kuwento nina Penelope at Odysseus, may isang bagay na nanatili: isang tahanang hindi nababagot sa paghihintay.

Kung ang taong mahal mo ay kailangang dumaan sa pinakamahabang daan upang makauwi, gaano katagal mo siyang hihintayin?

โœ๏ธ | Jade Sibayan
๐Ÿ’ป | Frances Pacaรฑa

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ, Trisha Bajenting!Nawa'y maging makabuluhan ang pagdiriwang ng iyong espesyal na araw at mapuno ito ...
14/08/2026

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™–๐™ง๐™–๐™ฌ๐™–๐™ฃ, Trisha Bajenting!

Nawa'y maging makabuluhan ang pagdiriwang ng iyong espesyal na araw at mapuno ito ng saya, mabuting kalusugan, at maraming biyaya. Hangad namin ang patuloy mong tagumpay at inspirasyon sa bawat hakbang ng iyong paglalakbay.

At higit sa lahat, nawaโ€™y patuloy kang pagpalain ng Maykapal!

๐—จ๐—œ๐—– ๐—ฆ๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜‚๐—ฎ๐—น ๐—–๐—น๐˜‚๐—ฏ๐˜€ ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—บ-๐—•๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒNagtipon ang mga miyembro ng ibaโ€™t ibang Spiritual Clubs ng...
09/08/2026

๐—จ๐—œ๐—– ๐—ฆ๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜‚๐—ฎ๐—น ๐—–๐—น๐˜‚๐—ฏ๐˜€ ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—บ-๐—•๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Nagtipon ang mga miyembro ng ibaโ€™t ibang Spiritual Clubs ng University of the Immaculate Conception (UIC) nitong Agosto 8, 2026 sa OLP Hall para sa Spiritual Clubs Formation and Team-Building 2026, na nakatuon sa pagpapalalim ng pananampalataya at pagpapalakas ng samahan ng bawat club.

Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Mother Ignacia Club, Liturgical Club, Knights of the Altar, at Word & Witness Bible Club. Bitbit ng programa ang temang โ€œOne Mission, Many Gifts: Nurturing Compassion, Discernment, Hope, and Human Flourishing through Ignacian Marian Leadership.โ€

Nakatuon ito sa pagpapahalaga sa ibaโ€™t ibang kakayahan ng bawat miyembro at kung paano ito maaaring pagsamahin para sa iisang misyon.

Sinimulan ang programa sa panalangin, energizer, at pagpapakilala sa tema. Sinundan ito ng mga formation session tungkol sa compassion at discernment, kung saan hinikayat ang mga kalahok na maging mas maunawain sa iba at matutong gumawa ng mga desisyong nakabatay sa kanilang pananampalataya.

Bukod sa saya at pakikipagtulungan, nagsilbi ring pagkakataon ang programa upang mas makilala ng bawat club ang kanilang mga tungkulin at kakayahan.

Sa pamamagitan nito, ipinakita na kahit magkakaiba ang kanilang ministries, iisa pa rin ang kanilang layunin kundi ang maglingkod at maging saksi ng pananampalataya sa komunidad ng UIC.

Nagtapos ang programa sa club mission planning, commitment rite, sending forth, at Melodies of Praise. Binigyan din ng pagkakataon ang mga kalahok na pag-isipan ang kanilang personal na commitment at ang mga susunod na hakbang ng kanilang mga plano para sa club.

โœ๏ธ Nicole Kate P. Aragon
๐Ÿ“ธ Dylan Claire O. Tornilla

INDIGENOUS PEOPLE'S DAY Sa gitna ng mabilis na pagbabago ng lipunan, nananatiling buhay ang kultura at tradisyon ng mga ...
09/08/2026

INDIGENOUS PEOPLE'S DAY

Sa gitna ng mabilis na pagbabago ng lipunan, nananatiling buhay ang kultura at tradisyon ng mga katutubong pangkat. Sa bawat tradisyon, may kuwentong dapat pakinggan; sa bawat kultura, may pagkakakilanlang dapat igalang.

Ngayong Araw ng mga Katutubo, ating kinikilala at ipinagdiriwang ang kanilang mga tinig at kuwentong ipinapasa mula sa isang salinlahi patungo sa susunod. Ang kanilang kultura ay hindi lamang bahagi ng nakaraan, kundi isang mahalagang pamana na patuloy na nagbibigay-kulay at kahulugan sa ating pagkakakilanlan bilang isang bayan.

Writer: Ayesha Resare
Graphics: Joseph Villa

๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—œ๐—ž๐—จ๐—Ÿ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข | ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฎ๐—ด๐—ผ ๐Ÿฎ:๐Ÿฎ๐Ÿฒโ€œPatay ang katawang walang espiritu; gayundin naman, patay ang pananampalatayang wala...
09/08/2026

๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—œ๐—ž๐—จ๐—Ÿ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—ข | ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฎ๐—ด๐—ผ ๐Ÿฎ:๐Ÿฎ๐Ÿฒ

โ€œPatay ang katawang walang espiritu; gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kasamang gawa.โ€

Nais ipahayag ng bersikulong ito na ang pananampalataya ay hindi lamang nasusukat sa salita, kundi sa mabubuting gawa na ating ipinapakita. Sa pagtulong sa kapwa at paggawa ng tama, naipapakita natin ang tunay na halaga ng pananampalataya. Ang bawat munting gawa ng pagmamahal at pag-unawa ay nagpapalago sa ating pananampalataya.

Address

300 Margarita Village Road, Buhangin
Davao City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Daloy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share